CS: 12

435 11 0
                                    

Chapter Twelve

Nagising ako dahil sa likot ng kama ko. Wala akong natatandaan na may katabi ako sa kama kaya bakit ang likot naman? Kunot-noong dinilat ko ang isang mata.

"Xylar?"

"Yes, darling. Bangon na diyan because it's your day today!" Masiglang sabi niya habang tumatalon-talon pa sa kama ko.

Really? Mas matanda ba talaga sa'kin ang kaibigan ko na 'to? Bakit kung umasta ay parang bata? Psh.

"Stop doing that, Xylar Xen. Sumasakit ulo ko," pananaway ko.

She giggled. "Sorry! I was just excited to see you and wake you up today!"

"Bakit? Ano bang mayro'n?"

Tumigil na siya sa pagtatalon. Lumapit siya sa'kin at niyugyog ang magkabila kong balikat.

"It's your day today nga 'di ba? Baka binyag mo? Psh," pasinghal na aniya.

"I mean, bakit ka nandito? Anong mayro'n?"

Umangat ang gilid ng labi niya. "Mag-sha-shopping tayo! My treat! Iyon na 'yung gift ko sa'yo, kahit na 'yung gift mo sa'kin no'ng nakaraang buwan e dumaan lang sa tiyan ko. Alam mo na, sobra ang pagmamahal ko sa'yo kaya hindi ako gagaya sa regalo mo! Psh. At isa pa, baka nakakalimutan mo na 'ko. May dalawang lalaking nagkokompetensya sa puso mo e. Yieee! May lugar pa ba 'ko d'yan?" Sabay turo sa may bandang puso ko.

Napangiwi ako. "Ikaw, ang tanda mo na ang ingay-ingay mo pa rin. Hindi ba napapagod 'yang bibig mo sa pagsasalita?"

She looked at me in disbelief. "Hah! Makatanda 'to, kala mong sampung taon ang agwat ko sa'yo. Para iisang buwan lang e. And fyi, mas mukha pa nga akong bata sa'yo e. Mukha kang stressed!" At tumawa pa ang loka-loka. "At saka bata pa kaya ang 26 'no! Ikaw lang nagmumukhang matanda e— oh easy! Joke lang! 'To naman, masyadong defensive," natatawang saad niya nang akmang susuntukin ko siya.

"Ang dami mo talagang alam 'no? Sana ang sinabi mo na lang ay ang mag-sha-shopping tayo. Ang dami-dami mo pang sinabi d'yan," asik ko at tumayo na sa kama para mag-ayos ng sarili.

She scoffed. "Hah! Lahat ng sinasabi ko ay may purpose 'no! Kasi lahat ng bagay sa mundo ay may purpose! At isa pa, marami talaga 'kong alam kasi—,"

"Summa Cum Laude. Yeah, yeah, I get it," ako na ang nagtapos ng sasabihin niya dahil alam na alam ko na ang mga gano'ng linyahan ni Xylar.

Tumawa siya ng malakas. "You know me too well, best ha! So galing!" Pumalakpak pa siya.

Natawa na lang ako at dumiretso na sa banyo. Saglit lang ako naligo at nagbihis na. Light blue off-shoulder at white trouser ang napili kong suotin. Sinuot ko na rin ang white wedge heels ko at kinuha ang pouch bag ko.

Pagkalabas ko nang walk-in closet ay nakita kong biglang sumimangot ang mukha ni Xylar pagkakita sa'kin.

"Oh? Bakit nakasimangot ka d'yan? Hindi naman ako gano'n katagal ah?" Tanong ko.

Mas lalong sumimangot ang mukha niya. "E pa'no, may pag-heels ka pang nalalaman d'yan. Naka-flat shoes lang ako. Magpalit ka nga!" Pag-de-demand niya.

Natawa naman ako sa pag-ta-tantrums niya. "Bakit? Ano bang masama—," natawa 'ko ng malakas nang mapagtanto ang pinupunta niya.

"Sige! Tawa pa!"

Tinapos ko muna ang pagtawa bago magsalita. "Sorry. Hindi ko naman na siguro kasalanan kung maliit ka sa'kin 'di ba? E 'di sana nag-heels ka rin. Hindi kasi bagay sa suot ko kapag nag-flat shoes ako. Gusto mo pahiramin na lang kita ng heels?"

Childhood SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon