IWGTYLTFS#12

14 4 0
                                    

JAMIE

2 weeks nadin ang nakalipas nang ma ospital si Jungkook. Mabilis din siyang gumaling kaya ito nakauwi na kami.

Sa 2 weeks din na yon napansin ko si Jimin na parang laging malalim ang iniisip. Madalang din kaming magkita nung mga time na yon.Sabi ni Taehyung busy daw si Jimin dahil umuwi na yung kanyang mga magulang.

Kapag naman nati tiyempuhan kong nasa ospital siya? Sa tuwing kinakausap ko siya hindi niya naman ako kinakausap. Dinededma niya lang ako yung parang wala siyang narinig. Ang iniisip ko lang na dahilan ay pagod siya kaya wala siyang time para makipag usap.

Nagtataka naman kung bakit biglaan na lang siyang ganon. Bakit parang iniiwasan niya ako?

"Tulala ka yata?"

Rinig kong sabi ni Jungkook sabay umupo sa tabi ko.

"Ah? Haha hindi naman may iniisip lang ako."

Sabi ko sa kanya kaya napatingin ito sa akin.

"Ano naman yung iniisip mo? Share mo naman."

Sabi nito at mukang naghihintay talaga sa sagot ko. Iniisip ko pa kung sasabihin ko ba talaga sa kanya kung ano dahilan o hinde.

"Sa tingin bakit at papaano ako napupunta dito?"

Tanong ko pabalik sa kanya.Napansin kong biglang naging seryoso ang mukha ni Jungkook.Pero nagulat ako kasi bigla siyang natawa at muling tumingin sa akin.

"Hindi naman ito ang unang punta mo dito. Nakalimutan mo na ba? Yung dating-"

Hindi pa natatapos magsalita si Jungkook pero biglang may kumatok sa pinto agad ko naman akong o pumuntas sa pinto para buksan iyon.

P

agkabukas ko ay bumungad sa akin si Jimin kakausapin ko na dapat siya pero nagdirediretso lang siya sa loob ng kwarto niya.

Para lang akong hangin na dinaanan niya.

Ano ba talagang problema non?

"Ayos kalang?" Tanong ni Jungkook.

"Oo ayos lang ako." Sabi ko at ngumiti.

"Hayaan mo nalang yon si Jimin baka pagod lang siya kaya ganon ang ikinikilos niya."

Sana nga ganon lang yung dahilan.

ELLAINE

Bakit ba ganon na lang ang trato sa akin ni Jimin? Parang wala kaming pinagsamahan ah?

Yung dati naman magkaibigan kami pero ngayon ganon nalang yon.Parang anlaki laki ng galit niya sakin.

May nagugustuhan naba siyang iba?

Hindi pupwede.

Kami dapat ang magkakatuluyan.

Kinuha ko ang cellphone ko at agad na tinawagan siya.

Teka bakit puro ring lang? Bakit ayaw niuang sagutin?

Nakailang dial din ako pero puro ganon ang nangyayari.

IWGTYLTFS// park.j -btsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon