THREE

64 1 0
                                    


Nakasalubong ko si Manong Norman nang makapasok ako sa gate ng mansyon namin. Galing kasi akong nagjogging sa labas, d'yan lang sa neighborhood.

"Aalis po kayo manong?"

Ngumiti siya. "Oo Lia, day off ko ngayon." sagot niya.

Matagal ng nag se-serbisyo si manong sa'min, bata pa lang si Deacon at hindi pa kami nailuwal ng ina namin dito sa mundo.

"Sige po ingat kayo!"

"Salamat, o sige alis na ako. Magpakabait ka dito Lia ha?"

If you're wondering why manong calls me Lia. It's from my second name Liangel. Bata pa lang ako yun na ang tawag nila sa'kin. I don't know why, I didn't bother to ask.

Sila lang ni manang, ang tumatawag sa'kin ng Lia. Matagal na rin kasi silang nag ta-trabaho dito. Yung iba na hindi pa masyadong matagal ay Ever lang ang tawag sa'kin minsan naman ma'am.

Habang naglalakad papunta sa mansyon nakita ko rin yung gardener namin. Obviously, hindi siya yung kagabi. Payat ang gardener namin and Kieffer has a well-toned body.

Nang makapasok ako sa loob isang hagis ng t-shirt ang sumalubong sa'kin.

"What the heck Grif!" walang hiya talaga 'tong kapatid ko!

"Magbihis ka raw ng maayos kasi may bisita tayo."

Naka sports bra at sweat shorts lang kasi ako. Napansin ko rin si Griffin na naka t-shirt. Usually kasi naka boxers lang 'yan kapag nasa bahay at ako naman naka short shorts at spaghetti strap, minsan naman bra lang.

Galing ako sa jogging kaya naka sports bra lang ako. Besides ganito na kami ni Griffin noon pa, except kay Dea. Well, old habits die hard.

Sinuot ko yung t-shirt na bigay ni Grif at umupo sa hapag kainan.

"Kieffer will join us?" I asked Deacon.

Tumingin siya sa'kin. "Sabi ni papa." so ayaw niya? "Kaya kayong dalawa, dress decently. Mahiya naman kayo sa bisita natin. Especially you Ever, babae ka."

What does he mean by that? Tumawa naman ang walangya kong kapatid kaya tinapakan ko yung paa niya.

"Aray!" he whined.

Biglang dumating si papa. "You two that's enough, agang-aga ganyan na agad kayo."

"Kasalanan niya!" Grif and I pointed at each other.

"Alis muna ako, pupunta lang ako sa kompanya saglit."

What? Is he serious? "Pa it's Sunday, tapos mag ta-trabaho ka? Can't you rest just for today?"

"Si Dea dito lang?" singit ni Griffin.

Inayos ni papa ang suot niya. "Ever saglit lang ako doon uuwi rin ako, and Grif yes dito lang si Dea pero ihahatid niya ako since day off si Manong Norman."

Hmmm that gave me an idea.

"Pa pupunta ako sa mall may bibilhin lang ako na damit. Can Grif go with me instead?" alam kong nakasimangot na ang kapatid ko ngayon. "Si manong kasi lagi yung nag a-accompany sa'kin tuwing nag sho-shopping ako, kaso wala siya."

"Okay." simpleng sagot ni papa.

In three, two, one- "Ayoko!" reklamo ni Grif

"Just go with your sister Griffin. Alis na ako. Let's go Dea."

I looked at Griffin evilly. Pay back time.

Ang sarap niyang kunan ng litrato, pero h'wag na baka mas lalong sumimangot. Kanina pa kasi nakasimangot si Griffin. Well simple lang naman ang pinapagawa ko e, gawin siyang alalay for today.

Wedding DitcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon