CS: 20

431 16 0
                                    

Chapter Twenty

Wala sa sariling nagmaneho ako papauwi sa bahay. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa utak ko ang mga nalaman ko kanina lamang.

Kaya ba gano'n ang napanaginipan ko tungkol kay Vela at Klio dahil...

Mariing napapikit ako at tuluyan nang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Hinayaan kong umagos iyon kasabay nang unti-unting pagkawasak ng puso ko.

Pero ayoko pa ring maniwala. Ayoko. Hindi 'yon magagawa ni Klio.

Himalang nakauwi ako nang ligtas kahit puno ng luha ang mga mata ko. Malagkit na ang buong mukha ko dahil sa mga natuyo kong luha. Pero hindi ko 'yon alintana sa ngayon. Ang gusto ko lang gawin ay humilata sa kama hanggang sa mawala na ang sakit na nararamdaman ko.

Paakyat na sana ako nang biglang may yumakap sa'kin. Hindi ko napansin na nasa harapan ko lang pala si Mommy. Hindi ko napigilan na mapaiyak ulit.

"Sshh. Sshh. It's alright, princess. Mommy's here," pag-aalo niya sa'kin.

Inakay niya 'ko paakyat at dumiretso kami sa kuwarto ko.

"Thanks, Mom. I-I... I need to sleep. I-I'm not feeling well.." nanghihinang usal ko.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Alright. Take a rest, princess. But Mommy's will stay here, okay?" Tumango na lang ako at nagtalukbong sa kumot.

Hanggang sa makatulog ay hindi maawat ang mga luha ko sa pag-agos.

Paggising ko ay madilim na sa labas. Wala na rin si Mommy dito sa loob. Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon sa bag ko. Muling tumulo ang mga luha ko nang mabasa kung sino ang nag-text.

From: Klio 🖤
Hi, darling. Are you busy? You didn't texted me today. Anyway, don't skip your dinner, okay? I missed you. I love you, darling.

Matapos basahin 'yon ay pinatay ko ang cellphone ko. I need to unwind my mind first.

Hindi ko namalayan na pumasok si Mommy sa kuwarto ko, may bitbit na tray ng pagkain.

Napansin ko lang siya nang marahan niyang haplusin ang buhok ko.

"How are you feeling, princess?" Nag-aalalang tanong niya.

"I-I'm... fine."

"You're not," nagitla pa ako nang hipuin niya ang noo ko. "You have a fever," bumuntong hininga siya. Tell me what happened, princess. I'll listen," maingat na usal pa niya.

Bumuga ako ng hangin at pilit pinipigilan na huwag umiyak ulit.

Kinuwento ko kay Mommy ang nangyari. Simula sa napanaginipan ko hanggang sa nangyari kanina.

Inaasahan ko nang maggugulat siya pero ang hindi ko inaasahan ay ang sinabi niya matapos kong magkuwento.

"We didn't know what's true, princess. But if your friend was right, then what he did was wrong. He should tell it to you in the first place," mahinahong aniya. "But I believe he has a reason why he didn't tell it to you, anak," napakurap ako nang tawagin niya akong anak. Parang no'n ko lang iyon narinig mula sa kaniya. "Talk to him, princess. Clarify things between the both of you. Makinig ka sa paliwanag niya at makipaghiwalay ka nang maayos kung iyon ang gusto mo," pagpapatuloy niya.

Bumigat ang pakiramdam ko sa narinig. Tell me it's not true, Klio. But if it is, I need to hurt ourselves even if I don't really want to..

***
Matapos ang naging pag-uusap namin ni Mommy noong nakaraang linggo ay pinag-leave niya muna ako sa trabaho para raw makapag-isip isip ako.

Nitong mga nagdaang araw ay wala akong ibang inisip kundi ang pag-uusap namin ni Vela. Hindi ako maniniwala hangga't hindi si Klio ang nagsasabi sa'kin.

Childhood SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon