CS: 03

741 20 0
                                    

Chapter Three

Uwian na namin at sabay kaming naglalakad ni Xylar papunta sa waiting shed upang hintayin ang mga sundo namin.

"Best, ayos ka lang ba? Bakit ang tahimik mo naman?" Tanong niya.

"Wala. Medyo nadismaya lang ako kasi hindi siya 'yung kababata ko na inaasahan ko," tukoy ko sa bago naming kaklase.

Tinapik niya 'ko sa balikat. "Sabi sa'yo 'wag masyadong umasa e. Pero okay lang 'yan. Better luck next time," pagpapagaan pa niya sa loob ko. Natawa na lang ako.

"Pero infairness, ang guwapo nga niyang talaga ha. Siguro pumuti lang 'yon dahil galing sa States," komento niya pa.

"Hindi. Maputi na talaga 'yon dati pa," depensa ko naman.

"Weh? Pa'no mo naman nasabi?"

"Kababata ko rin kasi—," pinutol niya ang sasabihin ko.

"Come again?"

"Teka nga. Patapusin mo kasi 'ko 'diba?" Pagtataray ko kunwari.

Natawa naman siya. "Okay, okay. Zip na mouth," ginawa niya pa na kunwari ay sinara niya ang bibig niya.

"Ayun na nga. Kababata ko rin siya dati. Remember I told you before named CJ? Siya 'yon. Short for Caleb Joaquin," paliwanag ko.

Simula nang maging mag-bestfriend kaming dalawa ay walang hindi siya alam sa'kin, gano'n din ako sa kaniya.

"Omg. Oo nga 'no? Bakit hindi ko naalala 'yon? Seryoso? Siya nga 'yon?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Paulit-ulit? Oo nga."

"E bakit hindi kayo nag-usap man lang?" Tanong niya pa.

Nagkibit-balikat ako. "I don't know. I don't feel to entertain him a while ago."

"Arte. Gumaganiyan ka pa. Palibhasa hindi siya 'yung inaasahan mo," pang-aasar niya.

Inirapan ko siya. "Ang dami mong satsat e 'no?"

Natawa siya. "Ang ganda ko kasi e. Saka baka siya naman ang meant to be mo at hindi 'yung isa," sabi niya pa.

"Asa. Baka naman," iyon na lang at sinabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad.

***
Kinabukasan ng recess ay bababa na sana kami ni Xylar papunta sa cafeteria nang may tumawag sa'kin.

"Preya?" Lumingon naman ako at nagulat nang makitang si Caleb iyon.

"Hey," tugon ko.

"Am I right? That is your name?" Tanong niya.

"Uhm, yes. Bakit? Sa'n mo nalaman ang pangalan ko?" Tanong ko rin.

Ngumiti naman siya. "I heard a while ago from your friend—," naputol ang sasabihin niya nang bigla akong tinawag ng malakas ni Xylar.

"Preya Deyna! Ano na? Nagugutom na 'ko!" Bulalas nito.

Inirapan ko siya. "Can't you just wait? May kausap ako oh," sabay turo kay Caleb.

Naging maamo ang mukha nito nang makita ang kausap ko. Madaliang lumapit siya sa'kin at bumulong. "Bakit 'di mo sinabing siya pala kausap mo? Nakakahiya!"

"Psh. Sigaw ka kasi ng sigaw d'yan. Kala mong may mic 'yang bibig mo."

"Preya Deyna? Nice name," biglang sabi ni Caleb kaya sabay kaming lumingon sa kaniya.

"Hehehe. Thanks," iyon na lang ang nasabi ko dahil hindi ko alam ang dapat sabihin.

"Can I join the both of you in lunch? I don't have any friends," aniya.

Childhood SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon