CS: 07

429 13 0
                                    

Chapter Seven

After a year of training in our own company, sa wakas ay isa na 'ko sa executive officer dito. Dad trained me well and I must say that I am all ready to officially work.

Ngayon ang unang araw ko sa trabaho kaya maaga akong naligo at gumayak. I wore a dark blue formal suit with blazer and a dark blue pencil heels. Hindi na 'ko puwedeng mag-backpack ng maliit dahil hindi appropriate sa suot ko maging sa trabaho ko.

Last month ay nagpasama ako kay Xylar na mamili ng mga bags for office purposes. Halos makasampung paper bag ako no'n dahil sa pagpili ni Xylar kung hindi ko lang siya pinigilan.

I get the dark blue bag that we bought to match my outfit. Hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko at naglagay lang ako ng kaunting make up.

8:00 am ang pasok ko pero 7:00 am pa lang. Napagdesisyunan ko na umalis na at pumunta sa isang cafe shop para kumain ng umagahan.

I ordered a light meal breakfast and a slice of cake. Habang kumakain ay biglang nag-vibrate ang phone ko. Sinagot ko naman 'yon.

"Hello—,"

"Good morning, best! First day mo ngayon sa work, right? I called to say goodluck and enjoy! Okay lang 'yan, mahirap talaga sa una. Pero dahil gusto mo 'yang ginagawa mo—,"

"Will you stop?" Natatawang sabi ko sa kaniya.

"O bakit? I'm just giving advice—,"

"Hello? Papunta pa lang ako at wala pa 'ko sa kompanya at ni hindi pa nga ako nagsisimula, advice na agad?"

Tumawa siya ng malakas. "Sorry! Na-carried away lang," she giggled.

"Palibhasa nag-start ka na last week kaya ang lakas ng loob mong magsabi d'yan."

"Duh? Of course! Summa Cum Laude ako e!" Pagmamayabang pa niya.

Natawa ako. "O e ano naman ngayon?"

"Wala! Magaling kako ako. Bye na nga! Nandito na 'ko sa 'office' ko. Balitaan mo 'ko ha. Take care!" Tuloy-tuloy na sabi niya at pinatay ang tawag.

Napailing na lang ako. "May pagkabastos 'tong Summa Cum Laude na 'to ha?" Saad ko habang nakatingin sa cellphone.

Tinapos ko na ang pagkain at tuluyan ng umalis papunta sa kompanya.

Bago makapasok sa loob ay may malaking gate na sasalubong sa'yo. Hininto ko ang kotse ko sa gilid ng guard house na nandoon at bumusina. Lumabas naman ang guard na nagbabantay.

Binaba ko ang bintana at marahang ngumiti. "Good morning, kuya."

Ngumiti rin siya pabalik. "Good morning, Ma'am Preya," then he pressed the red button and the gate was open widely.

"Have a nice day," kumaway pa 'ko at dumiretso sa parking lot.

Pagka-park ko sa kotse ko ay pumasok na 'ko sa loob ng kompanya with a smile on my face and held my head high.

"Good morning, Ma'am Preya."

"Good morning, Ma'am."

"Good morning," tugon ko sa lahat ng bumabati sa'kin. Pinigilan ko ang mangiti dahil pakiramdam ko ay ang taas-taas na ng posisyon ko rito kahit ang totoo ay nasa kalagitnaan pa lang ako.

Dumiretso ako sa fourth floor kung nasa'n ang office ko. Katabi lang nito ang opisina ni Mom habang nasa fifth floor naman ang kay Dad.

"Good morning, Ms. Preya," bati ni Sunny, ang secretary ko.

Childhood SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon