Cheek Kiss for Real!

1.1K 42 16
                                    

Hiyang-hiya si MC nang malaman niya ang pagkakamali niya. Panay ang sorry niya sa akin samantalang hindi naman siya makatingin sa kanyang kuya. Nagkasya na lamang siya na paghainan kami ng niluto kong noodles na ngayon ay malapit nang lumamig. 

Nasa harap ko si Javi. Binabalot niya ng benta ang aking paa habang si JM naman ay mabilis na umakyat sa 2nd floor para kumuha ng t-shirt. Pababa na siya nang matapos maghain ni MC.

"Sigurado ka bang ok ka na?" tanong sa akin ni Javi. 

Tumango lang ako sa kanya. 

"Kain ka na. Dapat pala ibinili namin kayo ni kuya ng pagkain" sumulyap si MC sa kuya niya na nagsisimula nang kumain. Agad din siyang umiwas dahil sa hiya. 

"Ok lang. Wala din naman gana kumain si JM. Wala na siyang lagnat pero kailangan pa rin niyang uminom ng gamot kaso wala na kaming paracetamol sa medicine kit."

"Meron pa dun sa amin, ikukuha ko siya mamaya" mabilis na sabi ni Javi. 

"Paano yan, pisikal ang mga activities bukas? Magpaalam ka na lang na hindi ka sasali kasi napaso ang paa mo" sabi ni MC.

"Hindi pwede! Absent na nga ako ngayon tapos hindi pa ako sasali bukas" sagot ko. 

"Ayan ka na naman Encar. Ang tigas na naman ng ulo mo. Wag ka na nga sumali at baka kung mapaano pa yung paa mo" mariin na sabi ni JM.

"Sasali ako sa activity bukas. Hindi ako papayag na ipaubaya na lang sa mga ka-team natin yung mga tasks. Kaya ikaw, dapat wala ka na rin sakit bukas. Maliwanag?" sabi ko kay JM. Agad naman siyang tumango. 

"O sige, babalik na muna kami ni Javi dun sa Teacher's Camp. Pumunta lang kami dito para kamustahin kayo" sabi ni MC. 

"Alis muna kami Encar. Wag kang maglalalakad ha. Tsaka mag-ingat ka" sabi sa akin ni Javi habang hawak niya ang balikat ko. Itinago ko ang kilig na naramdaman ko sa paghawak niya sa akin.

"Sige Bro. Pahinga ka na din" Tinapit niya ang braso ni JM bago lumabas. 

Pisikal nga ang activity sa araw na ito. May relay, dodge ball at may adventure hunt. Dahil may benda pa ang aking paa at si JM at kagagaling lang sa sakit, napagkasunduan ng Red Team na kami ang isalang sa adventure hunt. Wala akong idea kung ano ang meron dun dahil tikom din ang bibig ng mga taga Blue Team na in-charge sa activities sa araw na ito. 

Alas-singko na nang umpisahan ang adventure hunt. Ipinaliwanag ng Team Leader ng Blue Team ang mechanics. 

"Ito ay activity kung saan masusukat ang tiwala ninyo sa inyong partner at ang tatag ng inyong loob" panimula ng team leader. "Ang bawat grupo ay may 2 representatives na silang papasok sa loob ng townhouse." Itinuro niya ang townhouse ng Blue Team. 

Inabutan niya kami ng tig-isang flashlight. "Madilim sa loob. Ang lahat ng bintana ay sadyang tinakpan at ang switch ng kuryente ay aming pinatay kaya kakailanganin ninyo ang flashlight."

"Hala nakakatakot naman!" Narinig kong nagbulungan ang mga nasa likod namin. Natakot din ako. Grabe naman. Sa lahat naman ng pwedeng ma-assign sa akin, yung may takutan pa. Hindi nga ako pumapasok sa mga horror house e. 

"Kailangan niyo lang hanapin ang medals na katulad ng hawak ko" pagpapatuloy ng team leader hawak ang isang medal. "Ang bawal medal ay may kaukulang kulay. Ang medal na may kulay ng team niyo lamang ang dapat ninyong kunin. Ang point system:

+50 points per medal with correct team color

-60 points per medal with wrong team color

+100 points for the fastest team

The Making of a Perfect First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon