JAMIE
"Sino siya Jimin?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin doon sa matandang babae na kanina pa nakatingin sa aming dalawa.Hindi ako pinansin ni Jimin at patuloy na kinausap yung matandang babae.Dinedma niya lang ako?
"Ahhh! Ano ba yon?" Sigaw ni Jimin at mukhang nainis sa ginawa ko.
Kinurot ko kasi yung tagiliran niya.Hahaha
"Mukhang sweet naman kayo ng girlfriend mo ah? Gaano naba kayo katagal?" Sabi ng matanda.
Huh? Girlfriend? Ako? Hahaha.Eh palagi nga akong sinusungitan nito eh.
Napansin kong nakatingin sa akin si Jimin.Napatingin din ako sa kanya pero agad din akong nag iwas ng tingin dahil may kung ano na naman akong nararamdaman.
Parang nagdidiwang yung kalooblooban ko.
Bakit ang cute niya? Naakit ako huhu.Hindi pwede Jamie ah? Hindi mo pa nga alam kung bakit at paano ka napupunta dito eh tapos yan pa iniisip mo.
Nakakainis yung matanda.Bakit pa kasi siya nagtanong ng ganon eh.Nailang tuloy ako bigla.May lahi siguro si Lola hahaha.Chismosa.
"Magsimula naba tayo?" Tanong ng matandang babae.
Tumango naman si Jimin.May kinuha yung matanda at inilapag sa lamesa.Bilog iyon na may lamang papel sa loob.
"Kumuha kayo ng tig isang papel sa loob"
Medyo na weirduhan ako don ah.Ang ineexpect ko may bolang kristal siya tapos cards parang manghuhula talaga. Nag improved ang mga manghuhula ngayon.
Sisilipin ko na dapat kung ano yung nakasulat sa loob pero pinalo ng matanda yung kamay ko.Sinabi nito na huwag daw munang buksan.Umupo ito sa harapan namin at hinawakan ang tig isa naming kamay sa lamesa.Pumikit ito habang hawak ang mga kamay namin.
Matagal na natahimik ang loob ng kwarto.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Jimin at dinala niya ako dito.
Maya maya pa ay dumilat na ito.Ngumiti pa ito na parang may nalaman na kung ano.
"Kapag nakadama ka ng saya sa isang tao kahit na hindi mo siya kakilala ang ibig sabihin lang non minahal mo siya.Diba sabi mo nakakaramdam ka ng kung ano kapag nakikita mo siya? Ibig sabihin lang non may relasyon kayo dati.Hindi man relasyon ng magkasintahan pero may pagmamahal.Diba nagtataka ka kung bakit may pakiramdam ka na nakasama mo na siya pero wala kang maalala? Isa lang din ang ibig sabihin non. Nagkita na kayo dati sa kung saan man.Sadyang gumagawa lang talaga ang tadhana ng paraan.May pangako kasi kayong iniwan sa isat-isa."
Sinabi ng matanda ang lahat ng iyon kay Jimin hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko.Parang may naaalala ako.Yung sa sinabi niyang pangako? May pilit na ipinaaalala yung puso ko.
Napansin ko naman si Jimin na ngayon ay nakayuko na.Napansin ko may tumulo na luha sa suot niyang damit.
Umiiyak ba siya? Bakit? Anong dahilan? Dahil ba sa sinabi ng matanda? Bakit parang over naman siya hindi naman namin alam kung totoo ba yung sinasabi ng matanda o hindi eh.
BINABASA MO ANG
IWGTYLTFS// park.j -bts
FanfictionPaano kung posible pala? Posibleng palang magkita kami. Credits to all the resources that I use in making the cover ヾ(〃^∇^)ノ [IWGTYLTFS-BTS Jimin Fanfic] ✒Written by:candreicm