IWGTYLTFS #2

125 10 1
                                    

V

"Ano bang nangyari sayo Jimin?" Sabi nung manager namin.

Hindi naman makasagot si Jimin na ngayon ay nakahiga.Nainis yung manager kaya agad na umalis ng kwarto.

Nilapitan ko si Jimin at tinanong ko sya kung ayos lang ba sya.Sabi niya naman ayos lang daw siya.

Sa kabilang higaan nandoon si Jungkook. Kanina pa sya ngisi ng ngisi doon sa puwesto niya.Hindi ko alam kung anong pinapanood niya doon sa cellphone niya.

"Lalabas lang ako" sabi ni Jimin.

Ramdam ko na hindi siya okay.Pipigilan ko na dapat siya kaso hinawakan ni Jin yung kamay ko at sinabing hayaan koa daw muna si Jimin.

Mahigit mag dadalawang oras nang wala si Jimin.Kaya nagdecide kaming hanapin siya.Wala siya sa buong building kaya lumabas kami at hinanap siya.

Mabuti nalang at na kay RM yung susi ng kotse at wala doon sa manager kaya nakasakay agad kami.Paniguradong hindi kami papalabasin at lalo na ngayong gabi na.

JIMIN

Naglakad lakad ako.Gusto ko munang mapag isa.Tuloy tuloy lang ako sa paglakad hindi ko na tinignan kung saan ako papunta hanggang sa makarating ako sa tulay kung saan..

"Hala nasaan ako?" Sabi nung isang babae sa may di kalayuan.

Umupo ako sa gilid ng daan.Napagod nadin ako dahil nakarating ako sa lugar nato.Napansin kong papalapit yung babae dito.At ang weird ng istura nya.Naka pajama? Sa labas? Hindi ba siya giniginaw?

"Manong anong pangalan mo? Nasaan ako? I mean anong lugar to?" Tanong niya sakin.

Hindi agad ako nakasagot.Nang makita ko yung babae nakaramdam ako ng lungkot.Para bang may masakit sakin pero hindi ko maipaliwanag. Para bang nangyari na yung pangyayari na ito sa buhay ko.Pero hindi ko maalala.

Mula sa buhok,mata, labi lahat pakiramdam ko nakita ko na ito dati hindi ko lang maalala.

" Manong? Sino ako? Tsaka parang kakaiba itsura mo pati pananamit mo.Hindi kaba giniginaw?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi naman" sagot niya pero alam kong giniginaw siya.

Isang kotse ang huminto sa harapan namin.Bumukas yung bintana non at nakita ko si Taehyung.Bakas sa mukha niya ang pag aalala.

"

Jimin! Saan kaba nagpu pupunta?" Tanong ni Taehyung.

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ng babae.Nagulat nalang ako ng bigla niya akong niyakap ng napakahigpit.Halos hindi na ako makahinga.

Pero may iba akong naramdaman.Parang ayokong bumitaw sa pagkakayakap niya.Parang gusto kong manatili sa posisyon namin ngayon.

Bumaba sila Taehyung at tinanggal ang babae sa pagkakayap sa akin.

"Sino ka ba? Bakit bigla bigla ka nalang yumayakap kay Jimin? " tanong ni RM sa babae.

"Oo nga tsaka saan kaba galing? Bakit ganyan lang ang suot mo?" Tanong naman nu taehyung.

Nakita ko naman sa gilid sila Jin at jungkook.Wala sila Suga at Jhope dahil may pinuntahan daw.

"Umuwi kana, baka nag aalala na yung pamilya mo sayo." Sabi ko sa babae.

"Hindi naman ako nakatira dito" sagot ng babae.

"Huh?" Sabi ko sa kanya.

Nung una hindi ako naniniwala sa kanya pero wala rin akong nagawa.Pinasama muna namin siya sa amin.Ayoko namang manigas siya dito sa labas.

Napansin ko yung bracelet na suot ng babae.Nakasulat doon Jamie.

"Jamie?" Sabi ko.

Habang nasa sasakyan kami pabalik sa tinutulayan namin napansin kong nakatingin siya sa bintana.

Para siyang bata, tuwang tuwa.Na curious ako kung anong nakita niya at bakit siya tuwang tuwa.

Nag I i snow pala sa labas.

Tumingin sakin yung babae si Jamie.

Matagalan din kaming nagkatinginan.

"Ito ang una nating pagkikita" sabi niya.

IWGTYLTFS// park.j -btsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon