JAMIE
Nakaupo kami ngayon ni Jimin sa sofa. As in kaming dalawa lang.Ang awkward nga kasi antahimik namin.
"Magkuwento ka naman." Pamutol ni Jimin sa katahimikan.
"Ako? Mag Kuwento? Saan naman tungkol?" Sabi ko sa kanya.
"Tungkol sa buhay mo." Sabi nito
"Ah haha baka ang boring ng kuwento ng buhay ko baka mabored kalang."
"Sige na, makikinig ako." Sabi nito
Nakatingin lang ako kay Jimin.Mapagkakatiwalaan naman siya diba?
Napabuntong hininga ako bago magsalita.
"Iisa lang akong anak."
"Oh? Talaga? Masaya ka naman?"
"Minsan, malungkot pero minsan masaya din."
"Tapos, honestly hindi kami nagkakausap ng parents ko.Lagi kasi silang nag aaway at wala nang time para mag usap."
Nalungkot ako bigla.Naramdaman ko na namang may tumutulo sa mata ko.
"Sorry."
"Para saan? Wala ka namang dapat ihingi ng tawad. Alam mo same tayo.Madalang ko ring nakakausap yung mga parents ko.Pumupunta lang sila dito sa south Korea. "
"Saan ba sila nakatira?"
"Busy kasi sila sa business nila ni Papa sa Pilipinas."
Sa Pilipinas? Nasa Pilipinas magulang ni Jimin?
"Dati ba tumira na kayo sa Pilipinas? "
Biglang tumahimik.Ngayon nakatingin lang kami sa isat isa.Hinihintay ko siyang simagot sa tanong ko.
May masaba ba sa tanong ko? Bakit antagal niya naman yatang sumagot?
"Yes.Tumira kami doon"
"Ah, alam mo kasi dati may kaibigan akong lalaki.Hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon.Bawat araw na kasama ko siya naging mahalaga para sa akin.Kaso one time umalis siya eh. Pagkatapos nung araw na iyon nawalan na ako ng contact sa kanya."
"Anong pangalan nung kaibigan mo na yon?"
Natigilan ako sa tanong niya.Ano nga bang pangalan ng kaibigan ko na yon? Hindi ko maalala.Nakakalungkot kasi hindi ko maalala.Bakit ganon? Walang pumapasok sa isip ko na pangalan.
"Hindi ko maalala eh, matagal na kasi eh. Nasaan na kaya siya? Naaalala niya pa kaya ako?"Sabi ko.
Napabuntong hininga nalang ako.Nakakahiya kasi kung ano ano nang nakuwento ko kay Jimin. Hindi ko alam kung masaya pa ba siya sa usapan namin.
JIMIN
"Oo." Sabi ko kay Jamie.
Ngayon hindi ko na maalis yung tingin ko sa kanya.Yung akala ko na hindi na kami magkikita uli pero narito siya sa harapan ko ngayon.
Nagkukuwento sa akin.
"Anong oo?" Tanong nito sa akin.
"Oo paniguradong naaalala ka non at paniguradong masaya siya kasi naging kaibigan ka niya."
Masaya ako Jamie. Pasensya kana kung umalis ako.
"Pero sa tingin mo bakit kaya hindi na ako kino contact mung kaibigan ko na yon? Wala na ba siyang paki? Kasi kung gusto niya akong makausap gagawa siya ng paraan."
Hindi. Gustong gusto ka niyang kausapin pero hindi niya magawa.
"Malay mo busy sya?" Sabi ko.
"Pero bakit pinaghintay niya ako? Sabi niya babalik siya eh. Buhay pa kaya siya?"
"Tama na nga itong usapan na to. Gusto mo uminom?"
"Huh? Uminom? Pwede ka uminom?" Tanong nito.
"Soju?"
Kita ko ang gulat nito ng makita akong kumuha ng soju sa refrigerator.
"Meron pala kayo dyan? Hindi ko pa kasi binubuksan yan eh.Baka pagalitan ako ni RM. " sabi nito
Natawa nalang ako.
Yung mga ngiting hinahanap ko nakita ko na ulit ngayon.
"Alam mo ba nagtataka ako."
"Nagtataka saan?" Tanong ko
"Sa kung bakit ako napupunta dito. Bakit parang magteteleport ako dito?"
"Miski ako nagtataka eh. Pero hindi kaba masayang nakita mo kami?"
"Hindi naman sa hindi masaya.Masaya ako oo kasi Idol ko kayo pero bakit ganon nalang.Naalala mo yung sinabi ng matanda nung nakaraan? Yung gagawa daw yung tadhana para pagtagpuin kayo."
"Ah, Hahahaha hindi ko alam kung totoo ba yung pinagsasasabi ng matanda doon."
"Pero Jamie."
"Pero ano?" Tanong nito sa akin.
Sasabihin ko ba talaga? Ngayon ko na ba itatanong?
"Wala ka ba talagang maalala-"
Biglang tumunog yung cellphone ko.At nakita ko na tumatawag si RM.Bakit kaya? Anong meron?
"Ji-jimin! Si Jungkook! Naaksidente!" Sabi ni RM.
Ano naaksidente si Jungkook? Pero paano?
"Jimin, anong nangyari?" Sabi ni Jamie.
"Si Jungkook naaksidente." Sabi ko kay Jamie.
Agad akong tumayo sa pagkakaupo at kumuha ng panlamig.
ELLAINE
"Nasaan kana?" Ms.Park
"Nandito na po ako sa Airport."
"Ah magpapadala ako dyan ng mga tao para tulungan kang pumunta dito."
---
A/N
Anong nangyari kay Jungkook? Huhuhu.
Sino si Ellaine?
BINABASA MO ANG
IWGTYLTFS// park.j -bts
FanfictionPaano kung posible pala? Posibleng palang magkita kami. Credits to all the resources that I use in making the cover ヾ(〃^∇^)ノ [IWGTYLTFS-BTS Jimin Fanfic] ✒Written by:candreicm