//
Para kay TLvsSuperman. Sana magpagtiyagaan niya itong basahin. Puro makukulit kasi ang stories niya. Hindi ko alam kung nagbabasa siya ng love stories na pa-tweetums.
//
Kinausap ako ni Javi pagkatapos ng klase. Pumunta kami sa football field.
Sinabi niya sa akin na may nagugustuhan siya sa school. Alam kong si Encar yun kahit ayaw niyang sabihin kung sino. Humihingi siya ng advice kung paano siya magko-confess.
Aba lokong 'to ha. Uunahan pa ako kay Encar ko.
Sinabi ko sa kanya na nung nag-confess ako sa unang girlfriend ko ay agad ko siyang hinalikan kahit hindi naman. Sinabi ko lang yun para ma-turn off sa kanya si Encar. Ang totoo, si Encar ang gustong kong maging first kiss ko. Hinihintay ko lang siyang magdalaga.
Pagkatapos ng araw na iyon ay napansin ko na parang umiiwas na sa akin si Encar. Nagkausap na kaya sila ni Javi? Pero hindi, kung nag-usap na sila, malamang ibabalita sa akin ni Javi yun. Pero bakit umiiwas si Encar?
Sabay na pumasok si MC at Encar at sabay din silang nag-lunch. Aba himala! Nagkabati na ang mag-best friends.
Noong pauwi na kami ay niyaya ni Encar si MC na manood ng Brokeback Mountain. Pinigilan ko silang manood. Sinabi ko na isusumbong ko sila kila mama pag nanood sila nun. May sinasabi si MC nang takpan ni Encar ang bibig niya. May tinatago 'tong dalawang 'to.
Sinabi ko sa kanila na mag-sleepover ako kila Javi. Bigla naman nila sinabing sasama sila at dali-daling nagpaalam.
Pagdating sa bahay nila Javi ay nanood kami ng A Walk to Remember. Nakakainis kasi tumabi si Encar kay Javi. Nag mag-kiss si Mandy Moore at Shane West ay umiwas ng tingin si Encar. Tinakpan ni Javi ang mata niya. Bwisit 'to ha! Sasapakin ko na 'to!
"Matanda na yan. Tsaka maraming kissing scenes na yan na napanood" sabi ko. Tinignan lang ako nang masama ni Encar at dumila pa. Naku! Kung hindi ka lang cute!
Umiiyak na si Encar nang papatapos ang movie. Sabi na iiyak siya e. Inabot ni Javi ang panyo niya at nagbulungan sila. Asar talaga! Javi! Lumayo ka kay Encar ko!
Pagkatapos manood ay derecho na sa guest room sila MC at Encar. Hindi ako makatulog kaya naisip kong maligo sa washroom sa baba. Nasa 2nd floor kasi ang mga kwarto.
Tapos na akong maligo nang may marinig akong kaluskos sa labas ng washroom. Inikot ko ang tuwalya sa beywang ko at binuksan ang pinto para makita kung sino ang nasa labas. Nagulat ako ng bigla na lang natumba si Encar sa akin.
Ang dalawa niyang kamay ay nakadiin sa dibdib ko habang nakadikit ang katawan niya sa akin. Bagong ligo lang ako pero bigla akong pinagpawisan. Tinulak niya ako at bigla siyang umatras.
Tinanong ko kung ano ang ginagawa niya sa labas ng banyo. Tinitignan lang daw niya kung may tao sa loob pero pakiramdam ko ay may itinatago siya. Habang lumalapit ako sa kanya ay umaatras naman siya haggang sa mabangga siya sa pinto at sumara ito. Hinawakan niya ang doorknob.
Isinandal ko siya sa pinto habang pinipigilan siyang pihitin ang doorknob.
"Hindi tayo lalabas dito hanggang hindi ka umaamin. Anong ginagawa mo sa labas ng pinto kanina? Sinisilipan mo ba ako?"
“Lumayo ka nga sa akin. Kung hindi sisgaw ako.”
“E di sumigaw ka. Ano kaya ang iisipin nina MC at Javi pag nakita nila tayong dalawa dito sa loob habang half-naked ako?” Sa totoo lang, gusto kong makita kami ni Javi na ganito. Para magselos siya at tigilan na niya si Encar.
BINABASA MO ANG
The Making of a Perfect First Kiss
Teen FictionEncar's heart started to race as she looked at Javi's sparkling eyes. If there is anyone she would like to give her first kiss to, it would be Javi. She could feel his breath as he moved closer. She closed her eyes, savoring the warmth of his touch...