Cheek Kiss... again!!!

1K 35 21
                                    

Nakatulala ako sa kisame ng kwarto. Iniisip ko ang nangyari sa amin ni JM kanina. Naaalala kong pareho kaming namumula nang lumabas sa townhouse ng Blue Team. Hindi kami nag-usap hanggang makabalik kami sa townhouse namin. 

Pumikit ako. Naalala ko na naman ang pagdampi ng labi ni JM sa pisngi ko. "Ang first kiss ko..." nasambit ko sabay hawak sa aking pisngi. "Nakakainis! Bakit ba ayaw maalis nun sa isip ko?" Kumuha ako ng unan at tinakpan ang ulo ko. 

May mahinang katok akong narinig sa pinto. Wala ang mga kasama ko sa kwarto. Dahil tapos na ang mga activities ay nagkanya-kanyang gala na sila. Sina JM at MC naman ay nasa meeting kasama ang President ng Blue Team para sa Senior's Night bukas. 

"Tuloy!" sigaw ko. 

Dahan-dahang bumukas ang pinto at sumilip si Javi. "Pwede ba akong pumasok?" tanong niya. 

Bigla akong umupo sa kama at inayos ang aking damit. "Sige pasok ka Javi" sagot ko. 

"Sorry. Nagising ba kita?" nag-aalala niyang tanong nang makita na bumangon ako.

"Hindi naman ako natutulog. May iniisip lang" sagot ko.

"Mukhang matatagalan ang meeting nila. Nagtext si JM sa akin. Magpapadeliver na lang daw sila ng food dun sa meeting nila. Pupunta ako sa McDo para bumili ng dinner ko, may ipapabili ka?"

Tumingin ako sa relo ko. 7pm na pala. Nawili ako sa kakaisip ha. "Sasama na ako sayo."

"Hindi na. Baka sumakit yung paa mo."

"Ok na yung paa ko. Hindi na masakit. Inalis ko na nga yung benda e." Itinaas ko ang paa ko para ipakita kay Javi. 

"Sigurado ka?" 

"Oo. Kayang-kaya. Ako pa!"

Ngumiti siya sa akin. Natigilan ako. Hindi ko maintindihan pero may kakaibang dating pa rin sa akin ang ngiti ni Javi. Kinuha ko ang jacket na pinahiram niya sa akin. 

"Ok lang bang gamitin ko muna 'to? Daan na lang tayo sa ukay-ukay mamaya para makabili ako ng jacket ko."

"Ok lang Encar. May ibang jacket naman ako e" sabay hawak sa jacket na binili niya sa ukay. "Tara na?"

Nagpunta kami ni Javi sa Session Road. Naglibot-libot muna kami. Nakakita ako ng magandang jacket sa ukay-ukay kaya binili ko na pero hindi ko muna isinuot dahil amoy kulob. Magtapos mamili ay nagdinner na kami.

Pauwi na kami nang magyaya mag-coffee ni Javi. Sa Starbucks kami napadpad. Buti na lang walang tao kaya nakaupo kami sa couch. Marami din kaming napag-usapan. Ang mga lugar na napuntahan niya dahil sa work ng mommy niya. Ang pagiging independent niya. Ang tungkol sa daddy niya na hindi niya nakita at first love niya. 

Parang may kumurot sa puso ko habang nagkukwento siya. Sa pagkakadescribe niya ay parang halos perpekto ng babaeng iyon. Bigla kong naalala yung screensaver niya. Sino yung nasa phone niya na naka-uniform ng tulad ng sa amin?

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero bigla ko siyang tinanong tungkol sa first love niya. "Yung first love mo ba taga-Jade Valley?" Halos gusto kong tumakbo palabas matapos kong masabi ang tanong ko. Ano ka ba Encar? Ano bang iniisip mo? Bakit mo tinanong yun?!

Hindi agad nakapagsalita si Javi. Biglang namuo ang pawis sa noo niya. Tumikhim siya bago nagsalita. "Oo. Taga-Jade Valley siya." 

A ok. Ayan Encar nasagot na niya ang tanong mo. Wag ka nang magtanong ulit. "Kilala ko ba siya?" Parang gusto ko nang iumpog ang ulo ko sa pader nang hindi ko mapigilan ang bibig ko na magtanong. Naku! ite-tape na kitang bibig ka e!

"Ha?!" gulat na reaksyon ni Javi. Nakatingin siya sa mga mata ko. Ibubuka na niya ang bibig niya para sagutin ang tanong ko nang biglang mag-ring ang telepono niya. Halos mabitawan niya ang cellphone niya sa gulat. "Hello?" mabilis na sagot niya sa tumatawag. "O Bro!" Alam ko nang si JM ang kausap niya kahit hindi ko yun naririnig. "Nasa bahay na kayo? O sige pauwi na rin kami ni Encar. Sige Bro."

Sa unang pagkakataon, natuwa ako sa pag-epal ni JM. At least naalis kami sa awkward na sitwasyon dahil sa pagtawag niya. "Si JM?"

"Oo. Nasa bahay na daw sila. Pinapauwi na tayo kasi late na daw."

Tumingin ako sa relo ko. "10 na pala! Ang bilis ng oras no?" Tumayo ako. "Tara?"

Tumayo na rin si Javi at inalalayan ako palabas ng pinto. Nagtaxi na kami pauwi. Sa loob ng taxi ay hindi kami nag-uusap ni Javi. Ayaw kong magsalita dahil baka kung ano na naman ang masabi ko. Nagpakiramdaman lang kami. 10 minutes lang ay nasa Brentwood na kami. Bumaba kami sa harap ng townhouse ng Red Team. Madilim na ang townhouse. Ang tanging ilaw na naaaninag mula sa labas ay ang ilaw sa kusina. Marahil ay iniwan iyong bukas ni JM. 

"Thank you sa coffee ha. Tsaka sa pagsama mo sa akin bumili ng jacket." Huhubarin ko na sana ang jacket niya pero pinigilan niya ako.

"Bukas mo na ibalik sa akin yan kapag nalabhan mo na yung jacket mo."

"Sige bukas na lang. Sige na pumunta ka na sa townhouse ninyo" sabi ko sa kanya. 5 townhouses lang ang pagitan ng mga townhouse namin. 

"Pumasok ka na muna. Tapos tsaka na ako babalik sa amin" sabi niya. 

Napaka-gentleman talaga ni Javi. Hindi katulad ni JM. Teka bakit ko ba naisip ang mokong na yun? Napailing at napapikit ako ng pumasok muli sa isip ko ang nangyari sa amin ni JM. 

"Ok ka lang? Masakit ba ang ulo mo?" tanong ni Javi sa akin.

"Ha?! A hindi. Wala lang yun. Sige papasok na ko."

"Sige"

"Bye Javi"

"Bye Encar"

"Good night Javi"

"Good night Encar"

Walang gumalaw sa amin. Bigla kaming natawa pareho. 

"Para tayong sira" nakangiting sabi ko. "O sige totoo na talaga. Papasok na ako sa loob." Tumalikod ako naglakad palapit sa pinto. 

"Salamat Encar." sabi ni JM. 

Nilingon ko siya. "Salamat din. Nag-enjoy ako." Ngumiti ako sa kanya. Umakyat ako sa 3 baitang na hagdan papunta sa pintuan. 

"Nag-enjoy din ako" pahabol na sabi ni Javi.

Lumingon ulit ako sa kanya. "Umuwi ka na kaya" natatawang sabi ko sa kanya. 

Aabutin ko na ang door knob ng pinto nang marining ko ang mahinang tawag sa akin ni Javi.

"Encar"

"Ano na naman? Ang kulit..." hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil paglingon ko ay nasa harap ko na siya. Napalunok ako.

"Good night Encar. Sweet dreams" malambing na sabi niya. 

Bumilis ang tibok ng puso ko. Napayuko ako. Tinitignan ko lang ang tuhod ko na malapit nang bumigay dahil sa pagkakalapit namin. "G-good n-night. Sweet d-dreams d-din" Hindi ko alam kung paano ko pa nagawang magsalita kahit parang may nakabara sa lalamunan ko. 

Nakatayo lang si Javi sa harap ko. Hindi siya kumikilos. Tumingala ako para tignan ang mukha niya.

"Bye" sinabi niya sabay halik sa kanang pisngi ko. 

Mabilis lang yun pero parang naging slow motion ang lahat. Hindi ako agad nakakilos.

Tinakpan ko ang bibig ko sa sobrang pagkagulat. Nang mapagtanto ko kung ano ang nangyari ay bigla kong binuksan ang pinto at nagmamadali akong pumasok. "Bye" sabi ko sa kanya sabay sara ng pinto. 

Naghihina ang tuhod ko. Napasandal ako sa pinto. 

Sumilip ako sa bintana. Nakita ko si Javi na naglalakad pauwi sa townhouse nila. 

Para akong nilalagnat sa init ng katawan ko. Hinawakan ko ang kanang pisngi ko. Anong nangyari? Bakit niya ako hinalikan? Nasabi ko sa sarili ko habang sapo ko ang dibdib ko na mabilis na kumakabog. 

 //////////

Ayun na! Naunahan na ni Javi si JM. 

The Making of a Perfect First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon