Most Painful Heartbreak

964 35 26
                                    

///

Para kay Caramel Day, the cool author of Wishing Stars and Dandelions. Thank you for inspiring me.

///

Papasok na sana ako sa kwarto nang marinig kong magsalita ang mommy ni Javi sa gitna ng kanyang pag-iyak. "Bakit hindi mo ako binalikan?"

Napahinto ako at napasandal sa pader. 

"Dinala ako sa Manila pagkatapos ng aksidente. Isang buwan akong naratay sa ospital, walang malay. Nang magkamalay na ako, bumalik ako sa Davao pero wala ka na." Umiiyak na rin si papa. 

Naguguluhan ako. Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila. Bakit sila magkakilala? Bakit sila umiiyak?

"Si Encar. Anak mo siya?" tanong ng mommy ni Javi. 

"Oo. Anak ko siya kay Mercy. Nurse siya sa ospital. Siya ang nag-alaga sa akin. Apat na buwan akong nagpabalik-balik sa Davao nang gumaling ako. May nagsabi sa akin na sumakay daw kayo ng barko papuntang Maynila. May bagyo noon. Lumubog ang barko dahil overloaded at maraming namatay na wala sa listahan ng mga pasahero. Akala ko..." Huminga nang malalim si papa. "Akala ko wala ka na. Noon na kami nagsimulang magsama ni Mercy."

"Hindi kami sumakay ng barkong yun dahil sinundo kami ng papa ko para bumalik sa Samar. Pinatawad na niya ako nang mabalitaan niya na naaksidente ang sinasakyan mong helicopter." Paliwanag ng mommy ni Javi. 

Asawa ni papa ang mommy ni Javi dati? Sumasakit ang ulo ko sa kaiisip. 

"Si Javi..." biglang nagsalita si papa. "Siya pa ang pinagbubuntis mo noong umalis ako?"

Hinintay ko ang sagot. Kahit sandali lang ay para bang ang tagal ng ipinaghintay ko. "Oo. Anak mo siya. Pangalan ko ang nakalagay sa birth certificate niya pero anak mo siya." sagot ng mommy ni Javi. 

Tinakpan ko ang bibig ko upang pigilang kumawala ang impit na sigaw dala ng pagkabigla ko sa aking narinig. Hindi ko na kaya. Kailangan ko nang umalis dito. Pinihit ko ang katawan ko para umalis sa pagkakasandal sa pader. Nagulat ako nang makitang nakatayo si JM sa gilid ko. Narinig din niya lahat. Bigla niya akong niyakap. Hindi ko na napigilan ang lumuha. "JM, ilayo mo ako dito please." Bulong ko sa tenga niya. 

Nanlalabo ang paningin ko dahil sa pagkahilo at pag-iyak. Natumba ako. Naramdaman kong binuhat ako ni JM at dinala sa aking kwarto. Iniupo niya ako sa kama at lumapit sa pinto para isara ito. Saglit siyang huminto bago niya ito isinara. 

"Umalis si Tito Renan at ang mommy ni Javi." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. 

Walang tigil ang pag-agos ng akong luha. "Si Javi. Magkapatid kami." Hirap kong sinabi sa pagitan ng aking paghikbi. Gulung-gulo ang isip ko. Hindi ako makapaniwala na magkapatid kami ni Javi. Parang unti-unting pinipiga ang puso ko.  "Wag mo akong iwan JM. Kahit anong mangyari, dito ka lang sa tabi ko. Ito ang ikatlong kundisyon ko."

"Dito lang ako Encar. Hindi kita iiwan." Niyakap akong muli ni JM. Mas mahigpit. Yumakap din ako sa kanya.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Paggising ko ay nakita ko si JM na nakayukong natutulog sa gilid ng kama ko. Nakahawak siya sa aking kamay. 

Biglang bumukas ang pintuan. Dahan-dahang pumasok si Javi. "Pumunta ako kanina dito pero tulog kayo ni JM." Tumingin siya sa kamay kong hawak ni JM. Hindi ko iyon inalis. Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.

"Baby, wag kang magalit sa sinabi ni mommy." Naglakad siya palapit sa akin. 

"Lumabas ka muna Javi. Please." Buong tapang ko siyang pinaalis. Parang sasabog ang puso ko kapag nakikita ko siya. Napahinto siya sa paglakad. 

The Making of a Perfect First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon