TWO

94 3 0
                                    


"Ever!" napalingon ako sa tumawag sa'kin.

Limang minuto na akong naghihintay sa kanya dito sa airport.

Kakagaling ko lang sa vacation sa Boracay. Papa couldn't fetch me so is Deacon. Ang mga kaibigan ko naman 'di na ako nag-abala kasi magkikita pa kami mamaya tapos magpapakuha pa ako?

I was left with no choice but to ask Griffin to fetch me here. Pero ang walang hiya kong kapatid, ayaw akong sunduin kasi inaantok pa raw siya. Well it's four in the morning, pero kahit na! Buti na lang pumayag si Jace na kunin ako dito.

"Thank you so much Jace." salubong ko sa kanya. "Pinayagan ka ba ni Zelda?"

"Syempre pumayag. Magkaibigan pa rin naman tayo pagkatapos ng nangyari. Besides, you're friends right? Ilang beses na nga kayong nagbonding ng asawa ko."

I chuckled. "Yeah pero minsan kasi feeling ko-"

"Feelingera ka kasi." putol niya.

Hinampas ko ng mahina yung braso niya. "'Di ka pa rin nagbabago."

Dala niya yung bag ko na mabigat. Gentleman talaga nito. Walang wala si Aoarex sa kanya. Sayang at 'di ako na in love kay Jace, but what we shared in the past was fun. Ang swerte ni Zelda sa kanya.

"Kamusta na pala ang mag-ina mo?" tanong ko nang makapasok kami sa kotse niya.

He started the engine. "They're good. We are." a smile escaped from his lips.

Pati ako napangiti na rin. "Ilang taon na nga pala si Erie?"

"She's still one. Ang kulit nga e."

"Matagal ko na siyang hindi nakikita. I'm sure she doesn't remember me. Kailan nga ba ulit yung birthday niya?"

Umiling siya. "Hindi ka dumating nung birthday niya." he tsked. "Bad ninang."

"Busy kasi ako at saka nagbigay naman ako ng gift a." inirapan ko siya.

"Bumawi ka na lang pag malaki na siya, at maaalala ka nun as the ninang that never shows up on her birthday and then she'll hate you." tawa niya.

"You know what, sometimes I wonder why Zelda said yes to you."

"Cause I'm awesome and handsome." right.

Mananahimik na lang ako. 'Di pa rin talaga nagbago yung gago.

We arrived at my home and said goodbye to each other. Nag thank you na rin ako, I really owe him.

Madaling araw pa, kaya nagpasya akong matulog ulit. Isang kasambahay lang yung gumising at tinulungan ako sa bagahe ko.

I went upstairs and walked towards my room. I could even hear Griffins snore. Tss sarap lagyan ng electrical tape ang bibig.

Agad akong humiga nang makarating sa kwarto ko. Nakakapagod talagang bumiyahe. Kinuha ko yung phone ko at nag set ng eight a.m. na alarm. Nang makagising ako agad akong naligo. Pagkatapos kong magbihis binlow dry ko yung buhok ko nang-

"Griffin!"

Langyang kapatid!

My light brown hair is now covered with white powder. At san siya galing? Sa blower ko lang naman. Kakarating ko pa nga lang, na prank na agad ako! Inalis ko yung natitirang harina sa blower ko at bumaba.

"Pa!" padabog akong umalis sa kwarto ko at bumaba sa hagdanan.

As usual nasa hapag kainan sila. Si Deacon parang wala lang narinig. Si papa naman lumingon sa'kin at si Griffin, nakangisi.

Wedding DitcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon