Accidental Kiss

6.7K 95 47
                                    

Naglalakad ang babae sa labas ng set ng taping nila ng bigla siyang madulas sa hagdan dahil sa yelo. Mabuti na lang at nahawakan siya ng lalaki.

Babae: Di ba pinaalis na kita?

Lalaki: Sabi ko hihintayin kita.

Babae: Bakit? Bakit mo pa ako hinintay?

Lalaki: Dahil gusto kong protektahan ka.

Babae: Protektahan saan? Di ba nga bobita ako. Pag di ka nagpaliwanag, hindi ko mage-gets. Magsabi ka ng dahilan kung bakit mo ginagawa 'to.

Lalaki: (malalim na buntong-hininga)

Babae: Pinagtitripan mo lang ba ako o gusto mo akong malito kaya pinaglalaruan mo ang damdamin ko o nakukunsensiya ka dahil sa pagkukumpara mo sa akin sa ex mo na kamukha ko? Masisiraan ako ng bait dahil sayo.

Tumalikod ang babae sabay lumakad palayo. Huminto at lumingon.

Babae: Ayaw mo sakin di ba yun ang sabi mo. Yung tibok ng puso mo di bumibilis pag kasama mo ako. Hindi ka nag-aalala sa kalagayan ko. Ayaw mo rin tumanda na ako ang kasama mo. Panakip butas mo lang ako sa ex mo.

Tumalikod siyang muli, naglakad at lumingon muli.

Babae: Gusto kong magkaliwanagan tayo. Wala na kong gusto sayo. Dahil sa ginagawa mo sakin, ayoko na. Ayoko na sayo. Sana mawala ka na sa paningin ko. Ay mali! Sana mawala ka na sa buhay ko. Please lang. Alam mo ba na masyado kang makasarili? Kasakiman yang ginagawa mo.

Tumalikod siyang muli at naglakad. Biglang nagliwanag ang paligid. Napatigil siya. Tinignan ang paligid habang isa-isang sumisindi ang mga ilaw. Lumingon siya. Bigla siyang nilipad pabalik sa kinaroroonan ng lalaki. Napayakap siya dito.

Babae: Matteo Do, anong gagawin mo?

Lalaki: Ipakikita ko sayo, ang kasakiman ko.

Dahan-dahang inilapit ni Matteo ang kanyang labi sa labi ni Steffi nang biglang may kung anong tumama sa kanila. Isang... Libro!

"Aray! Sino ba yang ..." May librong biglang nahulog sa ulo ko. Masakit. Napangudngod ang nguso ko sa keyboard ng PC.

"Oops! Sarree!" sabi ni JM.

"Jose Miguel! Sinira mo yung moment ko! Yun na e! Ano ba kasi ginagawa mo diyan?" Inis na sabi ko sa kanya.

"Utang na loob Juliana Encarnacion! Ilang beses mo na bang napanood yang My Love From the Star na yan? Kahapon nakita kita pinanonood mo rin yang same na scene na yan." Sagot ni JM habang hinahalukay ang mga gamit sa ibabaw ng computer stand.

"O, e ano ngayon? Ano ba kasi ang ginagawa mo dito sa kwarto ni MC?" Naiiritang tanong ko kay mokong.

"May hinahanap ako. Pagpatuloy mo lang yang panonood mo ng alien na na-inlove sa artista. Sana mahanap mo ang alien mo." Pahabol na pang-aasar ni JM bago siya tuluyang lumabas.

Ako si Juliana Encarnacion Marquez pero Encar ang tawag nila sa akin. 12th grade sa Jade Valley Academy. Hopeless romantic daw ako. Sabi nila, obsessed daw ako sa ideal first kiss ko. Hindi naman talaga ako obsessed. Gusto ko lang na pag nangyari yun, perfect ang lahat.

Yung sumira ng moment ko kanina, si Jose Miguel Del Rosario yun. Pero JM lang daw ang itatawag sa kanya. Walang labis, walang kulang. 12th grade din siya sa Jade Valley Academy. Mas matanda siya ng isang taon sa akin pero kinailangan niyang tumigil ng pag-aaral dahil naaksidente siya noong 10th grade siya at hindi nakalakad ng halos isang taon. Kuya siya ng matalik na kaibigan kong si Maria Carmencita Del Rosario or MC for short. Papatayin ako nun kapag narinig niya na tinatawag ko siya sa buo niyang pangalan. Ang cute lang ng mga pangalan namin hindi ba? Magkakaibigan din ang mga magulang namin. At napagtripan nilang gawing makaluma ang mga pangalan namin.

The Making of a Perfect First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon