"Sino kaba talaga?"
JAMIE
Natapos na ang school namin.Naging maayos naman ang lahat.Naging top 2 pa ako ng klase namin.Kahit na nale late ako nakasama pa ako sa mga binigyan ng parangal.
2 weeks na ang nakalipas simula nung may kakaibang nangyari sakin.Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung nag i imagine lang ba ako, nanaginip o ano.Hindi ko din alam kung totoo ba yung mga nakita ko at yung mga nangyari sa akin.
Dumating na ang bakasyon ang pinahihintay ko.Tuwing bakasyon kasi pumupunta ako kila Tita Los.Iyon din yung chance ko para makaalis ako sa bahay nato.Wala din namang paki yung mga magulang ko kahit saan ako pumunta.
Natapos na ako sa pag aalmusal.Inagahan ko din ang paggising at maaga kong inayos yung mga gamit na dadalhin ko doon.Sinabi din kasi ni Tita maaga niya daw akong susunduin.
Maya maya lang ay nakita ko nang nasa gate si Tita.Dali dali naman akong lumabas dala ang mga gamit ko.Pagkalabas ko, nagulat ako dahil nakita ko si Mama na kinakausap si Tita.Lumapit naman ako kaagad para malaman kung ano iyon.
"Ikaw na ang bahala-" sabi ni Mama pero naputol iyon ng bigla akong lumapit sa kanila ni Tita.
Napatingin si Mama at si Tita sa akin.Kita ko sa mga mata ni Mama ang lungkot kahit na nakangiti siya.Nararamdaman kodin iyon.Ano kayang ibig sabihin niya doon?
" Oh, Jamie! Handa ka na bang umalis? Wala kabang nakalimutan? " sabi naman ni Tita kaya agad akong napalingon sa kanya.
"Wala naman po, halika na po." Sabi ko kay Tita.
Agad na pumunta si Tita sa sasakyan niya at inilagay ang gamit ko roon.Lumapit naman ako kay Mama at nag paalam.Hindi ko maipaliwanag yung naramdaman ko ng biglang niyakap ako ni Mama.
"Sorry anak." Sabi ni Mama.
Para saan yon? Bakit nag so sorry sakin si Mama? Bakit ngayon ko lang narinig yung salitang iyon galing sa kanya? Bakit kung kailan dapat magsaya ako dahil bakasyon na ay nakaramdam ako ng lungkot?
"So-so.."
Sasabihin ko na dapat iyon pero nagsalita si Tita.Sinabi niyang baka malate pa kami sa pupuntahan namin kaya sumakay na daw ako.
Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Mama at ngumiti.
"Mag babakasyon lang ako saglit ma.Ingat po kayo ah?" Sabi ko kay Mama.
Tumango naman ito.Sumakay na ako sa sasakyan at umandar na ito.Tinanong ako ni Tita kung ok lang ako at sinabi ko naman na ayos lang ako.
Huminto ang sasakyan namin sa isang napakagarang lugar.Pagkababa namin sa sasakyan may mga lalaking naka kulay itim na umalalay sa amin kung saan pupunta.
Sumunod na lamang ako kay Tita at pumasok na kami sa loob. Sa loob non ay may napakagarbong disenyo. Kaninong bahay kaya ito? Sumunod lang kami ni tita sa mga lalaking nakaitim hanggang sa nakarating kami sa isang kwarto.
Binuksan ng dalawang lalaki yung pinto at pumasok kami doon sa loob.May isang table doon at may dalawang tao na naghahantay.
Umupo naman si Tita at syempre ako pinaupo din ako sa tabi niya.
"Kamusta naman Los?" Sabi nung isang babae na medyo may kagandahan.
BINABASA MO ANG
IWGTYLTFS// park.j -bts
FanfictionPaano kung posible pala? Posibleng palang magkita kami. Credits to all the resources that I use in making the cover ヾ(〃^∇^)ノ [IWGTYLTFS-BTS Jimin Fanfic] ✒Written by:candreicm