6 years ago.
JAMIE
Nag mamadali akong tumakbo sa room namin.Nakikipag away daw kasi yung bagong student. Anlakas naman ng loob non.
Nagulat ako kasi nakita kong nakikipag ay si kil.Kaya dali dali akong pumasok sa room at pinigilan sila.
"Kil! Anong nangyayari dito?" Sambit ko.
Napansin kong napatingin silang dalawa sakin.Una akong napatingin sa bagong student.
Ano to? Bakit parang may tumutunog? Bakit piling ko libo libong paru paro ang lumilipad sa loob ng puso ko? Ano tong nararamdaman ko?
Agad akong nag iwas ng tingin at hinila si Kil palabas ng classroom. Habang palabas kami rinig ko ang bulungan ng mga kaklase ko.
"Anong meron sa kanila?"
"Sila naba?"
"My ghad"
"Iba din tong si Jamie"
At kung ano ano pa yung narinig ko. Pero nagpatuloy parin ako sa paglalakad hila hila si kil hanggang sa makalayo na kami sa classroom.
"Ano bang problema mo sa bagong dating?"
Tiningnan lang ako nito at hindi sumagot.
"Hoy! Kinakausap kita kil! Ano bang nangyari? "
Tumingin na naman siya sakin at tumayo.Naglakad siya palapit sakin kaya medyo napaatras ako.
Hindi ako makatingin sa kanya ng maayos dahil napakalapit niya sakin.
"Ano namang paki mo?" Mahina niya sabi sakin.
Parang wala siyang pakiramdam. Hindi ako kumportable sa posisyon namin ngayon kaya medyo tinulak ko siya konti.
"Ano bang problema mo kil? Nakaraan kapa ganyan ah? Hindi ko na alam kung yung kil na kilala ko ay yung kausap ko ngayon." Sabi ko sa kanya.
"Gusto mong malaman kung bakit? Gusto kita,gusto kita bilang babae hindi bilang kaibigan.Tapos naguguluhan din ako sa nararamdaman ko, Gulong gulo.Hindi ko alam gagawin ko sa tuwing may iba kang kausap na lalaki o di kaya kasama.Gusto ko silang suntukin dahil nagseselos ako dahil kasama nila yung babae na gusto ko." Sabi niya habang maiyak iyak.
Nagulat ako sa nalaman ko.Hindi ko alam na ganto pala yung nararamdaman niya.Hindi ko alam na ganito yung mangyayari. Masyado ba akong naging close sa kanya kaya ganito yung nangyari? Hindi pwede, hanggang..hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya.
"I'm so-sorry! Pero hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya." Hindi ko alam ang gagawin ko pagkatapos sabihin ang mga salita na iyon kaya tumakbo ako.Na gui guilty ako dahil ginawa ko yon pero hindi ko naman pwedeng pilitin yung puso ko kung hindi ito ang tinitibok nito.
Pero bakit kailangan niya pang mangdamay ng ibang tao para ilabas yung nararamdaman niya?
Nag kaka crush ako pero hindi humahantong sa gusto.Gusto mo nang makasama yung tao na iyon.
Last subject na namin at sa buong araw na iyon hindi pumasok sa classroom si Kil matapos ang nangyari.
Dapat ba hindi ko nalang sila pinigil kanina para hindi na humantong ang kahat sa ganito?Pero hindi din naman tamang hayaan nalang sila.
BINABASA MO ANG
IWGTYLTFS// park.j -bts
FanfictionPaano kung posible pala? Posibleng palang magkita kami. Credits to all the resources that I use in making the cover ヾ(〃^∇^)ノ [IWGTYLTFS-BTS Jimin Fanfic] ✒Written by:candreicm