J-HOPE
Kanina pa wala si Jungkook ah.Nakapagtataka naman yata.Kanina pa kasi namin siya inaantay.Nandito kami sa mall ngayon.
Para kaming mga sindikato sa suot namin.Naka mask na itim, naka salamin na itim lahat itim.Ewan ko ba kung ankng trip ni RM Hahahaha.
Nagpaalam si RM saglit sabi niya hahanapin niya daw si Jungkook kaya kaming tatlo lang ang naiwan dito.
Wala akong magawa kaya nagtwitter nalang ako.Nagulat ako sa nakita ko. Nagkakagulo ang social media dahil Kay Ellaine.
Bumalik na siya? Nandito siya? Kailan pa?
"Hyung! Nakita nyo ba yung nakapost ngayon sa Twitter? "
"Bakit anong meron?" Tanong ni Jin
"Kayo nalang ang tumingin." Sabi ko sa kanila.
"Fuck! Nandito naba siya talaga? Masama to." Sabi ni V na halos ilapit na sa mata niya yung cellphone niya dahil hindi makapaniwala.
"Hindi pupwede to, kailangan kong tawagan si Ji-"
Hindi pa natapos magsalita si Jin ng makita naming tumatakbo si RM papunta sa amin at hingal na hingal.
"Si Jungkook! Nandoon sa hagdan walang malay!"
Kita ko ang pag aalala sa mga mata niya kasi as a leader may pakialam siya sa amin.
"Ano!"
Napatayo kaming lahat at napatakbo kung nasaan si Jungkook.
Agad kaming tumawag ng ambulansya.Tinawagan ni RM sila Jimin para malaman ang nangyari kay Jungkook.
JAMIE
Kanina pa ako kinakabahan. Ano kayang nangyari kay Jungkook? Sana naman hindi siya duguan.
Napansin ko namang si Jimin na nakatingin lang ng diretso alam kong nag a alala siya.Hindi ko naman siya masisisi kasi matagal na silang magkakasama at mahalaga ang bawat isa sa kanila.
"Magiging ok lang siya." Sabi ko kay Jimin.
Wala nadin kasi akong maisip na way para mabawasan yung nararamdaman niya.
"Sana nga." Sabi ni Jimin
Nagpatuloy na siya sa pagmamaneho hanggang sa makarating na kami sa hospital na sinabi ni RM.
Seoul National Hospital.
Dali dali kaming bumaba ng sasakyan ni Jimin at pumasok sa loob.Agad din kami pumunta sa kwarto kung saan sinabi ni RM.
Nang makarating na kami.Kita namin sa kalayuan si V, Jin, J hope at RM."Anong nangyari? Anong sabi ng doctor? " tanong ni Jimin.
Halata sa kanyang hingal na hingal siya.
"Nakita ko nalang si Jungkook na nakahandusay doon sa ibaba ng hagdan." Sabi ni RM habang maluha luha.
Maya maya pa ay lumabas na ang doctor.Agad na tumayo si RM at halatang naghihintay sa sasabihin ng doctor.
BINABASA MO ANG
IWGTYLTFS// park.j -bts
FanfictionPaano kung posible pala? Posibleng palang magkita kami. Credits to all the resources that I use in making the cover ヾ(〃^∇^)ノ [IWGTYLTFS-BTS Jimin Fanfic] ✒Written by:candreicm