Hindi ako pumupunta kina MC kahit gustung-gusto ko nang makigamit ng computer nila. Masama pa rin ang loob ko dahil pareho na naman kami ng gusto at alam kong lamang siya sa akin. Nakatambay lang ako sa labas ng bahay namin. Biglang lumabas si JM mula sa bahay nila.
Siguradong may handa na naman 'tong pang-asar sa akin. Tumayo ako at akmang babalik na sa loob ng bahay pero hindi ako nakaligtas sa mga matang-lawin ni JM.
"Juliana Encarnacion! Hindi ka ata tumambay dito sa bahay. Nag-away kayo ni MC?"
"Hindi. Wala lang akong gana ngayon."
"Wow! Bago yun ha! May sakit ka?"
"Wala! Sana ikaw ang magkasakit para mapahinga naman ang pang-aalaska mo sa akin. Teka, ano bang ginagawa mo dito sa labas?"
"Unang-una, hindi kita inaalaska. Sadyang hindi lang tayo magkasundo dahil kakaiba ang mga trip mo. Pangalawa, nandito ako sa labas kasi hinihintay ko si Javi. Pupunta daw siya dito kaya inaabangan ko kasi baka maligaw."
"Pupunta si Javi? Sa inyo?" Excited na tanong ko.
"Actually, nandito na siya. Sa likod mo." Sabay nguso ni JM sa likod ko.
"Hi!" Bati ng mala-anghel na boses ni Javi.
Nilingon ko siya. Parang nagliwanag ang buong paligid nang makita ko siyang nakatayo sa harapan ko. "Hi." Maiksing bati ko sa kanya.
"Buti hindi ka naligaw, bro." Nabangga pa ako ni JM ng lumapit siya kay Javi at inakbayan niya ito. "Tara sa loob!" Yaya ni JM kay Javi.
"Kasama ba natin manonood si Encar kaya siya nandito?" Tanong ni Javi.
"Ay hindi. Dyan lang siya nakatira sa kabilang bahay. Nakatambay lang kaya siya nandito."
"Nanonood ka ba ng football Encar? Gusto mo manood kasama namin tutal nandito ka na rin naman?"
"Ha. Oo ba. Nanonood ako nun!" Wala kaabog-abog kong sabi kay Javi. Hala! Ano ba 'tong pinagsasabi ko. Wala naman akong alam dun. Si papa ang mahilig dun e.
"Yun naman pala e! Sakto, marami akong dinala na chips at soda. Ok lang naman sumama si Encar sa atin di ba JM?"
"Oo ba. Kung maiintindihan niya yung panonoorin natin." Kumindat si JM sa akin sabay hatak kay Javi papasok sa bahay nila.
Relax Encar. Parang basketball lang yan. Hindi na nila mapapansin na hindi mo alam. Kinumbinsi ko muna ang sarili ko bago ako sumunod kina Javi at JM.
Pagpasok ko sa sala ay nakaupo na sa sofa si MC. Parang matatalas na kutsilyong nagliliparan sa harap ko ang kanyang tingin sa akin. Buti nailagan ko silang lahat. Tinignan ko din siya ng masama.
"Hindi ko alam na nanonood ng soccer si Encar." Paunang bati ni MC sa akin.
"Marami kang hindi alam tungkol sa akin." Sagot ko sa kanya.
"Anong favorite mong team?" Nanunubok na tanong ni MC.
"Barcelona!" Mabilis na sagot ko sa kanya. Buti na lang nakipag-agawan ako ng remote control sa papa ko noong isang linggo kaya nakita ko yung naglalaban na teams. "E ikaw, anong favorite team mo?" Pagkakataon naman ni MC na malagay sa spotlight.
"Ch-Chelsea." Kinakabahang sagot ni MC.
Meron bang Chelsea? Tumingin ako kina JM at Javi para tignan ang kanilang reaksyon. Normal lang. Hindi naman sila natawa. Ibig sabihin tama ang sagot ni MC. Aba! Magaling ka sa hulaan ha.
"Sino paborito mong player?" Ayaw paawat na tanong ni MC.
Tsk! Tsk! Sabi ko na nga ba! Dapat hindi na ako nagsalita e! Wala akong kilalang player ng Barcelona. Wala akong kilalang player sa kahit anong team maliban sa Azkals. Nag-isip ako. Binuklat ko ang virtual magazine sa isip ko at nilipat-lipat ang pahina. Sakto sa isang page ng UNICEF bida ang isang player na nagpunta sa Tacloban. Naka-pin ang page na yun sa memory card ng isip ko dahil guwapo ang player. May silbi din pala ang pagiging chismosa ko.
"Si Davis Beckham!" Pasigaw kong nasabi.
Napatingin sa akin sila Javi at JM. Nagbutil ang pawis sa noo ko na dahan-dahang tumulo sa gilid ng pisngi ko.
"Baka David! Hindi naman taga-Barcelona si Beckham tsaka hindi na naglalaro yun." Sabi ni JM na nagpipigil ng tawa.
Para akong nakainom ng suka. Bigla akong namutla sa pagkapahiya. O-M-G. Pwede na ba akong mag-evaporate ngayon? Bakit naman kasi yung last name lang ang naalala ko. Shocks! Kelangan kong makaisip ng palusot. Nainis ako nang makita ko kung paano ngumiti si MC.
"Umpisa na!" Excited na sigaw ni Javi.
Lahat ng attention ay napunta sa TV. Hay salamat. Ligtas na ako. Napasandal ako sa sofa at napahinga ng malalim.
Hindi ko na namalayan kung gaano kami katagal nanood. Nakatuon lang ang pansin ko kay Javi. Paminsan-minsan ay nadi-distract ako kay MC na panay ang dikit kay Javi. Naroong bigyan niya ng tubig, chips, at kung anu-ano pa. Sa wakas ay natapos din ang game. Sana hindi na nila maalala ang blooper ko kanina.
"Ang ganda ng game no?" Sabi ni JM.
"Oo nga. Nag-enjoy ka ba Encar?" Bigla akong tinanong ni Javi.
Kasalukuyan akong sumusubo ng Pringles nun. Nagulat ako at nabulunan sa tanong ni Javi. Kinabahan din kasi ako na baka may itanong pa siya sa akin na hindi ko alam. Napaubo ako. Nagmamadali si MC na iabot ang bukas na lata ng Coke. "Ok ka lang? Ito uminom ka muna." Tinapik-tapik niya ang likod ko.
Napangiti ako habang inaabot ang Coke. Sabi na concerned pa rin sa akin si MC kahit na magkaribal kami. Sa totoo lang, araw-araw pa rin naman kaming nagkakasama ni MC dahil pareho kaming bumubuntot kay Javi na lagi namang kasama ni JM. Fantastic Four na nga ang tawag sa amin sa school. Magkasabay kami mag-lunch, sabay umuwi at minsan magkakasama din kaming maglakwatsa. Hindi nga lang kami nagpapansinan ni MC.
Iinumin ko na sana nang maalala kong umiinom ng Coke si Javi kanina. Pareho kami ni MC na Royal ang ininom. OMG!!! Ito ang Coke ni Javi!!! Kapag uminom ako dito sa lata niya, para na rin kaming nag-kiss!!!
Dahan-dahan kong inilapit ang lata sa aking labi. Iniimagine ko ang malambot at mapulang labi ni Javi na lumalapit sa akin. Napapikit pa ako ng dumampi ang malamig na lata sa aking bibig. Pagdilat ko ay nakatingin sa akin si Javi. Yumuko siya at may inabot sa gilid ng upuan niya. Coke in can! Ngumiti siya sa akin bago uminom.
Ha?! Kung hawak ni Javi yung Coke niya, kanino 'to? Napatingin ako sa latang hawak ko.
"Hoy! Bakit mo ininom yung Coke ko?" Asik ni JM.
BINABASA MO ANG
The Making of a Perfect First Kiss
Teen FictionEncar's heart started to race as she looked at Javi's sparkling eyes. If there is anyone she would like to give her first kiss to, it would be Javi. She could feel his breath as he moved closer. She closed her eyes, savoring the warmth of his touch...