"Thank you sa paghatid mo sa akin ha" pilit kong itinatago ang saya ko.
"Ok lang yun. Feeling ko kasi kasalanan ko kung bakit ka nasaktan kanina" sagot niya sa akin.
Hinawakan ko ang namamaga ko pa ring labi. Nagi-guilty ka lang ba kaya mo ko hinatid? Nakakalungkot naman. Pero ok na rin. Kahit paano, nakalamang ako ng konti kay MC.
"Sige na. Hihintayin kitang makapasok sa bahay ninyo bago ako umalis" paalam niya sa akin.
"Sige dito na ko. Ingat ka pauwi ha" paalam ko sa kanya.
"Ang totoo niyan mag-sleepover si Javi dito sa bahay kasi umalis papuntang Iloilo ang mommy niya" singit JM habang nakatayo sa gate ng bahay nila.
"Ha?! Diyan siya matutulog sa inyo?" tanong ko.
"Oo. Gusto mo din ba mag-sleepover dito sa amin?" tanong ni JM sa akin.
Oo! Gusto ko! Gusto ko isigaw per hindi ko magawa. "Hindi na. Gusto ko din magpahinga ngayon" malungkot kong sabi. Tumalikod ako at naglakad papasok sa bahay namin. Akala ko pa naman lamang na ako kay MC. Yun pala mas mataas ang score niya sa akin. Buti pa siya. Makikita niyang bagong gising si Javi. Inimagine ko si Javi na magulo ang buhok. Na-imagine ko rin siyang bagong shower. Naka-tapis lang ng towel. Napailing ako. Ano ba naman 'tong iniisip ko?
Maaga akong gumising kinabukasan. Naligo na ako, nagpaganda at nagpabango. Kailangan kong maabutan si Javi para makasabay ako sa kanya papasok. Mabuti na lang at hindi na namamaga ang bibig ko. Para akong pagong na humahaba ang leeg kakasilip ko sa bakuran nila MC. Maya-maya pa ay sabay-sabay na lumabas sina MC, JM at Javi. Lumabas na rin ako.
"Good morning Juliana Encarnacion! Ang aga mo ngayon ha. Hmmm… Umaalingasaw pa ang pabango mo" pang-aasar ni JM.
"Ano bang paki mo?" pinandilatan ko siya ng mata.
“Ang saya pala dito e. Magkakasabay kayo lagi pumasok. Parang gusto ko na tuloy lagi maki-sleepover” sabi ni Javi.
“Pwede naman e” sagot ni MC. Tumingin siya sa akin at pang-asar na ngumiti.
"Pupunta kami sa birthday party ng pinsan ko pagkagaling sa school. Sideline lang ng konti. Gusto mo sumama? Kulang pa kasi kami ng isa. Yun ay kung gusto mo lang naman" tanong ni Javi.
"Birthday party? Oo ba!" hindi ko na hinintay na ipaliwanag ni Javi kung ano ang magiging parte namin sa party. Basta na lang ako nag-commit na sasama.
Parang may mga lumilipad na maliliit na ibon sa paligid ng ulo ko sa pagkahilo sa dami ng mga instructions na ibinibigay sa akin. Children’s party pala ang pupuntahan namin. Ako ang na-assign na tumulong sa pag-aayos ng sound system at maging runner kapag may mga kakailanganin sa party. Si Javi ang host samantalang ang magkapatid na MC at JM ang mga mascot. Naghahanda na kami sa para sa party nang bigla akong hatakin ni JM papunta sa isang sulok.
"Ano ba ang kailangan mo JM?"
"Hindi ko kayang mag-mascot. Palit na lang tayo. Ikaw na lang dito"
"Ayoko!" tanggi ko sabay talikod sa kanya.
Inabot ni JM ang braso ko at hinawakan ang kamay ko. Nanlalamig ang kamay niya. "Please. Hindi ko talaga kayang gawin to. Hindi ko lang masabi kay Javi kanina. Please. Gagawin ko lahat ng gusto mo pumayag ka lang" pagmamakaawa niya sa akin.
"Hay! Kahit kailan talaga panggulo ka sa buhay ko! Sige pero may tatlong kundisyon."
"Kahit ano."
BINABASA MO ANG
The Making of a Perfect First Kiss
Teen FictionEncar's heart started to race as she looked at Javi's sparkling eyes. If there is anyone she would like to give her first kiss to, it would be Javi. She could feel his breath as he moved closer. She closed her eyes, savoring the warmth of his touch...