CS: 18

320 12 0
                                    

Chapter Eighteen

Pagod na humilata ako sa kama. Kararating lang namin sa hotel matapos naming mamasyal ni Klio dito sa Paris.

I'm quiet familiar in the places but I'm still amazed in the sights. Bago kasi ang araw ng kasal ni Ate Pritz noon ay naisipan ni Ate Wendy na mamasyal kami at libutin ang lugar.

"Are you tired?" Lumapit sa'kin si Klio at umupo sa kama.

"A sort of."

"Then take a sleep. We'll go later at the rooftop by evening," diretsong sabi niya at hinalikan ako sa noo.

Tumango na lang ako kahit hindi ko alam kung ano ang gagawin namin doon mamaya. Marahang ipinikit ko na ang mga mata ko at naramdaman ko pang muli ang pagdampi ng mga labi niya sa noo ko bago tuluyang makatulog.

"Vela!" nakangiting sinalubong ko nang yakap ang kararating lang na si Vela.

Ang tagal ko siyang hindi nakita at sobrang na-miss ko siya. Madalang lang siyang mangamusta sa amin dahil may inaasikaso raw siyang importanteng bagay. Kaya ganito na lang ang pagkasabik ko na makita siyang muli.

Nangunot ang noo ko nang hindi ko naramdaman ang pagyakap niya sa'kin pabalik. Gawain pa man din niya 'yon.

Mas lalong nangunot ang noo ko nang makitang walang emosyon ang mga mata niyang nakatingin sa'kin.

"Vela?"

Tila binuhusan ako ng napakalamig na yelo nang sampalin niya ako ng malakas. Nabaling ang mukha ko sa gilid sa lakas niyon. Ramdam ko ang hapdi ng pisngi ko pero hindi ko na 'yon inintindi pa. Diretsong tinignan ko siya sa mga mata.

"Vela... why?"

"I hate you!"

Napabalikwas ako ng bangon nang malakas na isigaw ni Vela ang mga katagang iyon. Panaginip lang ba iyon? Ngunit ramdam ko pa rin ang hapdi sa pisnging sinampal niya.

Nakita ko sa veranda si Klio at bahagyang napangiti. Siguro nga ay panaginip lang 'yon dahil nasa Paris kami. Malabong nandito si Vela.

Lalapitan ko na sana si Klio nang bumaling siya sa'kin. Gano'n na lang ang pagkagitla ko nang makitang lumuluha siya. Puno ng pagsisisi at hinanakit ang mga mata niya.

"K-Klio..."

"I-I-I'm sorry, darling. I-I'm s-sorry..."

Bigla ay unti-unting siyang naglalaho sa paningin ko.

"Hindi... hindi... Klio!"

"Hindi... hindi... Klio!" Malakas na hiyaw ko at habol ang hiningang napabalikwas ng bangon.

"What's wrong, darling? Are you alright?" Nag-aalalang lumapit sa'kin si Klio at niyakap ako.

Hindi ko napigilan na mapaiyak. "D-Don't leave me, K-Klio... D-Don't leave m-me..." nanginginig na sabi ko at ramdam na ramdam ko ang takot.

Naramdaman kong mas hinigpitan ni Klio ang pagkayakap sa'kin. Kinintilan niya ako ng halik sa ulo. "I won't, darling. Believe me, I won't. Sshh. Stop crying, darling. It's just a nightmare," malambing na aniya.

Nang mahimasmasan ay um-order ng dinner si Klio at dito lang namin kinain sa suite. Todo asikaso siya sa'kin at muntik na 'kong matawa kung ga'no siya kaaligaga.

"I'm fine now, Klio. Eat your foods, too," natatawang sabi ko.

"You sure?"

"Of course, I am. Mas magiging okay ako kung sasabayan mo 'kong kumain, okay? Kumain ka na rin," nakangiting saad ko at sinunod naman niya ang sinabi ko.

Childhood SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon