JAMIE
"Tama ba tong nakikita ko? Jamie? Ikaw ba yan?"
Ba't kilala niya ako? Bakit kilala ako ni Jungkook? Nagkakilala, hindi eh. Nagkita naba kami? At ito namang isa nato, si Jimin. Anong koneksiyon niya sakin? Bakit parang kilalang kilala niya ako?
"Jamie! Hoy! Anong ginagawa mo diyan?"
Rinig kong tawag sa akin ni Rein kaya agad akong napalingon sa kanya.
"OyJamie! Kilala mo ba sila?" Bulong sa akin ni Rein habang nag hahawi pa ng buhok. Ano to? Nagpapabebe? Tss.
"Halika na nga umalis na tayo dito." Bulong ko kay Rein na hanggang ngayon nakatingin padin kila Jimin.
"Anong aalis? Baliw dito tayo magtatrabaho ngayon? Tsaka girl nasa South Korea kaya tayo no?"
Sabi sa akin ni Rein. Hindi niya ako naiintindihan.
"I mean dito sa puwesto natin. Marami nang nakatingin oh? Baka kung anong isipin ng mga yan.Kaya halika na."
Pagkatapos kong sabihin iyon aya agad ko siyang hinila papasok ng building.
Pupunta na kami sa 6th floor. Doon kasi yung sinabi ng operator. Kaya doon kami pumunta. Pagkabukas ng elevator wtf! Bigla kong nakita si Jimin doon . Wala pang saglit saglit ay namalayan ko nalang na nandoon na ako sa loob ng elevator.Ang Epal nitong si Rein. Tinulak pa ako. Naiilang ako ngayon. Antahimik naming tatlo kahit si Rein hindi ko makausap. Hindi ko magawang ibuka yung bibig ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kung ano anong nararamdaman ko. Ugh! Mababaliw na ako sa katahimikang to.
Biglang bumukas yung pinto ng elevator. Nandito na kami? Ito na yon? Dali dali akong lumabas. Hinayaan ko na si Rein don. Bahala siya hindi nadin kasi ako makahinga.
May babaeng lumapit sa akin. Kapag sinuswerte ka nga naman. Nakita ko si Ellaine.
Ellaine?
Bakit may naaalala ako? Bakit kilala ko siya?
"Oh? Jamie? Ikaw yan? Long time no-"
Hindi pa siya natapos magsalita ay dumating na si Rein at inaya na akong pumunta doon sa office.
"Hi Ma'am Ellaine. Jamie! Halika na."
Sabi ni Rein.
Bakit may naaalala ako? Nagbago na naman yung mood ko. Bigla na namang may tumulo na luha sa mata ko.Parang hindi tamang dito kami na assigned. Nung una masaya pa akong dito kami pupunta pero bakit ganto yung nangyari?
Tapos Idol ko pa sila.Hindi pupuwedeng panaginip lang yung mga nasa isip ko ngayon. Unti unti silang nag si sink in. Yung Kiss, totoo bang tumira ako sa kanila? Engagement?
"Jamie! Jamie! Ayos kalang?"
Bigla akong nagulat kasi kanina pa pala ako kinakausap ni Rein.
"Oo naman." Sabi ko at saka ngumiti.
Pumasok na kami sa loob at saka nag ayos na ng mga gamit.
JIMIN
Naalala niya na kaya ako? Ano kayang ginagawa niya ngayon? Kumain na kaya siya? Puntahan ko kaya? Huwag nalang siguro. Pero gusto ko siyang makita kaya..
"Ano yan?" Tanong ni Jamie.
"Pagkain!? Naisip ko lang na baka hindi ka pa kumakain kaya nagdala ako para sayo."
Pagkatapos kong sabihin yon. Wala man lang siyang sinabi? Dinedma lang ako?
"Ayaw mo?"
Tanong ko ulit pero hindi talaga siya sumasagot.
"Ako nalang kakain. Bahala kang magutom diyan."
Biglang tumingin sa akin si Jamie ng sinabi ko yon. Kakain na akay siya?
"Ano bang gusto mo? Bakit ka nandito?"
Tanong niya sa akin. Sasagutin ko ba?
"Ikaw."
Rinig ko ang bulungan ng mga tao dito sa loob.Napansin kong namula yung pisngi niya. Mas lalo siyang gumaganda.
Tumayo siya sa kinauupuan niya. At saka hinawakan ang kamay ko. Hinila niya ako papunta sa labas. Wala naman akong nagawa kaya sumunod nalang ako.
"Please lang Jimin kalimutan na natin yung nakaraan ah? Alam mo naman na iba ang level mo sakin kaya kung ano tayo ngayon iyon lang yon. Tsaka diba engaged kana kay Ella-"
Anong sinasabi niya ngayon? Bakit kilala niya si Ellaine? Engage nga kami pero hindi ko din tinuloy kasi ayaw ko sa kanya. Pati pangalan ko nabigkas niya na. Level? Naalala niya naba? May naalala na siya? Bumalik na yung dating Jamie.
"Ituloy mo. Naaalala mo na diba? Kailan pa?"
Natigilan kaming dalawa. Parang sira tong mata ko biglang lumuluha. Nakita ko ding tumutulo yung luha niya.Alam kong naaalala na niya. Kaya kahit sabihin niyang hindi niya ako kilala hindi ako naniniwala.
"Kamusta kana?"
Tanong niya sakin.Unti unting lumapit aa akin si Jamie at saka ako niyakap.Niyakap ko din siya pabalik.Ayaw parin tumigil ng luha ko.
"Akala ko hindi kana babalik.Akala ko hindi na kita makikita.Yung nakaraan sorry kung bigla akong nawala. Bumalik na kasi ako dito eh.Tsaka hindi natuloy yung kasal namin ni Ellaine.
Sabi ko sa kanya.
"Natakot nga ako sayo nung nakaraan eh. Akala ko stalker ka kasi kilala mo ako. Tapos sinuntok mo pa si Kil. Salamat din kasi nandoon ka nung time na yon.
Tinanggal ni Jamie yung pagkakayakap niya sakin. At saka tinignan ako mula ulo hanggang paa. Pagkatapos niyang gawin yon ay ngumiti siya.
"Bakit hindi natuloy yung kasal niyo?"
Kaylangan ko bang sagutin ulit yung tanong niya? Alam niya naman yung sagot kung bakit eh nagtatanong pa.
Hindi ko na napigilan yung sarili ko.
Hinalikan ko siya sa labi.
"Dahil Ikaw nga yung gusto ko."
Ngumiti ako at tsaka niyakap ulit siya.
Masaya akong naalala niya na.Masaya akong bumalik siya. Ayos lang kung 3 taon ang mahalaga nandito kana.
---
BINABASA MO ANG
IWGTYLTFS// park.j -bts
FanfictionPaano kung posible pala? Posibleng palang magkita kami. Credits to all the resources that I use in making the cover ヾ(〃^∇^)ノ [IWGTYLTFS-BTS Jimin Fanfic] ✒Written by:candreicm