CS: 17

304 13 0
                                    

Chapter Seventeen

Nakangiting lumuhod ako sa luhuran at mataimtim na nagdasal.

"God, thank You for granting my ever wish since then. It's been a few months since I've met him. And I'm happy and feel safe whenever I'm with him all along. I pray that if he's really the one for me, please God, continue to give us Your blessings. Make us more strong and persevere in our love for each other. Thank You for giving him to me, to experience how to be loved and love by him. I trust You, oh God. Our destiny is in Your hands. All I wish from You is to guide us always. Thank You and sorry for everything. I love You."

Matapos magdasal ay muli akong naupo. Mas napangiti ako nang makitang nagdadasal pa rin si Klio.

Nilibot ko ang paningin kung nasa'n kami ngayon. We're here at St. Peter's Basilica in Rome. It's been two weeks had passed. Hindi na gano'n ka-busy sa kompanya dahil nakapag-meeting na kami no'ng katapusan ng buwan.

"You're done already?" Tanong ni Klio nang umupo na rin siya.

"Yeah. A short prayer will do," nakangiting tugon ko.

"What did you pray?" Tanong pa niya.

"Sa'kin na lang 'yon. Ikaw ba?"

"I'll keep it to myself then, too," nagkibit-balikat na lang ako at tumayo na. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya.

"Hey, are you mad?" Nag-aalalang tanong niya.

Lihim akong napangiti. "Why would I?"

"Because I didn't told you what I prayed for?"

Naging matunog ang pagngiti ko. "Silly. Of course not," hinawakan ko ang kamay niya. "Tara na. Nagugutom na 'ko e," tumango naman siya at tuluyan na naming nilisan ang lugar na 'yon.

I don't know why, but from the time that he got jealous last last week, he get sweeter and sweeter. Kaunting kunot lang ng noo ko ay nag-aalala na siya na baka raw may nagawa siyang mali. Psh. Too paranoid.

Pumunta kami sa isang restaurant at do'n kumain ng tanghalian.

"You have a reservation here?" Tanong ko matapos niyang kausapin ang isang staff.

"Yeah," nakangising aniya.

"Prepared ka ha," tudyo ko.

Nagkibit-balikat lang siya at inalalayan akong makaupo sa puwesto namin.

Nang maihain na ang mga putahe ay parang lalong natakam ang sikmura ko.

"Pwede nang kumain?"

Umiling siya. "Not yet."

"Pero gutom na 'ko," nakangusong sabi ko.

I heard him chuckled. "Just wait a little bit, darling."

Hindi na lang ako nagsalita pa at tumingin na lang sa labas ng bintana.

Ilang sandali lang ay may inabot siya sa'king isang parihaba na regalo na nakabalot sa kulay pula.

Tumingin ako sa kaniya at pinigil ang ngiti saka kinuha ang regalo.

Itatabi ko sana iyon sa gilid ko nang magsalita siya.

"Why were you hiding it? Open it now, darling," malambing na aniya.

"Nagugutom na kasi ako. Pero dahil mapilit ka, sige bubuksan ko na," narinig kong natawa siya.

Napakurap ako nang mabuksan ko na ng tuluyan ang regalo niya. May kung anong kumiliti sa puso ko.

"Do you like it?" Tinignan kong muli si Klio at nakitang nakangiti siya sa'kin.

Hindi ko na napigilan na mapangiti sa tuwa. Isang katamtaman na laki na picture frame ang regalo niya sa'kin. Picture naming dalawa sa Venice ang nakapaloob dito na binuo ng maliliit na pictures namin. Mosaic style. "Lahat naman yata ng binibigay mo ay nagugustuhan ko... no, minamahal ko pala," natatawang usal ko.

Childhood SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon