CS: 21

442 14 0
                                    

Chapter Twenty One

Mahigit isang buwan na ang nakalilipas simula nang makipaghiwalay ako kay Klio. Matapos niyon ay wala na 'kong naging balita pa sa kaniya. Hindi ko alam kung nasa'n siya o kung anuman ang ginagawa niya. Hindi na rin siya nag-text sa'kin o tumawag man lang. It's really done for the both of us.

Sa loob ng mga nagdaang araw matapos ang pangyayaring iyon ay wala akong ibang ginawa kundi ang magtrabaho. Itinuon ko ang atensyon ko roon. Kapag nasa bahay naman ay palagi lang akong natutulog dahil ayokong mag-isip nang kung ano-anong bagay.

Pagkarating ko sa bahay galing kompanya ay kumain lang ako saglit at naghanda na sa pagtulog.

Pahiga na sana 'ko nang tumunog ang cellphone ko. Kunot-noong sinagot ko 'yon.

"Hello—,"

"Hi, best!" Magiliw na bati ni Xylar.

"Bakit?" Humiga na ako sa kama.

"Hala siya! Bawal ka na bang tawagan ngayon?" Bulalas niya.

"Bakit lang sinabi ko ang dami mo nang nasabi d'yan," asik ko.

"Anong bakit ba kasi 'yon? You know, maraming pwedeng kasunod 'yon—,"

"Bakit ka napatawag?" Putol ko sa sasabihin niya. Hyper na namang 'tong isang 'to. Psh.

"Hehehe. Wala naman."

"Matutulog na 'ko—,"

"Hep! 'Wag muna! Mag-usap muna tayo!" Pag-de-demand niya.

"Tungkol naman saan?" Naiinip na usal ko.

"Teka nga! Ayaw mo ba 'kong kausap, ha?" Nag-iinarteng wika niya.

"Hindi sa gano'n. Ang sa'kin lang ay inaantok na 'ko—,"

"Ang aga aga pa oy! Minsan lang ako tumawag e.."

"Psh. Oo na," sumusukong sabi ko.

"Yieee. Love mo talaga 'ko 'no?"

"Bakit ang hyper mo ngayon, ha?" Tanong ko pabalik at hindi pinansin ang sinabi niya.

"Ha! Akala mo lang 'yon. Bale sa'yo lang ako ganito kasi naiinis pa rin ako dahil bugnot na bugnot na 'ko dito sa bahay!" Asik niya.

"Kailangan ko bang ipagpasalamat 'yon?" Natatawang sabi ko.

"Of course... not. Hehehe. Gusto lang kitang pasayahin 'no," naroon ang concern sa boses niya.

Lihim akong napabuntong hininga. "Bakit? Hindi naman ako malungkot ah?"

"Ako'y tigil-tigilan mo lang, Preya Deyna, ha! Hindi ka nga malungkot, hindi ka rin naman masaya. Psh. Ano ba kasi ang nangyari?" Pag-uusisa niya.

Napakurap ako. "Tulad nang sabi ko sa'yo no'n, nag-break na kami," pilit na kaswal na sagot ko.

"Okay, nandoon na tayo. Pero syempre may rason 'yon, 'di ba? Iyon 'yung gusto kong malaman," maingat na saad niya.

Muling nanumbalik sa isip ko ang dahilan. Namuo ang luha sa mga mata ko. Mapaklang napangiti ako. "W-Wala naman.. saka ko na lang sasabihin. H-Hindi ko pa kayang sabihin e," mahinang tumawa ako.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Nako, pasalamat ka at hindi ako makalabas ng bahay ngayon. Kundi ay lagi akong nand'yan sa inyo at pipilitin kang sabihin sa'kin. Mas magandang sinasabi sa iba ang problema 'no. Nakakagaan 'yon sa pakiramdam," mahabang alitanya niya.

"Alam ko. Hindi ko lang pa kaya sa ngayon."

"Kapag ready ka na, sa'kin mo unang sasabihin ah? Ipinapaalala ko lang na best friend mo 'ko ah? Best friend! Magtatampo 'ko kapag nauna pa sila Caleb na makaalam," wika niya.

Childhood SweetheartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon