JAMIE
"Girlfriend ko, Ellaine."
Napatingin kaming lahat sa nagsalita.
Si Jungkook.
Ano daw? Girlfriend? Ano bang iniisip ni Jungkook?
"Jungkook-"
"Hali kana Jamie hayaan nalang muna natin sila diyan. May sasabihin pa ako sayo."
Hindi pa ako nakakatapos magsalita ay sinabi niya iyon at sabay hila sa akin papuntang kwarto niya.
Hindi ko alam pero nahihiya ako ngayon. Ano nalang kaya ang iniisip nila Taehyung at ng iba pa. Lalo na si Jimin.
JIMIN
"Makakaalis kana."
Sabi ko kay Ellaine.
"Jimin-"
"Nakita mo na ako diba?"
Pamputol ko sa sasabihin niya. At tsaka ako ulit pumasok sa loob ng kuwarto ko.
Tama ba yung narinig ko? Girlfriend niya si Jamie?
Kailan pa?
Pano naging?
Bakit ako nasasaktan? Bakit hindi ako masaya para kay Jungkook?
Bakit naiinis ako sa kanya?
Bakit parang gusto ko ako yung nasa posisyon na nagsabi ng mga salitang iyon?
JAMIE
Kanina pa kami nandito sa loob ng kuwarto ni Jungkook. Ano na bang nangyayari sa labas?
"Um, Jungkook? Hanggang anong oras ba tayo magtatagal dito sa kuwarto mo?"
Tanong ko kay Jungkook.
Napansin kong tumigil siya sa pagbabasa ng hawak niyang libro at tumingin sa akin.
Lumapit sakin si Jungkook at umupos sa sahig aa harapan ko.Tumawa ito bigla.
"Sorry sa kanina ah?"
Sabi nito habang nakatingin sakin.
"Pero Jamie."
"Pero ano?"
Tanong ko sa kanya.
Nakitang kong naging seryoso yung mukha ni Jungkook nawala yung mga ngiti niya.
"Gusto Kita."
Sabi nito.
Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Bakit ganto? Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Antahimik na naming dalawa ngayon. Hinihintay na lang niya siguro ako kung anong sasabihin ko pero hindi ko alam.
BINABASA MO ANG
IWGTYLTFS// park.j -bts
FanfictionPaano kung posible pala? Posibleng palang magkita kami. Credits to all the resources that I use in making the cover ヾ(〃^∇^)ノ [IWGTYLTFS-BTS Jimin Fanfic] ✒Written by:candreicm