IWGTYLTFS #1

273 15 3
                                    

JIMIN

"Jimin! Bilisan mo tayo na ang susunod na magpeperform."

Rinig kong sabi ni Jhope.Kaya agad kong tinanggal yung earphone na soot ko at agad na nagpalit ng damit.

Nandito na kami sa gilid ng stage at maya maya lang ay kami na ang magpeperform.Nakaramdam na naman ako ng kaba.Kagaya nung nangyari nakaraan.Hindi ko maipaliwanag pero sa tuwing kinakabahan ako...

"Mag ready na tayo sa stage" rinig kong sabi ni RM.

Paglabas namin sa stage ay rinig ang mga hiyawan ng mga tao.Isinisigaw pa nila yung mga pangalan namin.

Nagumpisa nang tumugtug yung sayaw namin.Blood Sweat and Tears, Nagsigawan yung mga tao.Nakaramdam agad ako ng pananakit ng ulo pero hindi ko pinansin yung nararamdaman ko.

Nagpatuloy parin yung kanta, hiyawan ng mga tao.Nang bandang nasa chorus na ng kanta namin napahinto ako sa pagsayaw.Nagdalawa bigla yung paningin ko.Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Ayaw kong mapahiya ang grupo namin dahil sakin pero hindi kinaya ng katawan ko kaya nagulat nalang ako ng biglang bumagsak ako.Unti unti naring pumipikit ang mga mata ko.

"Jimin! Jimin! Park Jimin!" Rinig kong sabi ng ibang members.Pero tuluyan nang pumikit yung mga mata ko hanggang sa wala na akong marinig.

JAMIE

Kakatapos lang ng klase namin.Kaya agad akong nagmadali papuntang canteen kasi kanina pa ako nagugutom.

As in gutom talaga.Nalate kasi ako ng gising kanina.Sa kapapanood ng video ng BTS.Hindi tuloy ako nakakain kanina, sa sobrang pagmamadali ko nakalimutan ko yung project na ipapasa ngayon.

"Pano na yan jamie? Yung sa project ikaw nalang hindi nagpapasa.Gumawa ka ba talaga ng project? O nanood kalang ng nanood ng BTS mo?" Tanong ni Kil na lumitaw nalang bigla sa gilid ko.

"Oo naman gumawa ako, kaso nga lang."

"Kaso nga lang? Ano? Hindi mo natapos kasi nanood ka?"

"Oo? Hehehehe. Ganon nga yung nangyari.Pero mapapasa ko yon bukas." Sabi ko kay kil.

"Ewan ko ba sayo Jamie! Bakit kaba patay na patay dyan sa BTS nayan? Eh ni hindi ka nga kilala ng mga yan eh.Matutulungan kaba nyan sa project mo? Tapos nakakgulat pa bigla bigla mo nalang tinatawag na asawa mo kapag nakakakita ka sa daan ng picture nila nag mumukha ka tuloy na tanga.Tapos parang hindi ka pa makakatulog sa gabi kapag hindi mo natapos yung mga kanta sa album nila."

Sabi ni Kil, tinadtad nya ako ah.Kaya sinamaan ko sya ng tingin tumalikod ako sa kanya at binili yung pagkain na natipuhan kong kainin para sa araw na ito.Agad ako na umalis at hindi sinagot yung tanong nya.

Grabe naman yung si kil sa mga sinabi nya.BTS nga ang nagbibigay sakin ng saya at inspiration.Tapos gaganunin nya pa.Palibhasa hindi sya fan non.Tapos sinabi nya pa hindi daw ako kilala ng mga yon, eh ano naman kung hindi? Atleast ako kilala ko sila.

Pero sana makita ko sila lalo na si Jimin.Ang cute nya kasi eh.Sa dami ng iniisip ko nakalimutan kong hindi ko pa pala nakakain yung mga pagkain na binili ko.

Tapos, may last period pa pala.Hala!

"Go Out! Tumayo kadon sa labas Ms.Wayne." Sabi ni tandang may pamalo.

IWGTYLTFS// park.j -btsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon