Hindi sabay na pumasok sa school ang magkapatid. Nagpaiwan si MC. Nagpa-late din ako ng alis sa bahay para hindi ko makasabay si JM. Paglabas ko ng gate ay saktong lumabas din si MC. Nagkatinginan pa kami.
"Papasok ka na?" tanong ko sa kanya.
"Oo, sabay na tayo?" tanong niya sa akin.
Tumango ako sa kanya at sabay kaming naglakad. Hindi kami nag-usap papunta sa school. Hindi dahil galit pa rin kami sa isa't isa kundi dahil hindi namin alam kung saan kami mag-uumpisa. Pareho naming iniisip ang nakita namin kahapon.
Pagdating ng lunch break ay magkasama kami ni MC na nagpunta sa cafeteria. Pareho kaming hindi makakain.
"Nakita mo ba yung kahapon?" tanong ni MC.
Tumango lang ako. Bigla na namang nagbalik sa alaala ko ang paglalapit ng mga mukha nina JM at Javi.
"Hindi ako makapaniwala. HIndi ko alam kung sasabihin ko ba kila mama at papa. Hindi ko rin alam kung paano ko pakikisamahan si Kuya" kuwento ni MC sa akin.
Mas mahirap nga naman ang sitwasyon niya dahil palagi niyang nakakasama si JM.
"Tingin ko, kailangan mo munang kausapin si JM at sabihin sa kanya na alam mo na. Baka kasi gusto niyang siya ang magsabi sa mama at papa mo" payo ko kay MC.
Nag-isip si MC. Na-distract kaming dalawa nang lumapit ang isa naming classmate para iabot ang isang slam book. Pinasusulat niya kaming dalawa dito. Agad din siyang umalis.
"Ano 'to? Elementary lang ang peg?" bigla kong nasabi.
"Member ng school paper yun. Malamang naghahanap yun ang pwede i-feature kaya may ganito" paliwanag ni MC habang binubuklat ang mga pages. Bigla siyang napahinto sa isang pahina. Binasa niya ito. "Javier Marcus Dela Cruz."
Mabilis akong lumipat sa tabi ni MC at nakibasa.
Nickname: JM/Javi
Favorite color: Blue
Favorite movie: Philadelphia
Nagkatinginan kami ni MC. Nagpatuloy kami sa pagbasa. “Philadelphia? Hindi ba yun yung kay Tom Hanks tapos ano siya?” tanong ni MC. Tumango lang ako. Binasa namin ang mga kung anu-ano pang mga favorites niya hanggang makarating kami sa:
Describe your crush: Cute, smart, loves sports
Nagkatinginan ulit kami ni MC. Naisip ko na cute din si JM. Marami rin siyang tagahanga sa school. Parang nadagdagan pa nga iyon nang naging magkaibigan sila ni Javi dahil parang nagmu-multiply ang kaguwapuhan nilang dalawa pag magkasama. Matalino din siya. Siya ang top 1 sa section 2. At higit sa lahat, gusto niya ng football. Itinuloy namin ang pagbabasa.
What is love: Love is when you are willing to sacrifice and accept a person for who he/she is.
"Accept a person for who he/she is? Kasi iba siya?" pagre-react ni MC.
Kinuha ko ang slam book sa kanya at ako ang nagpatuloy magbasa.
How many gf/bf have you had? None
“None?! As in NGSB?!” gulat na sabi ko.
“Grabe ka naman kung magulat. Parang tayo lang din yan. NBSB” sabi ni MC.
Tama naman siya. Sa aming apat, si JM lang ang nagka-girlfriend nung 10th grade siya. Naghiwalay lang sila noong naaksidente siya at umalis yung babae papuntang Davao kasama ang family niya. Nagpatuloy ako sa pagbabasa.
BINABASA MO ANG
The Making of a Perfect First Kiss
Teen FictionEncar's heart started to race as she looked at Javi's sparkling eyes. If there is anyone she would like to give her first kiss to, it would be Javi. She could feel his breath as he moved closer. She closed her eyes, savoring the warmth of his touch...