IWGTYLTFS #9

39 3 0
                                    

RM

Hanggang ngayon hindi ko parin talaga alam kung ano yung nangyari sa dalawa na yon .Ang weird nila kagabi.

---

Naalipungatan ako dahil rinig kong may kumakatok sa pinto.Yung iba naman tulog na tulog kaya ako nalang ang nagbukas.

Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko si Jamie at si Jimin.Inaantok pa ako non.

"Bat ngayon lang kayo? Gabi na ah."

"Ah anong oras naba?" Tanong sakin ni Jimin.

"11:30 na! Ano bang nangyari sa inyo at bakit ginabi kayo ng uwi?" Tanong ko sa kanila.

Nagkatinginan pa sila ni Jamie.Agad itong pumasok sa loob at hindi man lang sumagot.Mabilis silang nagpuntahan sa mga kwarto nila.

Nagtataka naman ako.Bakit parang hindi sila nagpapansinan? Anong nanyari?

---

Hindi ko na lamang pinansin yung nangyari kagabi at nagpatuloy sa pagkain.Maya maya pa ay lumabas na si Jimin at si Jamie sa mga kwarto nila.Sabay, sabay talaga silang dalawa lumabas ng kwarto nila.

Bago umupo ay nagkatinginan ulit sila. Iyon na naman yung mga tinginan.Para bang may pinaguusapan sila.Basta ang weird!

Umupo na si Jamie at si Jimin.

"Good morning Jimin at Jamie!" Bati ni Taehyung sa kanila.

Oops, sabi ko na ganito ang mangyayari eh.Parang kumausap sa hangin si V dahil walang pumansin sa kanya.

"Good Morning din sayo V!" Pag bibiro nito sa sarili niya.

Natawa naman kami sa sinabi ni V.Hahahaha self support.

Pagkatapos namin kumain ng almusal.Sinenyasan ko si Jin, Jungkook, J hope at V.

"Ah, may pupuntahan lang kami Jiminie!" Sabi at agad na lumabas ng pinto.

"Hyung,anong gagawin natin? Saan tayo pupunta?" Tanong nila habang naglalakad kami papunta elevator.

"Hayaan muna natin silang mag usap.May nahahalata ako eh."

"Ano naman yon?" Tanong ni V

"Basta hayaan muna natin silang mag usap dalawa"

JAMIE

Ugh! Ano ba naman to si RM.Bakit ngayon pa sila umalis? Huhu naiilang nga akong makipagusap kay Jimin eh tapos ganto pa gagawin nila.Iiwan ako na kasama to.

Anong gagawin ko? Kinakabahan ako sa mangyayari. Kung ano anong pumapasok sa isip ko.Napalunok pa ako bago magsalita.

"Ji-jimin!" Sabi ko sa kanya antahimik kasi eh.

"Um?" Sabi nito sabay tingin sa akin.

Hala hindi ko na alam kung anong sasabihin ko.Hala pano na to?

"Wala lang hehe gusto lang kitang tawagin" sabi ko.

Hala! Anong kaanuhan yung pinagsasasabi ko?

Nagulat ako kasi biglang humalakhak si Jimin. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Wala akong mareply eh.Hindi ko din alam kung bakit ko iyon nasabi.

Tumayo na ako at inayos yung mga pinggan na pinagkainan namin.

"Anong gagawin mo?" Tanong ni Jimin.

"Um huhugasan tong mga pinggan." Sabi ko sa kanya.

"Tulungan na kita? Kung ok lang naman sayo. " sabi nito habang nakangiti.

Ano to? Hahaha.Tutulungan ako ni Jimin? Ang weird nya ah dati pinaghuhugas niya ako ng mag isa ngayon tutulungan niya na ako.

Pumunta na kami sa kusina para hugasan yung mga plato.Sa totoo lang hindi ako makahinga ngayon.Naiilang kasi ako.Ako yung naglalagay ng sabon at nagkukuskos sa plato at si Jimin naman yung nagbabanlaw.

Susulyap na dapat ako ng tingin kay Jimin.Sakto pagkatingin ko nakatingin din siya sa akin.

Ano bang ginagawa sakin ni Jimin? Kailangan ko ng hangin.Hindi na ako makahinga.Kinikilig ako ngayon. Natawa nalang kaming dalawa pagkatapos non.

"Bakit ka tumawa?" Tanong sakin nito.

"Ikaw? Bat ka tumawa?" Tanong ko pabalik sa kanya.

"Sagutin mo muna ako." Napahinto ako sa sinabi niya.

Ramdam ko yung bilis ng tibok ng puso ko ngayon.Ano ba talagang meron kay Jimin?

"Sige nga? Bat ka tumawa?" Nakangisi nitong tanong.

Hindi naman ako makasagot kasi halo halong emosyon yung nararamdaman ko ngayon.Ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon.

Mas nagpabilis ng tibok ng puso ko yung susunod na ginawa niya. Unti unti siyang lumapit sa akin.Hanggang sa namalayan ko nalang na ganoon na pala kami kalapit sa isat isa.

Napalunok ako.Hala! Ano ba tong nangyayari sa earth? Huhu.Iligtas niyo po ako kay Jimin.

"Um Jimin ang lapit mo masyado hindi ako makahinga." Sabi ko pa sa kanya.

Lumayo naman si Jimin pagkatapos kong sabihin iyon.

"Um Jimin yung nangyari kahapon-"

"Magpahinga ka nalang muna.Ako nalang ang magtatapos dito.Mamaya nalang tayo mag usap." Sabi nito habang nakangiti.

"Ok!?" Sabi ko sa kanya.

Agad naman akong pumunta sa kwarto ko at sinarado ang pinto.Napahawak pa ako sa dibdib ko.

Anong problema ng puso ko?

Si Jimin lang yon ah?

Si Jimin lang.

Lasing lang siguro siya kahapon.

Lasing? Eh hindi naman ata umiinom yon.

Ugh basta! Huhuhu.

Wala yon.wala yon Jamie ah?

Napailing na lang ako sa mga pinagsasasabi ko.

---

IWGTYLTFS// park.j -btsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon