IWGTYLTFS#16

19 3 0
                                    

JAMIE

"Maghihintay ulit ako."

"Huy Jamie! Gising!"

Bigla kong idinilat yung mga mata ko. Ramdam ko yung mga luha sa mata ko na tumutulo.Nakaramdam din ako ng kalungkutan nung pagkagising ko.

Ano ba yung panaginip na yon? Ilang gabi nading nagpapaulit ulit. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin para hindi ko na mapanagimipan yon.

"Jamie! Ayos ka lang ba?"

Tanong sa akin nung babaeng gumising sa akin. Sino ba siya? Bakit wala akong maalala?

"Wag niyo pong mamasamain yung tanong ko ah? Pero sino po kayo?"

Napansin ko ang pagbabago ng expression nang babae. Umupo ito sa tabi ko.

"Haha, wag ka namang magbiro ng ganyan Jamie. Ako to si Tita mo. Hindi mo ba ako naalala?"

Tita? Bakasyon? Highschool?  Kil?

Bigla kong naalala yung mga salita na iyon.

"Ah kayo po pala Tita. Pupwede na po ba akong umuwi sa amin? Maghahanda na po ako para sa pagpasok ulit."

Nakita ko ulit yung expression ni Tita na parang nagtataka.

"Wala ka ba talagang naalala? Nagtatrabaho kana Jamie.Tapos yung bahay niyo? Matagal nang wala yon.Pati yung mama at papa mo-"

Huh? Nagtatrabaho? Yung bahay namin wala na? Edi ibig sabihin dito na ako nakatira? Anong nangyari kay Mama at Papa? Bakit wala akong maalala?

"Ano pong nangyari sa kanila?"

Ito na naman tong luha ko. Bigla na namang tumutulo.

"Wala na sila Jamie."

Para akong nanghina ng marinig ko yung mga salitang iyon.Niyakap ako ni Tita umiyak lang ako ng umiyak ng niyakap niya ako.

Biglang may nagdoorbell at tinanggal ni tita yung pagkakayakap niya sakin at saka pumunta sa baba para tignan kung sino iyon.

Pinunasan ko yung luha ko at saka sumunod kay Tita sa ibaba. Nang makalabas ako ng kuwarto ko makikita mo ang ipinagbago ng bahay.

Lahat ay bago sa akin.

"Jamie!"

Rinig kong may tumawag sa akin at laking gulat ko ng makita ko si Kil. Kita ko ang malawak niyabg ngiti.

"Kamusta kana?"

Tanong ko sa kanya ng makababa ako ng hagdan. Napansin ko naman nagkatinginan sila ni Tita halatang nagtataka sa tanong ko.

"Ayos lang naman.  Ikaw?"

Ngumiti lang ako. Sa tanong niya. Anlaki din ng pinagbago ni Kil. Parang ibang Kil na itong nasa harapan ko.

Maaalala ko naman ang laht diba?

"Nag almusal kana ba Kil? Sumabay kana sa amin ni Jamie. "

Sabi ni Tita.  Habang kumakain may naaalala na naman ako parang pamilyar na to sa akin. Yung kaming dalawa lang ni Tita.

"Ayos ka alng Jamie?"

Tanong ni Kil.

Tumango naman ako sa kanya. Andami kong tanong hindi ko alam kung paano at saan magsisimula.

"Anong date na po ba ngayon? Araw?"

Tanong ko kay Tita.

"April 21,2018. Saturday"

Sabi ni Tita.

"May time kaba Kil?"

Tanong ko kay Kil.Napansin ko naman yung paglawak ng ngiti niya ng itanong ko iyon sa kanya.

"Madami.Hahaha Bakit nga pala?"

"Marami lang akong tanong."

Sabi ko at saka ngumiti sa kanya.

"Sige pagkatapos nating kumain."

Tumango ako at saka nagpatuloy sa pagkain.

IWGTYLTFS// park.j -btsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon