IWGTYLTFS#18

21 3 0
                                    

JAMIE

Hanggang ngayon iniisip ko padin yung nangyari kanina.

"Ako yung lalaking minahal mo at hindi siya."

Napailing iling pa ako. Ang weird ng lalaki na yon ah. Pero feel ko hindi naman siya masamang tao.Kilala kaya siya ni Tita? Kamag anak kaya namin siya? Pero hindi.

Siya daw yung minahal ko. May boyfriend ba ako dati? Hala bakit hindi ko alam kung meron man? Sumasakit yung ulo ko kakaisip.Pero bakit parang baliwala lang sa akin yung kay Kil? 

Parang mas pinoproblema ko pa yung sa isang lalaki. Ugh! Basta.

Binuksan ko yung pinto at pagkabukas ko non sumalubong sa akin si Tita.

"Happy Birthday?  Happy?" Sabi ni Tita.

Tumango lang ako kay Tita. Hindi ko din alam kung bakit hindi bumuka yung bibig ko at wala man lang sinabi.

"Anong nangyari sayo? Bat parang windang ka?" Tumingin ako kay Tita. Lumapit ako kay Tita at saka humagulgol.

"Tita! Huhuhu. Andaming nangyari ngayon."

"Anong nangyari? Sige ikuwento mo makikinig ako."

Umupo kami ni Tita at saka ikinuwento ko ang lahat. Kita ko ang reaksiyon niya sa mukha niya. Ang OA

"So, ibig sabihin parang pinilit ka tapos dumating yung Prince charming? "

Tss. Sabi na eh.

"Hindi naman po sa ganon pero hanggang kaibigan lang Tita eh. Hindi ko naman pwedeng sabihing oo dahil lang sa naaawa ako sa kanya. Ayoko ng ganon. Kung gusto mo sasagutin mo siya ng wala ng kung ano pang dahilan."

Natagalan bago muling nagsalita si Tita. Ano bang nagyayari kay Tita ngayon? Bakit ang loading?

"Ano namang nangyari kay guy na sumuntok?"

"Sinabi niya Si-siya daw yung minahal ko."

Pagkatapos kong sabihin yon.Naghihiyaw hiyaw si Tita. Pinapalo palo pa ako. Kilig na kilig?

"Gwapo ba siya? Anong itsura? Nagka boyfriend kana ba?"

Iyon nga yung pinagtataka ko eh. Kung nagkaroon na ba? Wala akong maalala.

"Wala pa po."

"Oh? Bakit ganon? Kinikilig ako nak. Parang Kdrama pala buhay mo no? Ipagpatuloy mo yan ah? Ikuwento mo sakin susunod na episode bukas."

No! Noooooo! Wala nang bukas. Hindi siya babalik bukas.

Dumiretso na akong papuntang kuwarto ko.Sumilip ako sa bintana don. Nakita ko yung mga bituwin. Angganda talaga kapag gabi. Ang payapa.

Bigla nalang akong tumawa.

Ano yon? Bakit hindi ko mapigilan yung sarili kong tumawa? Sa tuwing naiisip ko yung mga sinabi niya.

"Ako yung  lalaking minahal mo at hindi siya."

Hindi ko mapigilan mapangiti na lang. Ano to? Bakit hindi ako malungkot dahil doon kay Kil? Bakit masaya ako? Bakit feel ko may kuryente na dumadaloy ngayon sa katawan ko? Hindi ako makatulog.


2 weeks later

"Jamie bilisan mo dyan! Kanina pa naghihintay si Rein dito!"

Sabi ni Tita. Heto na nga ako nagmamadaling ayusin yung mga gamit nadadalhin ko. Pupunta kaming South Korea. Napakasaya hahahaha. First time kong pupunta don.

At hindi lang iyon. Magtatrabaho kami sa BH Entertainment may hawak sa BTS hahahaha.Kaya kailangan maayos yung itsura ko kapag nakita nila ako.

Pagkatapos kong ilagay yung mga dadalhin ko ay dali dali akong bumaba.Nagpaalam na ako kay Tita at saka umalis na kami ni Rein.Pagkadating namin sa airport may isang lalaki akong nakabungguan.

Hindi ko na siya pinansin kasi nagmamadali na kami.

Nakasakay na kami sa loob ng eroplano.Biglang sumagi sa isipan ko yung lalaki nakaraan.Nasaan na kaya siya? Ineexpect ko pagkatapos ng araw na iyon babalik siya at hahanapin ako.

Teka!? Sino ba ako para hanapin niya? Baka natauhan lang yun. Nalaman na maling tao pala yung sinabihan niya. Nahiya kaya iyon hindi nagpakita.

Pinikit ko nalang ung mata ko at umiglip.

"Ako yung lalaking minahal mo at hindi siya."

"Jamie! Jamie! Huy! Gising na nadito na tayo."

Napansin ko nalang na niyugyog ako ni Rein.Ano bang nangyari? Napansin kong naglalabasan na pala yung mga tao. Huh? Nandito na kami?

Biglang nagising yung diwa ko ng maalala kong makikita na pala namin sila waaaaah! Salamat talaga at dito kami na assigned hehehe.

Pagkalabas ko ay nalanghap ko agad ang hangin. Malamig na klima waaah! Hi Korea!

"Halika na! Baka iniitay na nila tayo doon!"

Sabi ni Rein at saka kami nagpatuloy sa paglakad.Napansin namin ang isang van doon at may sumenyas sa amin .

Dali dali kaming pumunta doon at saka sumakay. Nang makaalis na kami sa airport makikita mo ang nagtataasang building sa Seoul hahahaha.

Angganda talaga ng Korea!

Huminto ang sasakyan namin sa harap ng isang building. Dito na siguro yon. Pagkababa ko ay may nakita akong lalaking naka mask.Napatingin ako sa hawak niya.

Yung Notebook na hawak niya.

Kulay pink at may picture ng mga BTS?  Akin yun ah? Hindi ako pupwedeng magkamali kasi yung pagmumukha ko nasa cover. Waaaaaah!

Lumapit ako sa lalaki at saka hinablot yung notebook.

"Ba-bat nas sayo to?" Tanong ko doon sa lalaki na naka mask.

Tinanggal niya yung mask niya at what da? Teka? Parang pamilyar siya sakin. Parang kilala ko siya.

Nakita kong nakangisi siya.

"Te-teka? Na nagkita naba tayo?" Tanong ko sa kanya.

"Ako? Ba malay ko sayo. Hindi nga kita kilala eh." Sabi nito at saka tumuwa.

"Ako yung lalaking minahal mo at hindi siya."

Ah! Oo siya ngayon! Anong ginagawa niya dito? Sinusundan niya ba ako dito? Bakit naka mask siya? Artista ba siya o Kpop? Pamilyar din yung mukha niya eh. Bakit nasa kanya tong notebook ko?

Nagulat ako sa nakita ko. Nakita ko yung picture ng BTS sa notebook ko at bakit parang kamukha niya si Jimin?

"Jimin! Hyung!" Sigaw ng isang lalaki.

Jimin? Park Jimin?

Lumapit yung lalaki sa kinatatayuan namin. Teka ulit? Si Jungkook to diba?

"Tama ba tong nakikita ko? Jamie?  Ikaw ba yan?"

Huh? Kilala din ako pati ng lalaking to?

Ano ba talagang nangyayari? Bakit kakilala nila ako?

---

IWGTYLTFS// park.j -btsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon