THIRTY

38 1 0
                                        


All eyes were on me.

Mabilis na napatayo si mama lalo na si papa na humakbang palapit sa'kin.

I took a step back. "Pa, you seem to have forgotten your promise."

"Ever." huminto siya. "Pwede ba tayong mag-usap muna?"

"NO." pinal at nakadiin kong sabi.

Biglang sumali sa usapan si Kieffer. "Ako na lang po ang kakausap kay Evergreen."

"At isa ka pa." kalmado pero may halong galit sa boses ko. "All of you know that my no is a no. Siguro simple naman yun intindihin 'di ba?"

I took a glance at my brothers before I turned around and left the living room. Deacon was calm but Griffin seemed sad, he had a smiling face before I came in the picture. He was looking intently at our mother. Bata pa kasi siya nung iniwan kami ni mama kaya siguro sobrang saya niya na nakita niya ulit ang ina namin.

I can't blame him if he missed her so bad.

Wala naman sigurong anak ang hindi namiss ang ina niya pagkatapos siya malayo nito ng ilang taon. Siguro ako, kasi mas umaapoy ang galit ko kaysa sa pagmamahal ko sa kanya.

Can you blame me also?

Tumakbo ako papuntang kwarto para hindi nila ako maabutan. I locked the door and hurriedly went to the balcony, thinking.

What now? I don't wanna talk to her.

Ito na nga ba ang sinasabi ko. Mahirap tumakas kapag nandito sa mansyon. It would have been easier if this happened outside.

A knock from my door and my name called made a sound inside the room.

Mabilis akong lumapit sa pinto. "Ano? Hindi ako lalabas dito hanggang sa 'di siya aalis."

"Anak mag-usap muna tayo, buksan mo 'tong pinto."

Nag-isip ako saglit. "No."

"Evergreen h'wag matigas ang ulo. Ikaw ang magbubukas o ako, gamit ang spare key."

I had no choice, kaya binuksan ko ito at sumilip saglit kung may iba siyang kasama.

Griffin was beside him. "Bakit nandito 'yan?" tanong ko kay papa.

"Buksan mo nuna 'to." matigas at seryosong utos ni papa, kaya wala akong nagawa.

Sinara ni Griffin ang pinto at inilock nang makapasok sila.

"Kaya pala hindi ka na tutol sa relasyon namin ni Kiefer, pinagkaka-isahan ninyo pala ako."

"Anak hindi ko alam na pupunta pala dito ang mama mo."

Huh, pakana pala ito ng walangya kong nobyo. "But you let them in."

"Your boyfriend begged Ever." he paused. "Kaya ko dinala ang kapatid mo to let him talk some sense into you. I've done everything I could do, but your heart is still as hard as stone."

Tinapik niya ang balikat ni Grif at lumabas sa kwarto ko.

Tinaasan ko ng kilay ang kapatid kong nanatiling nakatayo sa aking harap. "So? Aren't you gonna talk?"

"Evergreen please."

"You know I loathe her Grif! At sa lahat ng taong kakausap sa'kin ikaw talaga? Griffin iniwan ka niya, ako at si papa. What made you think I'd listen to you when even papa wasn't able to do it."

"I'm just hoping for a chance." his voice turned soft. "A chance for our family. Ayaw mo ba nun? Ang makakasama na natin si mama? Yung palagi na tayong nagkikita? Ayaw mo ba maging masaya ulit tayo?"

Wedding DitcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon