CS: 23

477 16 0
                                    

Chapter Twenty Three

More than a year ago...

Matapos makipaghiwalay at umalis ng nobya ay tahimik na umiyak si Klio sa lugar kung saan sila unang nagkita. Iniyak niya ang lahat ng sakit na nararamdaman niya. No... This can't be real.

Pinakalma at inayos niya ang sarili. He needs to fix this mess. He really needs to. Because he's dying to make his promise to her come true.

Sinunod niya ang sinabi ng nobya. Hindi siya nagparamdam dito ni kahit katiting man lang.

Isang linggo matapos ang hiwalayan nila ay bumalik siya sa States. Kailangan niyang makausap at makiusap sa ama niya. Dahil ito ang may pakana ng lintik na arranged marriage na 'yan. Sa ngayon ay wala siyang pakialam kung sa'n at pa'no nalaman ni Preya ang tungkol do'n. Ang importante sa kaniya ay maitigil niya ang kasal.

Walang pahingang sinugod niya ang opisina ng ama niya sa mansion nila nang makarating agad siya.

Nagulat man ay nanatiling seryoso ang ama niya nang makita siya. "What brought you here, young man?" Malalim at puno ng awtoridad ang boses nito.

Magsasalita na sana siya nang mapansin niya ang laki ng ipinayat nito. His father has a lung cancer due to smoking. Mahilig manigarilyo ang ama niya noon pa man.

"Uhh, I just want you to know that I'm came back," umurong ang dila niya. Sa ganitong sitwasyon ay alam niyang talo siya. Mas importante pa rin pala sa kaniya ang kalusugan nito kaysa sa gusto niya.

"Why suddenly came back? You're not even at a year in staying there," tanong nito.

"Nothing. I... I just need to do something here, so yeah," iyon na lang ang nasabi niya.

"Is that so?" Paniniguro pa ng ama niya.

"Yes. I gotta go. I need to rest," paalam niya at lumabas na ng opisina nito.

Napabuntong hininga siya. Dumiretso na siya sa kuwarto niya at nagpahinga.

Pagkagising niya ay tinawagan niya ang best friend niya para humingi ng tulong. Nagkita sila sa isang coffee shop.

"Hey, bro," bati nito pagkarating.

Tumango lang siya at umupo na ito sa kaharap niyang upuan.

"What's the problem?" Tanong nito.

Ikinuwento niya ang buong detalye ng mga pangyayari. Simula sa arranged marriage hanggang sa paghihiwalay nila ni Preya. Matamang nakinig naman ang kaibigan niya.

"Does your girl is a heiress?" Tanong nito matapos niyang magkuwento.

"Yeah," tipid na sagot niya.

"Of what business?"

"If I'm not mistaken, their business is all about appliances," sagot niya.

Tumango-tango ang kaibigan. "I see. Then how about your fiance?"

Napabuntong hininga siya. "Restaurant."

Biglang parang may nag-pop up na bumbilya sa ulo ng kaibigan. "I have an idea," he said while grinning.

"What?" Kunot-noong tanong niya.

"Appliances are more usefel when it comes to hotel than restaurant," panimula nito. "So why don't you suggest to Uncle Hermes that instead your company merge in a restaurant tycoon, it will be great if it will merge in an appliances tycoon. And also, explain to Uncles Hermes why you thought about it and let him know that the heiress is the one you truly love," seryosong sambit nito dahilan para matigilan siya.

Childhood SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon