IWGTYLTFS #5

77 7 2
                                    

KIL

Tatlong araw nadin ang nakaraan simula ng makita ko si Jamie.Hindi siya pumasok nung nakaraang araw pati ngayon.Ano na kayang nangyari don?

Na offend ba siya sa sinabi ko?Siguro nga ganon ang nangyari.Pero hindi naman siya ganong klase ng tao na may sinabi lang ng kaonti about sa idol niya eh magtatampo at hindi na papasok.

Puntahan ko kaya siya sa bahay niya? Ayos lang kaya? Kaso baka hindi naman ako pagbukasan ng pinto non.Bahala na nga.

JAMIE

Katatatapos lang namin kumain.Sobrang sarap ng luto ni Rm.Kung panaginip man to sana hindi na ako magising.

"Jamie! Total kakarating mo lang dito at aalis kana rin naman ikaw na muna ang maghugas ng pinggan" rinig kong sabi ni Jimin.

Huh? Ano daw maghugas? Grabe naman to sakin.Hindi ba pwedeng bisita nila ako ngayon? Napakaano talaga nitong si Jimin.Tsaka bakit ba parang kanina pa kumukulo dugo nito at parang sakin niya ibinubuhos yung galit na nararamdaman niya.

Nainis ba siya sa ginawa ko kanina?
Nakakainis ka talaga Jamie ang tanga tanga mo first mo palang nakita tong si Jimin na crush pero ganon pa nangyari.

"Ako nalang ang maghuhugas ng plato Jimin, total bisita naman si Jamie dito." Sabi ni Jungkook.

Agad na napatingin ako kay Jungkook sa sinabi niya.Buti nalang tong si Jungkook turing sa akin bisita samantalang to si Jimin ang turing sakin.Napakamot nalang ako sa ulo.

Kita ko sa mukha ni Jimin ang inis nang sinabi ni Jungkook na siya na lamang ang maghuhugas at huwag na ako.Medyo sweet din tong si Jungkook.

Iuncrush ko nalang kaya si Jimin? At ipalit ko si Jungkook.Cute din naman si Jungkook eh.Hahahaha

Wala ding nagawa si Jimin at siya nalang ang naghugas ng plato na kinainan namin.Lahat ay pumunta na sa kani kanilang kwarto samantalang kami ni Jungkook ay pumunta naman sa sala.

Inaya ako ni Jungkook na maglaro ng cards.Pantay lang ang laban, nung una ako ang nanalo nung pangalawa siya naman at nung pangatlo syempre ako ang nanalo.Natawa nalang ako sa reaksiyon ni Jungkook nung natalo siya.

Mabait din pala tong si Jungkook no? Akala ko masungit siya kasi may napanood ako na video sa YouTube at doon ang sungit niya sa isang fan.Akala ko nung una hindi nila ako papatuluyin dito.Akala ko din nung una si Jungkook itong hindi papansin at susungitan lang ako pero nagkakamali pala ako.

Bigla nalang sumagi sa isipan ko "Ano bang ginagawa ko dito? Bakit ako nandito?" Natahimik nalang ako at napatingin sa malaking bintana.

Kita mo ang pagbagsak ng mga nyebe sa labas.Maya maya pa ay nagpaalam na si Jungkook at sinabing matutulog na siya.May meeting daw kasi sila bukas eh kaya kailangan nilang gumising ng umaga.

Inabutan ako nito ng unan at kumot.Nagpasalamat naman ako.Nang makapasok na si Jungkook sa kwarto niya.May naisip na naman ako.Pinuntahan ko yung kwarto ni Jimin.Idinikit ko yung tainga ko sa pinto at pinakinggan kung gising ba siya.

Nung sa tingin kong tulog naman siya pumasok ako sa kwarto niya.Siguro kapag sinabi ko sa fans ng Bts na nakapasok ako sa kwarto ni Jimin gegerahin ako non?

Pagkapasok ko palang ng kwarto una ko agad na napansin ay yung picture frame doon sa may table.Dahan dahan akong pumunta doon at tinignan kung ano iyon.

Ineexpect ko na ang makikita ko sa picture ay yung family niya pero Bts members yung nandoon.Nacu curious din ako kung anong klaseng pamilya meron siya.

"Jamie"

Huh? Tama ba yung narinig ko? May tumwag sakin?

Napalingon ako sa kinahihigaan ni Jimin at doon nakita ko siya.Mukhang nanaginip siya kaya nilapitan ko siya para gisingin.

"Jimin!"

"Jimin!"

Hindi padin siya magising kaya hinawakan ko soya sa balikat.Yuyugyugin ko na dapat siya pero.

"Naaalala mo paba ako?"

Nasabi ko ang mga salitang iyon at bigla na lamang ako nawala sa kwarto ni Jimin. Inaalala ko kung nasan ako, nakakaramdam din ako ng sakit ng ulo.Ngayon ko lang napagtanto na nasa kwarto ko na pala ako ng nagring yung alarm sa phone ko.

Ano yung lahat ng iyon? Panaginip lang? Pero alam kong nakapunta ako don. Ano ba talagang nangyayari sa buhay ko?

"Jamie! "

Isang boses ang narinig ko.Sinilip ko sa bintana kung sino yon at nakita ko si Kil.Bakit kaya siya nandito?


Inayos ko ang buhok ko,naghilamos sabay punta sa gate.Nakita kong ngumiti si Kil ng makita niya akong pumunta sa gate.


Binuksan ko iyon at lumabas ako.Hindi ko pupwedeng papasukin si Kil sa bahay namin baka hindi ko magustuhan ang susunod na mangyayari kapag ginawa ko iyon.

"Anong meron? Bakit ka pala nandito? Ang aga pa ah." Sabi ko sa kanya.


Kita ko ang pagtataka sa mukha niya.

"Mukhang dapat ako ang magtanong sayo niyan. Anong meron? Bakit hindi ka pumasok ng tatlong araw?" Tanong niya.

Naguluhan ako sa tanong niya.Tatlong araw? Hindi ako pumasok ng tatlong araw? Samantalang kakatulog ko lang at kagigising ko lang ngayon.

"Teka! Diba kahapon napalabas ako kasi nalate ako sa last subject? Tapos kahapon tinanong mo ako kung bakit hindi pa ako nakakapasa ng project ko?" Tanong ko sa kanya.

"Nung nakaraan pa yon Jamie.Nag aalala na nga ako kung ano ang nangyari sayo eh.Bakit hindi ka pumasok ng tatlong araw.Akala ko din hanggang ngayon galit ka parin sakin dahil sa sinabi ko tungkol sa BTS mo." Sabi nito

Napahawak ako sa ulo ko.Pilit kong inaalala kung ano talaga ang nangyayari ngayon pero hindi ko magawa.

"Ah tsaka napanood mo ba yung balita about sa idol mong BTS?" Sabi niya.

Agad akong napatingin sa kanya.

"Anong balita?" Nagtataka kong sinabi.

Pinanuod sakin ni Kil yung viral na video ng BTS ngayon.Isang babaeng nakapajama ang yumakap kay Jimin.Hindi lang iyon sumakay pa sa sasakyan nila at pumunta sa BH Entertainment.


Inis na inis ako doon sa babae na iyon buti pa siya nakapasok na sa BH Entertainment at nayakap nung babae si Jimin.

Napahinto ako ng may bigla akong naalala.Babaeng nakapajama, niyakap si Jimin at pumunta sa BH Entertainment.Tiningnan ko yung suot ko at nakapajama ako.

May naaalala din akong niyakap ko si Jimin at pinagsungitan niya pa nga ako, Sinabi ni Jungkook na siya nalang yung maghuhugas ng pinggan.

Ano to? Ano tong mga alaala nato? Totoo ba to? Totoong nakita ko sila? Ako ba yung babae sa news? Pero bakit ang bilis ng oras tatlong araw? Parang imposible.


Pero kung hindi ako nagkakamali, hindi panaginip ang lahat.

Hindi panaginip ang lahat.








A/N:

Don't forget to read, vote and comment. Thankyou hehehe.

IWGTYLTFS// park.j -btsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon