CS: 15

323 13 0
                                    

Chapter Fifteen

Pumikit ako at nilanghap ang sariwang hangin. "Welcome to Venice, Preya!" Sabi ko sa sarili ko.

Narinig kong natawa si Klio kaya nilingon ko siya habang nakakunot ang noo. "What's funny?"

"You," diretsang sabi niya.

Pabirong inirapan ko siya. Prangka talaga 'to e. Psh.

Nang may dumaan na cab ay sumakay na kami at dumiretso sa hotel.

Pagkarating sa suite ay humilata agad ako sa kama. Nakakapagod masyado ang biyahe kahit nakaupo lang naman kami. Halos 18 hours iyon.

Bumukas ang pinto at pumasok si Klio. "Are you tired?" Tanong niya habang hila-hila ang tig-isa naming maleta.

"Yeah," tipid na sagot ko.

"Then, sleep," tinignan niya ang wristwatch niya. "I'll wake you up around 1:00 p.m., then we'll proceed to our destination," nakangiting aniya.

"Alright. I'll just change my clothes first," sabay tayo ko at kumuha ng damit sa maleta ko. Dumiretso ako sa walk-in closet para doon magbihis.

Isang suite lang ang kinuha namin ni Klio dahil masyadong mahal kapag nag tig-isa pa kami. Pero mabuti ay dalawa ang kama kaya wala kami magiging problema sa pagtulog.

Matapos magbihis ay nakita ko si Klio na nasa balcony. Napangiti ako. It's our third monthsary today, and this is our plan for this day.

Bumalik ako sa pagkahiga sa kama at agad na hinila ng antok.

Naggising ako sa malakas na tunog na narinig ko. Kunot-noong dinilat ko ang mga mata at nakita si Klio na nakaupo sa tabi ko habang hawak ang isang maliit na speaker na bahagyang malapit sa tainga ko.

"Bakit?" Tanong ko.

"What? I told you I'll wake you up, right?" Aniya.

Lalong kumunot ang noo ko. Kailan niya sinabi—

I heard him chuckled. "Back to senses, darling. Change your clothes," utos niya.

Napapikit ako. Oo nga pala, aalis kami. Psh.

Bumangon na 'ko at nagsimula na mag-ayos.

Kumain muna kami sa isang fine restaurant bago maglibot sa lugar.

"Sa'n tayo unang pupunta?" Tanong ko sa kaniya habang palabas na ng restaurant.

Nagkibit-balikat siya. "The driver knows."

"What? So hindi mo alam?"

Mahina siyang natawa. "I know. But I just want to surprise you. So, let's go," sabay hawak sa kamay ko. Nakita ko ang nirentahan niyang cab at sumakay na kami ro'n. Iyon din ang cab na nagsundo sa'min sa airport.

**
"Do you enjoying the view?" Tanong ni Klio habang nakasakay kami sa gondola. It's almost 7:00 in the evening and we're here at the Grand Canal.

"Yes. Hindi ko akalain na ganito pala talaga kaganda rito," namamanghang usal ko.

Hinapit niya ako sa baywang. "Where? Here at Grand Canal or the whole place?"

Childhood SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon