Sumama ako kay Kief kagabi not knowing where he'd take me.
"Anong ginagawa mo doon? Were you partying too?"
He took a left turn. "I went there to take you home."
"Paano mo nalaman nandun ako?"
"Snapchat ni Lorianne."
Kasalanan mo pala Lori. "Do you plan on taking me home?"
"Where do you want me to take you?"
Alam kong alam na niya na hindi na ako umuuwi sa mansyon. Hindi rin ako tanga para sabihin sa kanya na kay Maddy ako nakikitira ngayon.
I know he's asking so he'll know where I'm hiding. "Any hotel, basta h'wag mo akong iuwi sa mansyon."
He can tell that I'm not falling into his trap. I maybe drunk but anger is taking over me.
We didn't talk inside his car, we were silent the whole ride.
Inuwi niya ako sa condo niya. Pagkatapos niyang magpark, sabay kaming sumakay sa elevator. This time he's no longer holding my hand. Binabawi ko kasi tuwing hahawakan niya, natatakot ako baka ilipat niya ang kanyang kamay sa baywang ko.
Iniiwasan ko lang habang may kontrol pa ako sa sarili ko. Naka-inom pa naman ako, baka may mangyari. Ayaw kong matulad nung unang beses ko.
I took a step back while he unlocked the door to his unit, keeping the large space between us.
I spoke when we got in. "Where do you want me to sleep?"
"In my room." he stated.
I faked a smile. "I'm not sleeping beside you. Dito na lang ako sa sofa."
Ginulo niya ang kanyang buhok dahil sa sinabi ko. "Doon ka sa kwarto ko, dito ako sa sofa. Understood?"
"Bihis lang ako, pahiram ng damit mo." umalis ako at hindi na hinintay na pumayag siya.
Kapag dito ako natutulog at wala akong dalang damit, nanghihiram ako palagi ng t-shirt at boxers niya.
Binuksan ko ang pintuan nang matapos. "Magbihis ka na." dumiretso ako sa sala at hinayaan siya.
Kanina kating-kati akong sampalin siya at isabi lahat ng mga masasakit na salita. Siguro napagod ako kaya ngayon wala akong lakas para gawin yun.
Mabilis akong lumingon sa kwarto niya nang bumukas ito. Ang dali niyang nakabihis.
"Matutulog na ako." I walked past him when he quickly took my hand.
"Baby please." his voice so gentle. "Let's talk."
Pinakalma ko muna ang sarili ko bago siya hinarap. "Pagod ako, bukas na lang."
That was a lie.
"Nakakatulog ka ba ng maayos sa sitwasyon natin? Kasi ako hindi."
Dapat na ba akong maawa sa kanya? "Too bad, nakakatulog ako ng mahimbing kahit magkagalit tayo."
Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa'kin. "Goodnight Kief."
I turned around, went inside his room and slammed the door shut.
Walang akong planong makipag-usap sa kanya. I woke up early at five in the morning, to make sure he'd still be asleep once I leave.
Hindi pa nag ala sais ng umaga nakarating na ako sa apartment ni Maddy, wala pa kasing traffic ngayong oras kaya mabilis akong nakabalik.
BINABASA MO ANG
Wedding Ditcher
عاطفيةBET SERIES #2 Evergreen Flickerwood have always known that her life is perfect. Everything is the way she wants it to be until her fiance cheated on her, again. Having previously ditched a wedding, her current situation was no exception. She thinks...