CS: 11

420 16 0
                                    

Chapter Eleven

Dalawang buwan na ang nakalilipas simula nang mangyari ang engkuwentro namin kay Klio. Hindi ko malilimutan ang mga tingin niya sa'kin matapos niyang malaman na ako ang kababata niya. Parang... parang gusto kong bumigay ng mga oras na 'yon. Iyong mga tingin niya. Iyon 'yung mga tingin niya no'ng bata pa lang kami.

Nang mga sandaling iyon ay parang nawala ako sa reyalidad. Parang gusto ko na lang na makasama siya. Nakalimutan ko ang tungkol sa panliligaw sa'kin ni Caleb. Pero bigla rin akong nabalik sa reyalidad at pagkatapos makapagkuwento ni Xylar ay dire-diretso ako sa pag-alis do'n. Bastos man, pero iyon lang ang alam kong paraan para hindi ako malunod sa imahinasyon ko. Mabuti na lang at hinayaan ako ni Xylar. Sinabi niyang balak akong sundan no'n ni Klio pero pinigilan niya lang at kinausap ng masinsinan. I wonder what she told to him? Masyado nang banal ang kaibigan kong 'yon.

Speaking of my best friend, birthday niya ngayon at maya-maya lang ay susunduin ako ni Caleb para dumalo sa kaarawan niya. She's 26 by now, mas matanda lang siya sa'kin ng isang buwan.

I wore a simple white floral sleeveless dress and cream flat shoes. Hinayaan kong nakalugay lang ang buhok ko dahil malamig ang simoy ng hangin ngayong gabi kung ipupusod ko 'yon.

Ilang sandali lang ay may narinig na akong busina. Kinuha ko na ang pouch bag ko at lumabas na ng kuwarto.

Dumiretso ako sa gate at nakitang nakasandal si Caleb sa may kotse niya habang nakatingin sa'kin. Ngumiti naman ako pagkalapit.

"Hey, miss beautiful," bungad niya.

"Bolero," pinagbuksan niya 'ko ng pinto sa front seat at dumiretso na siya sa driver seat.

"You don't have gift for her?" Tanong niya habang nasa daan na kami.

"Wala e. Pwede bang dumaan na lang tayo sa isang wine store? Bibili ako ng isa at iyon na lang regalo ko sa kaniya," sagot ko.

"Sure thing."

"E ikaw? May regalo ka ba?" Tanong ko pabalik.

"Yeah. At the backseat," sagot niya.

Tinignan ko naman kung ano ang nasa backseat at nakitang isa iyong may kalakihan na teddy bear. Natawa naman ako.

"Why are you laughing?" Tanong niya.

"Wala naman. Para kasing bata si Xylar sa regalo mo."

Nagkibit-balikat lang siya at hininto na ang sasakyan sa isang store. Bumaba naman na 'ko at pumili ng masarap na wine.

Pagkatapos niyon ay dumiretso na kami sa bahay nila Xylar.

Simple yet lively. Iyan ang bumungad sa'min sa may garden ng bahay nila Xylar. Do'n gaganapin ang mini party niya. Natanaw ko siya na kinakausap ang mga bisita kasama ang boyfriend niya. Napangiti naman ako.

"Best," tawag pansin ko sa kaniya.

Naagaw ko naman ang atensyon niya at nakangiting lumapit sa'min ni Caleb.

"Happy birthday," sabi ko sabay abot ng wine.

Napangiwi siya. "Thanks. Hindi ako brokenhearted ngayon, pinapaalala ko lang sa'yo," aniya.

"Alam ko."

"E bakit ganito regalo mo sa'kin?" Reklamo niya.

"Wow naman. Buti nga ay may regalo. Choosy ka pa d'yan. Magandang regalo rin naman ang wine sa birthday ah? 'Di ba Ja-de?" Pagkausap ko pa sa nobyo niya.

Natawa naman ito ng bahagya. "Yeah. You should appreciate every gifts that you received, whether it is just a small one or not," pagsermon pa nito sa nobya.

Childhood SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon