ONE

111 3 0
                                    

Hindi ako umiyak. Ba't naman ako iiyak? He's not worth my tears. These are precious.

Tiningnan ko yung picture nung una niya akong niloko. May kasama siyang babae, kayumanggi ang kulay ng buhok at naka-side view sila, kaya medyo nakita yung mukha ng babae.

Sa pangalawa naman, naka-side view pa rin sila pero 'di mo makikita yung mukha ng babae kasi naharangan ito ng kamay ni Rex na nakahawak sa pisngi niya. At yung last picture, nakatalikod yung babae sa camera.

I figured out that the woman on the second and third picture, are the same. Both have black and curly hair, so does Hillary. Ba't 'di ko yun napansin?

All this time si Hillary pala yung babae niya na fiancée ni Deacon, my older brother.

I asked the concierge kung may ibang babae bang pumupunta sa condo ni Rex. At ang sabi niya, ako lang daw at si Hillary. And the best part? Hillary goes to Rex's condo thrice a week! Galing no?

Kinuha ko yung phone at tinawagan ang kaibigan ko. "Dana Lorianne, is my gown ready?"

"Yeah." sagot niya sa kabilang linya. "Itutuloy mo talaga no?"

"It'll be fun."

Tumawa siya. "Go girl!" nasabihan ko siya sa nangyari kagabi. "Dadalhin ko 'to d'yan. I'll be there in thirty minutes."

"Hindi mo naman kailangan magmadali. Let them wait. I'm still the bride after all."

Pinatay ko yung tawag at may tinawagang iba, my best friend slash secretary.

"Peppa Pig." bati ko.

Agad siyang sumagot. "Stop calling me that. It's Peppa Maddison not Peppa Pig! Nasan ka na ba? You're one hour late Ever!" yeah, she doesn't know.

Sinabihan ko sina Lori at Nicaredge sa nangyari sa condo ni Rex, at sa plano ko. Hindi ko siya sinabihan kasi 'di rin alam ni papa at ng mga kapatid ko kung ano ang plano ko. Since she's also my secretary, I'm sure they'll ask her and knowing Maddison, hindi 'yon magaling magsinungaling.

She sometimes reminds me of Bliss, they don't have the gift of lying.

"Chill Maddy, nagkaproblema lang sa wedding gown ko." I lied.

"Ever naghihintay na silang lahat dito! Bilisan mo!" kung makapagsalita parang 'di ko secretary no?

"Okay okay I will, sige bye na." I ended the call.

I'm excited.

Sabi ni Lori kalahating oras daw dadating na siya, pero forty five minutes na yung nakalipas at wala pa rin siya. Nah it's okay. Bahala silang mahintay doon. I took out my phone and dialed Nicaredge's number.

"Nics okay na?" tanong ko.

"Yeah everything's set. Ever you should see Maddy's face. Instead na maawa ako, pinagtawanan ko pa siya." she laughed. "Sobrang problemado niya kasi magdadalawang oras na at wala ka pa rin. Nakakaawa siyang tingnan, pero gaya ng sabi mo..."

"Don't tell her, yeah." dugtong ko.

"Papunta ka na ba?"

Tiningnan ko yung oras. "Wala pa si Lori e, hinihintay ko pa yung damit ko."

"Baka na-traffic, sige bye na. Bilisan mo, pati ako na bo-bored na rin dito."

May naisip akong kalokohan. "Nand'yan naman yung boyfriend mo, why don't you guys have a quickie while-"

"Evergreen Liangel!" as expected. "Mag hunos dili ka nga!"

"What?" inosenteng tanong ko.

Huminga siya ng malalim. "Pati ba naman ikaw nahawaan na rin ni Lori? And for your information, gagawin lang namin ang bagay na yun pag kasal na kami."

Wedding DitcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon