JIMIN
"Jimin! Huuuuy!" Pabulong na sabi sakin ni Taehyung.
Kaya agad na napalingon ako sa kanya.
"Anooooo?" Bulong ko din sa kanya.
"Kilala mo ba yang babae na yan? Ang weird niya no? Pero ang cute niya." Sabi ni Taehyung na hindi matanggal ang paningin kay Jamie.
Tama naman yung sinabi niya mukha nga siyang weird pero ang cute niya nga.
Huminto na yung kotse na sinasakyan namin sa harap ng building ng BH Entertainment. Nagmamadali din kaming pumasok sa loob at baka mahuli pa kami ng masungit naming manager.
Hila hila ni RM si Jamie dahil antagal nitong maglakad.Parang ngayon lang nakapasok sa loob ng isang building.
Nakarating na kami sa kwarto namin.At iyon na nga tuwang tuwa si Jamie at hindi lang yon pumunta agad siya sa kwarto ko at ano!?
"Hoy! Wag mo nang guluhin yang higaan ko! Hoy! Sabi nang wag mong guluhin eh!" Sigaw ko sa kanya.
Hindi ko namalayan na hinila ko pala siya pababa sa kama at bumagsak siya sa harapan ko ngayon.Natauhan lang ako na ganon na pala yung posisyon namin ng may nagflash.
Nahuli ko si Jungkook na pasimpleng kibukuhanan kami ng picture.Tanga tanga hindi man lang tinanggal yung flash nung camera.Natulak ko tukoy yung babae para lang habulin siya at idelete yung pic namin pero hindi ko din nadelete kasi agad niyang natago yon kung saan man.
"Kain na!" Tawag samin ni RM.
Ambilis niya parang kidlat.Agad na pumunta si Jamie sa table at umupo.Teka upuan ko yon.
"Alis!" Sabi ko ng mahinahon.
"Hayaan mo na min! Paupuin mo na muna siya diyan.Dito ka muna sa upuan ko uuwi narin naman ata siya pagkatapos niyang kumain." Sabi naman ni RM.
Tiningnan ko lang si Jamie kasi hindi talaga niya ako pinansin.Busy siya sa pagkain nung hinanda ni RM.
"Waaaaaaah! Kasya sa bunganga niya yon?" Sabi ni Taehyung na gulat na gulat sa pagkain ni Jamie.
Hindi ko naman siya pinansin at dumiretso nalang sa pagkain.Habang kumakain napansin ko si Jungkook na nakatingin kay Jamie.
Bingay niya pa dito yung pagkain niya.Ni hindi pa niya ata nababawasan yon.Akmang bibigyan ko na ng tubig si Jamie kasi mukhang nabubulunan na, pero nabigyan agad to ni Jungkook.
"Ano to? Ano ba to Jimin? Anong gingawa mo? Bat ka nagkakaganito?" Naiirita kong sinabi sa sarili ko.
Pagkatapos kumain ay agad na nagpuntahan yung iba sa kwarto nila.Kaming tatlo lang ang naiwan sa mesa.
Ako, Si Jungkook at si Jamie.Ako ang nakaassign na maghugas ng pinggan pero.
"Jamie! Total kakarating mo lang dito at aalis kana rin naman ikaw na muna ang maghugas ng pinggan" sabi ko kay Jamie.
"Huh? Ano?" Sabi nito habang hinihimas yung tiyan.Hindi ba naman makatayo sa sobrang dami ng kinain.
Buti nga sayo.
"Ako nalang ang maghuhugas ng plato Jimin, total bisita naman si Jamie dito." Sabi ni Jungkook sabay ngiti.
Nakaramdam na naman ako ng inis.Ano ba si Jungkook? Prince Charming? Knight in shining armor? Tagapagligtas ni Prinsesa Jamie sa dragon na si Jimin?
Bakit parang ang bait bait niya ngayon.Porket nandito lang tong babaing to.Iba naman ang sitwasyon kapag wala siya sa bahay dati ah?
-----
"Jungkook, pwede bang."
"Alam kong kaya mo na yan Jimin" sabay ngiti.
-----
Diba? Ibang iba.Wala rin nangyari ako din ang naghugas bandang huli.
Maya maya pa ay naglinis na ako at pupunta na rin sana ako sa kwarto para matulog pero nakarinig ako ng tawanan sa sala kaya sinilip ko iyon.
Ano? Nakita ko si Jamie at Jungkook naglalaro ng cards? Teka bat parang close agad sila? Kanina lang namin siya nakilala ah pero bakit parang hindi lang sila kanina nagkita?Para bang matagal na silang nagsama.
Lalapit na sana ako para sabihing matulog na sila pero natigilan ako.Bat ko ba ginagawa to? Bat pinipilit kong pigilan sila eh samantalang wala naman akong paki sa babaing yon? Bat naiinis din ako kapag nakikita ko silang magkasama.
Kaya dali dali na akong pumunta sa kwarto at humiga.Inisip ko nalang na panaginip ang lahat.
"Jimin!"
"Jimin!"
"Naaalala mo pa ba ako?"
Napatayo ako bigla sa higaan at pawis na pawis.Hingal na hingal ako.Nakarinig ako ng isang tinig ng babae.Ano yon? Anong klaseng panaginip yon?
Lumabas ako para hanapin si Jamie. Nilibot ko na yung lahat.Lahat ng kwarto ng mga ka member ko.Pero Hindi ko siya nakita.
Hindi ko siya nakita.
Ni bakas wala siyang iniwan.
Nakakainis lumuluha na naman ako.
Nakakainis na para bang nangyari na ang lahat ng ito dati.
Pero..
Pero wala akong naaalala.
Credits sa dating Cover: reignebowxxi
Thankyou hehehehe.A/N:
Don't forget to read, vote and comment. Thankyou hehehe. ( nahilig sa hehehe kaiyak)
BINABASA MO ANG
IWGTYLTFS// park.j -bts
FanfictionPaano kung posible pala? Posibleng palang magkita kami. Credits to all the resources that I use in making the cover ヾ(〃^∇^)ノ [IWGTYLTFS-BTS Jimin Fanfic] ✒Written by:candreicm