IWGTYLTFS#14

17 3 0
                                    

JAMIE

"Ikaw ang may kasalanan kaya naaksidente ang anak namin!"

"Kung hindi dahil sayo wala siya sa sitwasyon niya ngayon!"

"Hindi mo ba alam na maaring makaapekto sa buhay niya yan?"

Napatayo na lamang ako sa pagkakahiga. Ramdam ko yung hingal ko. Napahawak pa ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit.

Ano ba yung napanaginipan ko? May mga nagsasalita pero hindi ko kilala kung sino iyon?

Lumabas ako ng kuwarto ko para kumuha ng inumin. Nauhaw ako bigla. Pagkalabas ko ng kuwarto ko nakita ko si Jimin na nakaupo sa sofa.

Kakausapin ko kaya siya o hindi?

Nagtuloy tuloy nalang ako sa paglakad ko para kumuha ng tubig.Hindi ko alam kung napansin niya ba akong dumaan o hindi. Hindi man lang da kasi siya tumitingin.

Pabalik na sana ako sa kwarto ko nang hablutin niya yung kamay ko. Napaupo tuloy ako sa sofa sa harapan niya.

Ano na naman to? Hindi pupwede.

"Kung iniisip mong kami na ni Ellaine nagkakamali ka. Hindi ko naman gagawin sayo yung nakaraan kung kami na."

Sabi ni Jimin.

"Ah, babalik na ako sa kwarto matutulog pa kasi ako. Maaga pa oh?"

Sabi ko sa kanya.

Nagdire diretso ako sa kwarto at ni lock ang pinto.

Buti nalang talaga walang nangyari.

RM

Habang nag luluto si Jin may kumatok sa pinto. Binuksan ko iyon at may lalaking nakatayo doon at nag abot sa akin ng sulat.

Invitation?

"Ano yan hyung?" Tanong ni Taehyung.

Binuksan ko yung sulat at nakalagay doon na imbitado kami sa Party nila

Jimin? Ellaine?

What the?

"Invitation nila Jimin at Ellaine."

Sabi ko kita ko ang gulat sa mukha ng ibang members.

"Pupunta tayo?"

Tanong ni Jungkook.

"Syempre nandoon si Jimin eh."

"Paano si Jamie? Pag nakita siyang kasama natin. Teka! May naisip na ako."

Sabi ni Jungkook. Napansin ko ang paglawak ng mga ngiti niya paniguradong may binabalak ang maknae nato.

"Wait nasan ba si Jimin?" Tanong ni Jhope.

"Kanina tinignan ko yung kuwarto niya pero wala siya doon. Nakita ko din sila ni Jamie nag uusap kaninang madaling araw."

Sabi ko sa kanila.

"Anong pinaguusapan nila?" Tanong ni Jungkook.


"Hindi ko din alam eh. Pero mukhang tungkol sa kanilang dalawa yon."

Sabi ko kay Jungkook.

"Sasabihan ko lang si Jamie about dito."

JIMIN

"Ang gwapo naman niya!"

"Bagay na bagay silang dalawa."

"Ang swerte naman ni Ms.Ellaine"

Rinig kong sabi ng mga tao ng makababa na ako ng sasakyan. Dire diretso na ako sa loob.

"Oh nandyan kana pala!"

Sabi ni Ellaine.  Nakasuot siya ngayon ng white dress.

Humalik ito sa pisngi ko pero agad ko namang iniwas ang mukha ko.

"Um anong masasabi mo sa damit ko?"

Tanong niya sa akin.

"Ayos lang."

"Iyon lang yung masasabi mo?"

Tanong nito at kita ko ang inis sa mukha niya.

"Ano pa bang dapat kong sabihin?"

Tanong ko sa kanya.

"Wow, sino siya?"

"Girlfriend ba siya ni Jungkook? "

"Angganda naman niya."

"Mas maganda pa siya kay Ms. Ellaine"

Rinig kong sabi ng mga reporters sa likod.

Agad akong napalingon at nakita ko si Jamie.

Hindi ko alam kung paano siya idedescribe pero ang ganda niya.

Nakasuot siya ng pulang dress.

Simple pero bagay sa kanya.

Nabuo na ata ang gabi ko.

Bigla na lamang akong nakaramdam ng inis ng makita ko ang kasama niya.

Si Jungkook.

Ano tong nararamdaman ko?

Nag seselos ba ako?

Dapat ako yung lalaki na nasa tabi niya.

Pero wala ako doon.

Ibang lalako yung nadoon.

Nagseselos ako sa mga nangyayari ngayon.

---

A/N

Thankyou sa pagbabasa. Sorry sa lame update. 😅 Don't forget to vote and comment. Sorry kung pangit haha.
Wait for the next chapter \^_^/

IWGTYLTFS// park.j -btsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon