IWGTYLTFS#15

13 3 0
                                    

JAMIE

Ano ba tong suot ko? Medyo naiilang ako kasi. Bakit kasi kailangan pang magdress? Agad akong lumabas ng fitting room ng masuot ko yung pulang dress na pinasuot ni Jungkook sakin.

"Wow! Sino ka?" Sabi ni Taehyung.

Siraulo ata to eh. Pinasuot sa akin eh tapos hindi na ako nakilala. Ako lang naman kasama nila tapos nakalimutan agad.

Napatingin naman ako kay Jungkook na hanggang ngayon nakatingin padin sakin.

"Jungkook ayos lang ba?"

Tanong ko sa kanya habang tumitingin sa suot kong damit.

"Jungkook!  Yoohoo!"

"A-ah, oo ayos lang."

Tss. Iyon lang masasabi niya? Natatawa ako kasi hindi siya makaayos ng pagsasalita.Ano ba kasing itsura ko suot to. Maganda ba ako? Panget ba o ano?

Nagkatinginan naman kami ni Taehyung kasi biglang umalis si Jungkook.Ang cute ni Taehyung sa suot niya ngayon hahahaha. Pink is life.

"Anong problema non?" Tanong ni Taehyung sa akin.

"Hindi ko lang alam.Btw, may nagugustuhan kana ba?"

Napansin ko yung pagbabago ng expression ng mukha ni Taehyung.

"Bat natanong mo?"

Tanong pabalik sa akin ni Taehyung.

Ba't ko nga ba natanong? Ano bang pumasok sa isip ko at natanong ko iyon?

"Gusto ko lang sanang itanong kung anong pakiramdam ng may nagugustuhan."

Napansin kong biglang lumawak ang ngiti niya ng sinabi ko iyon. Ano naman ang problema nito? May masama ba sa tanong ko? Ang awkward naman kung hindi kami maguusap o di kaya pag nag usap kami tapos ang corny ng topic kaya iyon yung inopen ko ong topic.

"Ahh, bakit may nagugustuhan kana ba sa amin?"

"Sagutin mo muna yung tanong ko!"

May nagugustuhan daw ba sa kanila eh.

Hindi na nga ako magtatanong sa kanya. Baka kung ano ano pang sabihin niya sakin eh.

"Syempre masaya. Pero-"

"Pero ano?"

"Masakit minsan. Masakit kung hindi ka gusto ng taong gusto mo."

Bigla siyang tumawa matapos niyang sabihi yon. Tama naman siya diba? Pero hindi naman masamang magkagusto diba?

Kahit ako lang yung may gusto sa tao na iyon  ayos lang.

Pero parang anggara padin non. Parang ako pa yung gumagawa ng dahilan para masaktan ako.

"Ready na ba kayong umalis?"

"Kanina pa, saan kaba pumunta? "

Tanong ni Taehyung kay Jungkook.

"Halika na."

Luh? Hindi ba sinagot si Taehyung ah. Ano bang problema nito? Bakit biglang naging ganito?

JUNGKOOK

Angganda niya.

Hindi ako nagkamali.

Agad kaming sumakay ng kotse at pumunta agad sa lugar na nasabi sa invitation. Pagkahinto ng sinasakyan namin ay agad na bumungad sa amin yung mga reporters.

IWGTYLTFS// park.j -btsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon