CS: 10

456 15 3
                                    

Chapter Ten

Sunday. Pasakay na 'ko sa kotse ko nang mag-ring ang phone ko. Naikot ko ang mga mata.

"Hello—,"

"Nasa'n ka na? Nandito na 'ko."

"Paalis na ng bahay," sagot ko.

"Hah! Ang bagal mo naman. O-order na 'ko ha? I-oorder na kita. Tapos order ulit tayo. Libre ko," aniya.

"Bakit? Anong bang mayro'n ngayon?" Nagtatakang tanong ko.

"Wala naman. Trip ko lang gumastos at kumain ngayon ng sandamakmak na ice cream. Hindi na baling sumakit ang tiyan 'wag lang ang puso mo," then she chuckled.

"What?"

"Wala! Dalian mo na! Mukha akong walang lovelife dito! Mag-isa lang ako," saad niya.

"Psh. Oo na, sige. Bye," then I ended the call.

Kaninang paggising ko ay nagulat na lang ako na may biglaang lakad pala 'ko. Tinawagan ako ni Xylar para sabihin na mag-hang out daw kami ngayon.

Pagkarating ko sa Creamery ay na sa'kin na agad ang paningin ni Xylar habang nakangiti. Inabangan talaga ang pagdating ko.

"Bakit ka nakatingin sa'kin?" Tanong ko.

"Bakit? Bawal ka bang tingnan?" Singhal niya.

"Pagpasok hanggang makarating ako dito nakatingin ka sa'kin e," sagot ko.

"Ganda mo e," sarkastikong saad niya.

"Psh. Don't me, Xylar Xen. Nag-away na naman ba kayo?" Usisa ko.

"Hindi ah! Away agad?"

"E bigla kang nang-aya nang ganito e hindi mo naman 'to gawain."

Payak siyang tumawa. "Okay na okay kami 'no! E 'di sana nakabusangot na 'ko rito pagkarating mo pa lang," aniya pa.

"Psh."

Inabot niya sa'kin ang oreo overload na in-order niya.

"O ayan. Peace offering ko at nasira ko yata ang tulog mo," she sweetly smiled to me.

Kinuha ko naman 'yon at sumubo agad ng isa. "Aba dapat lang! O-order pa 'ko ng marami para bawing bawi," parang batang sabi ko.

"Sure thing. Mabuti na lang at kasasahod ko lang kahapon. Order all you want," nagmamayabang ang tinig niya.

I eyed to her suspiciously. "May binabalak ka 'no?"

Ngumisi siya. "Hehehehe. Ang galing mo, best! Pa'no mo nalaman? Dapat yata ikaw ang Summa no'n e."

Naikot ko ang mga mata. "Hanggang ngayon ba naman hindi ka pa rin nakaka-move on sa Summa Cum Laude na 'yan?"

"Aba syempre hindi! Minsan lang mangyari ang gano'n kahit sabihin niya pa na titulo lang 'yon. Mahalaga 'yon sa'kin dahil may napatunayan ako ro'n," sagot niya.

Natawa na lang ako. "Oo na. Ang daming mong sinasabi d'yan."

"Hah! Kung hindi lang 'to kailangan wala tayo ngayon dito," aniya.

"Ano nga ba ang binabalak mo?"

"Abangan mo," kinindatan niya 'ko.

Napangiwi ako. "May gusto ka sa'kin 'no?" Biro ko.

"Huh? What in the world you're talking about?"

Tumawa ako. "Kinikindatan mo 'ko e."

"O e ano naman?"

Childhood SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon