IWGTYLTFS#17

18 3 0
                                    

JAMIE

3 years later.

"Happy Birthday to you! Happy Birthday to you! Happy Birthday!  Happy Birthday!  Happy Birthday to you!🎶" kanta nung mga ka office mates ko.

"Yieeee! Salamat! Nag effort kayo." Sabi ko sa kanila sabay ngiti.

"Tadadada! Eto yung regalo ko sayo oh!" Sabi ni Rein kasamahan ko sa trabaho.

Agad kong binuksan yung regalo na binigay niya sa akin.Nakita ko don, What? Pictures ng BTS? Hahahaha?

"Anong masasabi mo? Nagustuhan mo ba?" Sabi ni Rein.

"Madami na ako nito sa bahay eh, pero salamat padin. Madadagdagan picture ng mga asawa ko." Sabi ko at sabay natawa.

Kinain namin yung pagkaing inihanda nila. Spaghetti, cake, ice cream at kung ano ano pa. Andami nilang inihanda kaya pagkatapos naming kumain inuwi din yung tira hahaha.

Nang makalabas na ako ng building ng kumpanya na pinagtatrabahuhan ko. Nakita ko si Kil na nakatayo nakasandal sa kotse niya.Agad akong lumapit sa kanya.Ano kayang ginagawa niya dito? Ang akala ko busy siya.

"Happy Birthday!" Sabi nito at saka ngumiti.

Hindi ko napansin na may hawak pala siya sa likod niya. Bulaklak. Ito talaga si Kil kahit minsan may pagka romantic.

"Salamat Kil!" Sabi ko habang inaamoy yung mga bulaklak na hawak ko.

"Tara?" Tanong ni Kil sa akin.

Wala pang ano ano ay agad na niya akong pinasakay sa kotse niya at tsaka umalis sa lugar na iyon. Ano kayang pakulo nito?

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.

" Basta malalaman mo din pagkadating natin doon." Sabi ni Kil at saka nagpatuloy sa pagmamaneho.

Nagulat nalang ako ng huminto kami.Pagkalabas ko ay nakita ko ang isang table na may kung ano anong decorations ang nakalagay.

"Para saan to?" Tanong ko sa kanya ng makaupo na kami sa magkabilang side ng lamesa.

"Para sa birthday mo.Bakit ayaw mo?"

"Hindi naman sa ayaw pero parang gumastos ka talaga dito ah. Pupwede namang wag nang ganito ah." Sabi ko sa kanya.

Napansin kong biglang nagbago ang expression ng mukha ni Kil. Nalungkot ba siya sa sinabi ko?

"Sorry, wag mo nalang pansinin yung sinabi ko." Sabi ko sa kanya.

"Ayos lang haha kumain na tayo."

Sa kalagitnaan ng pagkain namin napansin kong tumigil sa pagkain si Kil.Nakita kong may dinukot siya sa bulsa niya. Hindi ko alam kung ano ba iyon.

"Um, Jamie. Hindi ko alam kung paano ko uumpisan to pero lalakasan ko na yung loob ko."

Sabi ni Kil at saka kinuha yung isang maliit na box. Binuksan niya ito at doon sa loob non makikita ang isang singsing. Bakit? Para saan?

"Gusto ko lang tanungin ka na kung matatanggap mo na ba ako?"

Natigilan ako sa pagkain sa sinabi niya. Ano to? Paano? Bakit? Hindi pupwede. Kaibigan ko lang siya.

"Hahahaha! Ano kaba Kil?  Bakit ka nagbibiro ng ganyan?" Sabi ko sa kanya habang tumatawa.

"Hindi ako nagbibiro Jamie. Gusto kita, matatanggap mo na ba ako? Alam kong naguguluhan ka pero hindi ba puwedeng ang isagot mo nalang ay oo?"

Bakit Kil? Bakit ngayon pa? Ayokong masaktan ka pero..

"Ah gabi na oh, baka hinahanap na ako sa amin. Baka iniintay na ako ni Tita. "

Aalis na sana ako ng maramdaman kong hinablot niya ang kamay ko at saka niya ako niyakap.

Kil ayokong masaktan ka pero bakit parang ikaw pa ang gumagawa ng dahilan para mangyari yon?

"Sorry Kil pero hindi pupwede."

"Bakit hindi pupwede Jamie?  Sagutin mo ako? Bakit hindi pupwede? "

Tanong niya sa akin.

"Nasasaktan ako Kil."

Naramdaman kong humihigpit yung pagkakahawak niya sa balikat ko.

Bigla na lamang may isang lalaking sumapak sa kanya. Napahawak ako sa bibig ko dahil sa gulat sa nangyari.

Sino ba siya? Bakit niya ginawa yon?

"Ayos ka lang Jamie?" Tanong nung lalaki.

Huh? Kilala niya ako? Paanong? Pero hindi ko siya kilala. Stalker ko ba siya? Pero hindi pupwede gwapong stalker naman nito. Pero papaano?

Bakit na feel ko safe ako ng dumating yung lalaking to? Bakit parang ang gaan ng pakiramdam ko ng makita ko siya? Panandalian kong nakalimutan yung nangyari ngayon.

"Sino ka ba? Bakit mo ako tinulungan?"

Tanong ko doon sa lalaking nasa harapan ko.

"Ako yung lalaking minahal mo at hindi siya."

---

IWGTYLTFS// park.j -btsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon