JAMIE
"Ang ganda mo ngayon anak." Sabi ni Tita habang inaayos yung suot ko.
"OMG Jamie! Ikaw bayan!? Bakit ang ganda ganda!? Impostor ka no?"
Sapakin ko kaya tong si Rein? Ang OA,ako to luka! Oo ako to!
"Ehem. Congrats!" Sabi ni Kil habang nakangiti.Ayoko mang isipin yung nangyari dati pero naalala ko padin.Mukhang ayos naman na siya.
"Salamat" sabi ko sabay ngumiti.
Nagulat kami ng biglang may nagtiliian sa labas.Mukhang alam ko na kung sino tong mga dumadating.Pumasok sa pinto isa-isa sina Taehyung, Jin, Jungkook, Suga, Jhope at RM.
Hinahanap ko pa hindi pala nila kasama.
"Hinihintay kana niya."
"Angganda mo ngayon."
"Congrats WAAAAAH!"
"Naunahan pa tayo ng pinakamaliit sa grupo. HAHAHAHA!"
"Tuturuan ko na si Jamie magluto."
"Alagaan mo si Jimin hyung ah!?"
Natawa naman ako sa mga pinagsasabi nila.Lumapit sakin si Taehyung at saka bumulong.Tumango naman ako sa sinabi niya.
Pagkatapos kong maayusan ay naghanda na kami para pumunta sa simbahan.Sinabi nga pala ni Jimin na gusto niya daw sa Pilipinas ako pakasalan.
Kinilig naman ako ng sinabi niya iyon. Nung gabing ding iyon nag proposed siya sakin.Kahit na simple lang, para sa akin napaka romantic ng gabing iyon.
Nasasabik na akong makita siya. Ano kayang itsura niya ngayon? Kinakabahan din ako. Kasi yung sa mga napapanood ko sa palabas yung kinikidnap yung babae tapos hindi matutuloy yung kasal.
O di kaya yung may tumututol.Hala? Pano kung may ganon nga? Sana naman wala.
JIMIN
Kasabay ng pagtunog ng kampana ng simbahan. Isa-isang naglalakad ang mga tao na pumunta para sa napaka espesyal na araw na ito.
Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko.Ang pagkasabik na makita siya.Bawat segundo, minuto ay nag aabang na siya naman ang maglalakad sa gitna para pumunta sa akin.
Kahit na maraming pagkakataon na nagkahiwalay kami.Kahit na taon pa ang lumipas,nandito parin ako at siya sa huli.Nang ang oras ay dumating biglang nagliwanag ang paligid.Isang napakagandang babae ang dumating.
Nakangiti itong naglalakad papalapit sa akin.Bakit hindi ko maalis yung paningin ko sa kanya? Bakit ganito yung nararamdaman ko? Hanggang sa inialok ko sa kanya ang aking kamay para ito ay kanyang hawakan.
Kagaya ng araw na sumisikat sa umaga.Kagaya ng buwan na nagbibigay ng liwanag sa gabi. Kagaya ng niyebe na kahit gaano katagal man ang panahon ng paghihintay para sa muling pagbabalik ay hindi mo mamamalayan dahil sa ganda nito.
Ganoon din ako nanghintay sa kanya. Hindi ko inisip kung gaano man ito katagal, ang mahalaga ay nandito na siya.Kung dumating man siya sa unang pag ulan ng niyebe ganoon din siya bumalik ng nawala siya.
Masaya akong siya ang babaeng nasa harapan ko ngayon.Nang binigyang hudyat na ng pari ay itinaas ko ang suot niyang belo.
Ngumiti muna ako bago ko ginawa ang mga susunod na pangyayari.Hinawakan ko ang kanyan mukha at dahan dahan kong inilapit ang sa akin.
Parang may kung ano akong naramdaman ng magdampi ang aming labi.Ang masasabi ko lang ay masaya ako ngayong araw na ito.Nagpapasalamat ako kasi dumating ang isang kagaya niya sa buhay ko.
_________________________
"Hindi siya makatulog kagabi baka daw maglaho ka ulit kaya binantayan ka niya magdamag.Lagi nga akong sumsilip sa kwarto niyo kasi baka may gawin sayo si Jimin eh hahaha.Hindi ko lang alam kung ano nang susunod na nangyari kasi nahuli niya akong sumisilip.Sabi niya huwag ko daw sasabihin sayo kung anong nakita ko kaya sinabi ko na sayo. "
Sabi ni Taehyung.
_________________________"Hoy! Jimin! Anong ginawa mo sakin kagabi?" Bulong ko sa kanya.
"Huh? Anong kagabi?" Sabi naman nito habang ngingis ngisi
"Yung totoo?"
"Wala nga.HAHAHA!"
At saka ako muling niyakap ng napakahigpit.
BINABASA MO ANG
IWGTYLTFS// park.j -bts
FanfictionPaano kung posible pala? Posibleng palang magkita kami. Credits to all the resources that I use in making the cover ヾ(〃^∇^)ノ [IWGTYLTFS-BTS Jimin Fanfic] ✒Written by:candreicm