CS: 05

515 19 0
                                    

Chapter Five

Today is the big day. Atlast! We're now claiming our rewards for the past four years that we've been striving hard. Graduation day na at papunta na kami ngayon sa school para sa seremonyas.

I wore a simple black fit dress and a black stilletos. Hinayaan kong nakabuhaghag lang ang straight kong buhok. I just put some make up and I'm all ready.

Pagkarating ko sa gym ay marami na ang mga estudyante na nandoon. Hinanap naman ng mga mata ko si Xylar at napangiti ako nang makitang nasa unahan siya. Dumiretso ako sa puwesto niya.

"Best!" Tawag pansin ko sa kaniya.

Lumingon naman siya sa'kin at napangiti. "Best! Omg! Congrats sa'tin!" Masayang bulalas niya.

"And very congrats to you, our Summa Cum Laude," proud na sabi ko.

"Aww. Thank you, best! I really deserved this!" Aniya.

Natawa naman ako. "Yes, of course, you are. After all your hardwork and heartbreak—,"

"Hep! Okay na sana e. Bakit may heartbreak pa?" Ingos niya.

Natawa ulit ako. "Because it's part of your life. Minsan, mas magandang i-appreciate natin ang mga negative na nangyari sa buhay natin. Becuase that's one of the reason why we still stay strong," paliwanag ko.

Napangiwi siya. "Gusto mong ikaw na lang mag-speech do'n mamaya?"

Nag-isip ako kunwari. "Why not? Basta akin din 'yung mga awards mo," natawa kaming parehas.

After a while ay sabay na dumating si Vela at Caleb. Sinalubong kami ng yakap ni Vela.

"Congrats, girls!" Masayang bati niya.

"Congrats for the four of us!" Ani Xylar.

Ilang sandali lang ay nagsimula na ang program. Lumabas na kami para sa marching ceremony. Suot ang toga ay nakangiting sinulyapan ko ng tingin ang pamilya ko.

Dumiretso na kami sa assigned seats namin. Magkatabi kami ni Vela dahil magkasunod lang ang surname namin. Mataman na nakinig lang kami sa mga emcee.

Only the Business Administration ang naka-schedule for this day to graduate. Ang bawat kurso kasi ay may iba't ibang date ng graduation. Masyadong marami ang mga estudyante sa kursong ito kaya nasakop nito ang buong gym. Ang iba kasi ay nagsabay lang.

When it's my turn to get my diploma, Mom and Dad went to me on stage. Inangkla ko ang magkabila kong braso sa kanila. They are surprised when my prof held to them a medal for me after I got my diploma. Hindi na yata maalis pa ang ngiti sa kanilang labi.

"Surprised?" Nakangiting tanong ko sa kanila.

Mom chuckled. "I didn't know this, princess. Congratulations," at isinuot na niya iyon sa'kin.

Si Dad naman ang naglipat ng tali sa graduation hat ko. "Congrats, princess," he whispered to me and kissed me on my cheeks.

We took a photo together with the administration. Ate took also a photo of us when we're going down the stage.

"Smile, little sis!" She said and captured it.

Niyakap niya 'ko nang makalapit kami sa kaniya. "Congrats! I'm so proud of you," sinserong sabi niya.

"Thank you, ate," and I hugged her back.

Before the program ends, Xylar went to the stage to deliver her speech. Hindi ko naiwasan na matawa dahil ang haba-haba ng sinabi niya. Alam kong ang huling bahagi ng speech niya ay impromptu lang dahil hindi ko 'yon nakita sa piece ng speech niya nang minsan ay pinakita niya 'yon sa'kin.

Childhood SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon