Peace.
Silence.
Clear blue water.
Nasa ilalim ako ng tubig sa swimming pool namin. Nakadilat ang mga mata. I like the feeling of the calm water, one of the reasons why I love to swim.
Napansin ko ang dalawang anino sa ibabaw ng tubig kaya umahon ako. Nakatayo doon si Papa at Deacon.
"Pa." bungad ko.
He squatted. Nasa pool pa kasi ako, hindi ako umalis sa tubig. "I'll be away for two days."
"Saan po kayo?"
"Tutungo akong Davao to finalize a business deal."
Tumingin ako kay Dea na nakapamulsa lang sa tabi niya. "Kasama si Deacon?"
"No." umiling siya. "Your brother will handle the company while I'm away. I need you to help him okay?"
"Opo." I assured him with a smile.
Nilagay ni papa ang kamay niya sa ulo ko. "Will you be okay habang wala ako?"
"Pa." I pouted. Ayan na naman siya. "Kasama ko naman po sina Deacon at Griffin saka malaki na po ako. I can take care of myself."
"You can't cook." he said a matter of fact.
"Nandyan po si manang."
Mahina siyang tumawa pero agad namang pinalitan ng matang nag-aalala. "Alis na ako at umahon ka na d'yan." hinalikan niya ako sa ulo bago tumayo.
"Five minutes more."
He was always worried every time I swim. Naiintindihan ko naman. He's just scared. But I want this. May hinahanap ako na sa tubig ko lang makikita. I really can't understand it. All I know is there's something in the water. There is a connection. I can feel it.
"Be a good girl." ani papa. "Take care of your sister Deacon."
"Always pa."
Napangiti ako sa sinabi ni Dea. He's always like that. Magkaiba sila ni Griffin. He's not showy, pero kahit na ganun alam ko namang he's always looking out for us like what a big brother always do.
"Bye pa ingat po sa byahe! Love you!" pahabol ko nang papasok na siya ng kotse.
Sinundan ko sila ng tingin paalis ng gate. Bumalik agad ako sa ilalim ng tubig.
Lumangoy langoy ako at dinama ang pakiramdam na nakalutang sa tubig. Napansin kong nasa gilid lang pala si Kieffer. I met his intense gaze. Kanina pa ba siya d'yan?
I hold my breath again and went under the water. Nang umahon ako sa tubig nakatitig pa rin siya sa'kin.
His stare is making me nervous.
I placed my hands on the tiles and lifted myself up. I didn't use the stairs kasi alam kong pagmamasdan niya lang ako. Hinanap ko ang tuwalya ko at nakitang doon ko pala nilagay sa lounge chair.
What's worse? Dun lang naman siya nakaupo. I have no other choice.
I feel so uncomfortable with those piercing eyes looking at me. Nadagdagan pa ata yun nang maalala kong naka two piece lang pala ako.
Lakas loob akong rumampa sa harap niya. Aba hindi ko ipapahalata na ganun na lang ang epekto niya sa'kin!
Tumayo siya at binigay sa'kin ang tuwalya ko.
"Thanks." but I would have appreciated it more kung binigay mo na lang sa'kin, kaysa naghintay ka pang malapit na ako sa lounge chair.
Nanatili ang titig niya sa'kin habang nagpupunas ako. "Ganyan ba lagi ang suot mo tuwing lumalangoy ka?"
BINABASA MO ANG
Wedding Ditcher
RomansaBET SERIES #2 Evergreen Flickerwood have always known that her life is perfect. Everything is the way she wants it to be until her fiance cheated on her, again. Having previously ditched a wedding, her current situation was no exception. She thinks...