Kiss Between 2 Boys

1.3K 46 19
                                    

Gaya ng napagkasunduan namin ni JM, hindi na namin pinag-usapan ang eksena sa park. Tulad ng dati, magkakasama pa rin ang Fantastic Four although medyo naiilang akong kasama si Javi. Ayaw kong makahalata ang iba kaya pilit ko itong itinatago.  

Napansin ko na naging extra sweet si Javi. Madalas siyang magbaon ng mga cakes and pastries. Ang sabi niya bagong hobby ng mama niya ang mag-bake kaya shine-share niya sa amin ang mga gawa nito. Hindi ko mapigil isipin na para kay JM ang mga iyon at binibigyan lang niya kami ni MC para hindi siya mahalata. Madalas ay tinatanggihan ko ang mga binibigay niya. 

"Red velvet cupcake with cream cheese frosting ang ginawa ni Mommy ngayon. Nagdala ako para sa ating apat. Tikman ninyo." Inabot sa akin ni Javi ang isang cupcake. 

"Uhm. Busog pa ako e." Tinanggihan ko ang alok niya. 

"Akin na lang!" inabot ni MC ang cupcake mula ka Javi. 

"Sure kang ayaw mo?" tanong ni Javi.

"Kakatapos ko lang kasi kumain e. Tsaka hindi ako mahilig kumain ng matamis." sagot ko.

"Anong hindi. Ang takaw mo kaya. Tikman mo. Masarap!" inilapit ni JM ang cupcake na kinagatan niya. 

"Ito na lang ang tikman mo. Sayo na lang yung share ko." sabi ni Javi. Sabay abot ng isa pang cupcake. 

Huh? Ayaw ba niyang kumagat ako sa kinagatan ni JM? Totoo ba talaga ang hinala ko? Waaah! Umiling ako ng pumasok iyon sa isip ko. "Sige patikim na lang" inabot ko ang kamay ni JM sabay kagat sa cupcake niya. 

"Ang takaw mo talaga! Tignan mo nga ang dungis mo na" kinuha ni JM ang panyo niya at dahan-dahang pinunasan ang bibig ko para alisin ang frosting ng cupcake. Nagulat ako ng bigla niyang itulak ang kamay niya at naiwan ang panyo sa bibig ko. "Ikaw na magpunas! Para kang bata!"

"Aray naman!" pinunasan ko ang bibig ko at nilagay ang panyo sa bulsa ko. 

"Hoy! Panyo ko yan! Akin na yan" sigaw ni JM. 

"Ibabalik ko sayo bukas. Lalabhan ko muna" sagot ko sa kanya.

"Ibigay mo na sa akin. Wala akong pamunas pag pinawisan ako mamaya" sabi niya.

"Ayan! Sayo muna panyo ko! Grabe para panyo lang" inis na sabi ko sa kanya. Napatingin ako kay Javi na nakatitig naman kay JM. Grabe. Gusto ba talaga niya si JM? Nanghihinayang na tanong ko sa sarili ko. Kahit iniisip kong may gusto siya kay JM ay hindi ko pa rin maalis ang paghanga ko sa kanya. 

"JM pwede mo ba akong samahan mamaya pagtapos klase natin?" tanong ni Javi.

"Oo ba. Parang seryoso yan ha" sagot ni JM.

Oh no! Aamin na ba si Javi? Hindi ko ito kakayanin! Kailangan ko silang pigilan!

"JM, di ba sabi mo sa sasamahan mo akong magresearch mamaya?" bigla kong nasabi. 

"Ha? Kelan ko sinabi yun?" nagtatakang tanong ni JM.

"Nung pagkatapos ng birthday party ng pinsan ni Javi" sabi ko sa kanya. 

Tumingin sa akin si JM. Kumunot ang noo niya. Bigla akong nag-blush ng maalala ang tagpong iyon. Noong umiiyak ako sa balikat ni JM.

"Ok lang kung may gagawin kayo" malungkot na sabi ni Javi. 

"Ako na lang sasama sayo" biglang sumingit si MC. 

"Ok" maiksing sagot ni Javi. 

Nalungkot ako dahil makakasama ni MC si Javi pero naisip ko rin na kung totoo ang hinala ko, tama lang na ilayo ko si JM kay Javi. Kahit palagi niya akong inaasar ay naging mabait naman siya sa akin, paminsan-minsan. 

The Making of a Perfect First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon