CS: Epilogue

845 15 1
                                    

Mabilis tinapos ng apat na taong gulang na si Preya ang pagkain niya ng umagahan. She will go to the playground and she is so excited!

"Yaya! Tara na po sa playground, plish?" Bibong aya niya sa kaniyang katulong.

Ginulo naman nito ang buhok niya. "Maya-maya na, Preya. Kakakain mo lang, baka sumakit ang tiyan o tagiliran mo," paalala nito.

"Huh? Bakit naman po sasakit ang tiyan ko? E busog na nga po ako," naguguluhang tanong niya.

Natawa naman ito. "Basta. Gusto mo bang may lumabas na bulati d'yan?" Turo pa nito sa tiyan niya.

Napangiwi siya. "Ayaw, kadiri po kaya ang bulati. At bakit naman po sila lalabas sa tiyan ko? Saan sila dadaan?" Tanong niya pa.

Natawa ulit ito. "Nako, Preya. Ang dami mong tanong na bata ka. Hintayin muna natin si Kuya Ed na matapos ang ginagawa niya at pupunta na tayo ro'n."

Kuminang ang mga mata niya. "Okay, okay!"

Pumunta muna siya sa sala upang doon maghintay. Saktong naro'n pala ang ate niya. "Ate! Gusto mong sumama sa'kin sa playground? Masaya ro'n!" Aya niya pa rito.

Ngumiti naman ito sa kaniya. Her sister was 13 years old now. Siyam na taon ang agwat nila. "No thanks, little sis. May gagawin pa si ate e. Si yaya na lang muna sasama sa'yo. Nextime na lang ako, okay?"

Nakakaintinding tumango naman siya. "Okay, ate!"

Ilang sandali lang ay tinawag na siya ng yaya niya at lumabas na sila ng bahay. Nakalabas na rin sa garahe ang kotse nila at masayang umupo siya sa backseat.

Medyo malayo sa bahay nila ang park kung saan ay nandoon na rin ang playground sa subdivision nila. Kaya kung lalakarin man nila 'yon ay matatagalan sila at hindi na siya makakapaglaro ng matagal.

"10:00 a.m. ay uuwi na tayo ha?" Paalala sa kaniya ng yaya. "Okay!" Sagot naman niya.

Pagkarating sa playground ay patakbong pumunta siya sa mini see-saw. Ngunit wala namang tao sa kabila nito kaya nasa baba lang siya.

"Yaya! Yaya! Tara dito! Play with me!" Sigaw niya.

Lumapit naman ito sa kaniya. "Hindi naman ako kasya d'yan e," natatawang sabi nito sabay turo sa katapat niyang upuan.

"E pa'no ko po 'to ma-e-enjoy? Dito ko gusto mag-play, yaya. Sino ang makikipaglaro sa'kin?" Nakangusong sabi niya.

Maya-maya lang ay may lumapit sa kaniya na batang lalaki. Kinalabit siya sa balikat upang makuha ang atensyon niya.

Kuminang naman ang mga mata niya nang makita ang hitsura nito. Ang cute naman nito. Parang ako. Hihihi.

"Hi! Anong kailangan mo?" Pagkausap niya rito.

Ngumiti ito ng matipid. "I can be your playmate if you want," mabait na alok nito sa kaniya.

Mas lalong kuminang ang mga mata niya. "Talaga? Makikilaro ka sa'kin?"

Tumango naman ito. Bumaling siya sa yaya niya. "Yaya, look! Mayro'n na agad akong playmate! Can he play with me?"

Nakangiting tumango naman ito. "Dito lang ako, babantayan ko kayong dalawa."

Pagkasabi niyon ng yaya niya ay awtomatikong nilahad niya ang kamay sa bata. "I'm Preya Deyna. Ikaw? Anong pangalan mo?"

"Klio Leonard," tipid na sagot nito at nakipagkamay sa kaniya.

Napangiti siya ng banggitin nito ang pangalan. "Klio Le-Lonard," napasimangot siya nang hindi mabanggit ng maayos ang pangalan ng kalaro. "Ang hirap naman bigkasin ng pangalan mo!"

Childhood SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon