CS: 14

292 14 0
                                    

Chapter Fourteen

"Tita! Tita! Wake up! Wake up!" Nagising ako sa narinig kong ingay at ang paggalaw ng kama ko.

Idinalat ko ang parehas kong mata at nakita ang isang cute na bata na lumulundag-lundag sa kama ko.

Bakit may bata rito? Parang pamilyar—

"Hey, little boy. Stop doing that. Baka mahulog ka," hinawakan ko si Harry para tumigil na sa paglundag.

He giggled. "Mommy said you wake up! Mommy said you wake up!"

Bahagya akong natawa. Harry has this kind of habit of repeating his words. "Okay, okay. I'll wake up. Go downstairs already. Susunod si Tita," sabi ko.

Ngumuso siya. "But I want with you! I want with you!"

Napangiti naman ako. "Alright. Wait me here, okay? Mag-aayos lang ako. Just sit there."

Ngumiti siya. Iyong cute na cute. "Okay, Tita! I'll behave! I'll behave!"

P-in-at ko siya sa ulo bago dumiretso sa banyo.

Matapos kong mag-ayos ay pumunta ako sa kama para yayain na si Harry bumaba. Napangiti pa 'ko nang makitang nakaupo nga lang siya ro'n at nililibot lang ang paningin.

"How very good you are, little boy. For your reward, I'll give you a kiss," sabi ko at hinalikan siya sa magkabila niyang pisngi.

I heard him giggled. "Yehey! Harry's very good! Very good!"

"Come on, let's go downstairs," sabi ko at kinarga siya.

Pagkababa ko ay nakita ko sila Ate Pritz at sila Mom na nasa sala.

"Good morning," bati ko sa kanilang lahat.

"Good morning, little sis. Sorry for disturbing your sleep," sabi ng kapatid ko at niyakap ako.

"It's okay. Bakit nga pala kayo nandito?" Curious na tanong ko.

Ngumiti naman siya at tumingin kila Mom. "Well, we decided to have a trip today. Na-mi-miss ko na kasi sila Mom, syempre pati ikaw, little sis," pabiro akong umirap. Natawa naman sila. "And matagal na rin 'yung huling family day natin so I think that this is the right time to have one again," dugtong niya.

Na-excite naman ako sa sinabi niya. Totoong matagal na ang huling alis naming pamilya. Simula kasi nang mag-asawa si ate ay humiwalay na siya ng tirahan sa'min. If I'm not mistaken, last year pa ang huli. Dahil masyadong busy si Kuya Brandon sa kompanya niya kaya wala siyang time na sumama sana in case na mag-family trip kami. And kaya hindi natutuloy kasi ayaw naman ni Ate Pritz na sumama kung hindi makakasama si Kuya Brandon. Ayaw man lang mahiwalay sa asawa niya. Psh.

Itinago ko ang ngiti. "Anong oras ba aalis?"

"Ngayon na! Can't you see ikaw na lang ang hindi nakagayak? Oh come on, little sis," natatawang sambit niya.

Tinignan ko ang suot nila Mommy at Daddy, nakagayak na nga sila! Nakaramdam naman ako ng kaunting hiya. Pakiramdam ko ay naging pa-importante pa 'ko. Psh.

"Oh right. Gagayak na rin ako. Give me a few minutes," sabi ko at dali-daling umakyat sa taas.

Narinig ko naman ang pagtawa nila. "Little sis, don't ready for a two days trip. Uuwi rin tayo mamaya. Just bring an alternative clothes for swimming," paalala pa ng kapatid ko at tumango na lang ako.

Mabuti ay naligo na 'ko kanina kaya ang gagawin ko na lang ay mag-ayos ng gamit at magbihis. I just wore a white crop top and a high-waisted shorts. Iyong simpleng sandals lang ang napili kong suotin dahil magbabasa naman kami mamaya.

Childhood SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon