TWENTY SIX

32 1 0
                                    


I left him there because he gave me a silent reply.

Not even a word.

I'm only hoping he didn't follow me on my way here to Maddison's apartment.

I wonder kung nasundan ni mama si Griffin. It would be very awkward and complicated on my part, ewan ko lang kay Kief.

Mas lalong gumulo ang mga pangyayari. Yung hindi ko pagiging tunay na Flickerwood. Kung sino ang ama ko. Ang ina ko na ina rin ng boyfriend ko.

Hindi ko na alam kung alin ang pagtutu-unan ko ng pansin. Pati nga pamilya ko iniiwasan ko, ngayon dumagdag pa si Kieffer. May sasali pa kaya sa listahan ko?

Nakatulog ako sa dami ng iniisip kong problema at dahil na rin sa pagod.

A call from Lori woke me.

"Ano?" I hissed.

It took two seconds for the other line to respond. "Bad mood? Kakagising mo lang ba?"

"Kakagising mo mukha mo. Ginising mo talaga ako!"

"At this hour? Seryoso? Evergreen it's already one fifteen in the afternoon. Hindi ka ba tumitingin sa oras?"

Inuubos talaga ng babaeng 'to ang pasensya ko. "Natutulog nga yung tao 'di ba?"

"Kahit alarm clock man lang?"

"Umaga na kasi ako natulog kamahalan! Bakit ka ba tumatawag? Sinisira mo yung araw ko e! Matutulog na-"

"Wait!" she yelled loudly. "H'wag mo munang ibaba. Party tayo mamaya. Nics will be there and Maddy won't go without your permission."

Ano ba... pagod ako. "Hindi ko siya responsibilidad."

Lorianne growled. "Duh you're her boss. Obviously she has work to do and your word is important."

"Fine, fine pumunta kayo. Bye matutulog na ako-"

"Evergreen! Ano ba, tinawagan kita hindi lang dahil para payagan mo si Maddy kundi dahil sasama ka sa'min. The four of us has to go."

Kailan ba ako titigilan nito. "Look... I'm tired. I just wanna sleep and rest."

"Then sleep and rest. Gabi naman tayo mag pa-party hindi umaga. Alam kong pagod ka sa trabaho, kayo ni Maddy. C'mon bitch, you need to loosen up."

Bumuntong hininga ako, trying to think it through. Hindi naman kasi trabaho ang sanhi ng pagod ko. But I also need to stop thinking about everything that has been happening to me lately.

"On one condition. Kunin mo kami ni Maddy dito sa apartment niya, sabay tayong aalis."

I can imagine her making a victorious smile. "Sure thing."

Nagtipa muna ako ng mensahe para kay Maddy na mag-undertime ngayon kasi aalis kami mamaya. Pagkatapos ko itong masend, natulog ulit ako.

A loud thumping sound was heard outside. Tiningnan ko ang oras sa wall clock. Apat na oras lang ang lumipas mula nung tumawag si Lori kanina. Dinig ko ang pagsara ng pintuan sa kwarto ni Maddy.

Umalis ako sa higaan at agad pumasok sa banyo para maligo. Pagkatapos kong magbihis, lumabas ako sa kwarto at nadatnan si Maddy na nagluluto sa kusina.

"Kanina ka pa?" tanong ko. "Until what time ka sa trabaho?"

"Four lang."

Binuksan ko ang ref at kumuha ng baso at pitcher. "H'wag ka ng magluto, baka kakain tayo mamaya."

"Snack lang 'to. By the way meron akong bagong sinend sa'yo sa email, pero konti lang since hindi mo naman magagawa ang mga 'yon ngayon kasi aalis tayo. You were very productive last night too. Ang dami mong natapos. Maybe Kieffer's name is the key."

Wedding DitcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon