IWGTYLTFS #7

55 6 17
                                    

JIMIN

Kakauwi lang namin galing sa isang meeting para sa gaganaping okasyon.Kami daw kasi yung mag peperform don kaya kailangan naming sumama sa meeting.

Pagkauwi ay agad akong pumunta sa kwarto para mag pahinga.Dumiretso ako sa kama ko at humiga.Nakatingin lang ako sa kisame ng kwarto ko.

Matagal din akong tumitig doon.Kung ano ano ang naiisip ko.Naaalala ko parin yung babae.

Si Jamie.

Pagkatapos ng araw na pumunta siya dito at nawala siya.Nawala na ako sa sarili ko.Lagi nalang akong tahimik, gusto ko laging mag isa.Lagi nalang siya ang nasa isip ko.

Iniisip ko kung anong ginagawa niya.

Iniisip ko kung totoo ba siya.

Iniisip ko kung panaginip lang ba siya.

Bakit may naaalala ako kapag nakikita ko siya.

Lumakas yung hangin sa bintana kaya napatingin ako doon.Ramdam ko ang lamig ng hangin.Kita ko sa labas ang mga bituwin.

Siguro para kaming bituwin, ang akala mo lang malapit pero malayo talaga sa isat isa.

Natawa nalang ako sa pinag iisip ko.Tumayo ako sa pagkakahiga ko at pumunta sa bintana.Isasara ko na dapat iyon ng marinig ko ang isang pamilyar na boses.


---

Bakit ba kasi nagising pa ako sa panaginip na yon? Bakit hindi nalang nagtuloy tuloy?
Bakit hindi ko pa sila nakasama ng matagal?

Bakit nalulungkot ako kapag naaalala ko yung nagyari?Bakit nanalangin ako na sana totoo nalang?

---

Totoo ba to? Nananaginip na naman ba ako? Nandito na ba talaga ulit siya?Bakit bumibilis yung tibok ng puso ko? Bakit nakakaramdam ako ng saya?

"Sino kaba talaga?" Sabi ko.

Kaya agad na napalingon yung babae sa direksyon ko.Kita ko ang gulat sa mga mata niya.

Hindi ko alam yung susunod na ginawa ko. Wala ako sa sariling lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

Naramdaman kong unti-unti na namang bumabagsak yung luha ko.

"Bakit ngayon ka lang bumalik? Alam mo bang naghintay ako? Sino kaba talaga? Bakit ayaw kong mawala ka sa paningin ko? Bakit ka umalis nung araw na iyon?"

Bumitaw ako sa pagkakayak ko sa kanya at tinig nan siya sa mukha.

Nakita ko yung mukha niyang maamo.Nakita ko rin na medyo naluluha siya.

"Sorry kung pinag hintay kita. Maging ako nagu-guluhan.Hi-hindi ko alam kung bakit ako nandito.Kung bakit gusto ki-kitang makita." Sabi niya sakin.

Jamie.

Bigla kong naalala yung pangalan niya.Siya nga pala si Jamie.Sinabi niya yon nung unang araw na pumunta siya dito.

Biglang may pumasok sa loob ng kwarto kaya pinunasan ko agad yung luha ko.Nagulat ako kasi si V yung pumasok.Kita ko ang pagkagulat niya.Kita ko din na medyo natatawa siya kasi ngayon lang ako nagpapasok ng babae sa loob ng kwarto.

I mean ngayon lang may pumasok sa kwarto ko.

Mabilis na tumakbo si V at ipinagsigawan sa kila Jungkook na may babae nga dito sa loob ng kwarto ko.

IWGTYLTFS// park.j -btsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon